Kabanata 4

0 0 0
                                    

SIBIL

Pagkatapos  ng pananghalian ay agad na umalis sa hapag si Duke.

Patagong inirapan ko lang ito.

'Hayy. Para na akong si Bevs. Panay ang irap. Ang lalaki kasing iyon. Akala mo kung sino.'

Excited akong hinatak ni mama sa ikalawang palapag. Ipapakita niya raw sa'kin ang kwarto ko.

"Pag-pasensyahan mo na si Duke,  anak. Ilag talaga siya sa amin ni Tito Ed mo."  si mama habang paakyat kami sa second floor ng mansyon.

"Okay lang ma. Naiintindihan ko." labas sa ilong na sagot ko na lang kay mama.

Ayaw kong mag-alala siya sa'kin.

Nang makarating na kami sa second floor ay nilibot ko agad ang aking paningin.

Saan man dumapo ang paninging ko ay nagsusumigaw ng karangyaan. Nakita ko ang tatlong mahkabilaang kwarto na nasa kaliwang bahagi ng pasilyo. Sa kanan naman ay dalawa pero tanaw ko mula dito ang veranda sa dulong bahagi nito.  Sa harapan ng dalawang kwarto ay ang lounge. At mula sa veranda ay tanaw doon ang sa malayo ang nagagandahang burol ng La Fuego. Mayron pa akong nakitang taniman ng mga bulaklak.

'Ang Ganda! Parang Switzerland lang.'

Iginiya ako ni mama sa huling kwarto na nasa kanang bahagi. Masaya ako dahil lang ito sa veranda. Pagpasok namin sa 'kwarto ko' ay napansin ko agad ang isang canopy bed na nasa gitna ng silid.  Isang dirty white na bedside table ang nasa kaliwa nito. At sa kanan ay isang table na pinagpatungan ng lamp shade.

May nakita pa akong isang table na may parisukat na salamin. Kulay pink ito pati na rin ang upuan na nasa harap nito.

Nakita ko pa doon ang iba't ibang beauty products. At sigurado akong mamahalin ang mga iyon.

Iginala ko pa ang aking paningin. Simple lang ang disensyo ng kwarto. Puti ang dingding pati kisame. Sa bawat edges naman ng kwarto ay kulay brown.

May flat screen TV ang nakasabit sa dingding sa may paanan ng kama. Kapansin-pansin din ang Egyptian style na sofa sa dulo ng kama.

'Lahat ba ng rooms dito ay ganito? O sobra pa? Nai-imagine ko ang Master's bedroom at ang kwarto ni Duke. Kung ganito na ka extravagant ang kwarto kp sigurp mas pa sa kanila.'

Nagpatuloy ako sa pagtingin at napansin ko ang dalawang pintuan. Binuksan ko ang isa at nalaman kong ito ay isang walk in closet.

Nakita ko sa loob ang mga damit na dala ko. Maayos na nakatupi ang mga ito. Mayron ding mamahalin at bagong damit na nakasampay.

Nilingon ko si mama para sana magtanong kay lang hindi ko pa naisatinig sinagot na niya.

"Bago ka pa namin puntahan ay ibinili na kita ng mga gamit. I-i hope you like it." sa mamabang boses ni mama.

"Oo naman ma. Salamat" ngumiti ako sa kanya.

Inilibot ko pa ang tingin sa loob at napansin ko ang iba't ibang uri ng mga sapatos, doll shoes, at marami pang iba.

Punong-puno ang closet. Parang pinaghandaan talaga ni mama ang pagdating ko.

Ang isa naman ngayon ang binuksan ko. Nakita ko ang pag-isahang bath tub sa tabi ay ang shower. Sa pinakadulo ay ang toilet bowl. Kulay puting rough tyles ang sahig at ang dingding at kisame ay puti rin.

Nang matapos ay lumabas na ako roon.

Naupo ako sa sofa na nandoon. Tumabi sa'kin si mama at niyakap ako patagilid.

"I hope you like your new room." si mama

Hinarap ko si mama at nginitian.

"Oo naman ma. Maganda at malinis." nakangiting  sagot ko kay mama at niyakap na rin siya.

Tumayo si mama kay tumayo na rin ako.

"Oh sya,  Alam kong pagod ka sa byahe natin kay magpahinga ka muna. Mamaya paggising mo ito-tour kita dito sa mansyon.  I know you'll like it here."

'I hope so ma.'

"Sige ma. Matutulog pi muna ako. Salamat." hinagkan ko siya.

Nasa pintuan na kami nang hawakan ni mama ang dalawa kong kamay. Naluluhang tiningnan niya ako.

"Okay anak.  You don't know how happy I am na nakakasama na kita." aniya at hinalikan ako sa pisngi bago umalis.

Nang hindi ko na nakita ang bulto niya sa pasilyo ay isinarado ko na ang pinto.

'Haayy. I really need to take a nap.' humikab pa ako.

ALAS TRES  ng hapon nang magising ako. Inayos ko muna ang pinaghigaan ko bago ako pumasok sa banyo para maligo.

Habang nasa dutsa ako ay iniisip ko ang nangyari kanina sa hapagkainan.

'hay sana naman maging maayos ang pagtira ko dito. Hmm.... Saan kaya dito ang kwarto ni Duke?'

Kinaltukan ko ang sarili ko dahil sa naiisip.

'baliw ka.  Ano naman ang pakialam ko sa unggoy na 'yun?' kausap ko sa sarili ko.

Para hindi na 'ko mag-isip tungkol sa kanya ay dinalian ko nalang ang pagligo.

Nang matapos ay pumasok ako sa walk in closet at kinuha ang kukupasing royal blue na bistida. Sleeveless iyon at may tali sa likod. Bigay ito sa akin ni uncle noong 15th birthday ko.

Sa paa naman ay kinuha ko ang dala kong sandalyas. Pagkatapos ay lumabas na ako.
Nagtungo ako sa vanity mirror na nandoon at umupo sa silya.

Hinalungkat ko ang mga drawer na nandoon at nakita ko ang isang blower, kaya binlower ko ang buhok ko.

Naglagay ako ng pulbo sa pisngi at kunting lip balm sa lips ko. Nang masiyahan ako sa itsura ko ay lumabas na ako.

'Nasan kaya si mama?'

Nasa sala na ako ng makita ko ay isang kasamabahay, siguro matanda lang sa'kin ng dalawang taon ito. Nagpupunas siya sa mga picture frame na nandoon.

"Ah. Excuse me ate. Nakita mo pa si mama?" magalang kong tanong sa kanya.

Ngumiti ako nang lumingon siya sa'kin. Pero inirapan niya lang ako at hindi na sumagot.

Nawala ang ngiti ko sa ginawa niya.

'Di bale... Sa iba nalang ako magtatanong.'

Pupunta sana ako sa kusina nang bumukas ang pinto at lumabas si Nana.

Agad na nagliwanag ang mukha ko pagkakita sa matanda.

"Nana." tawag ko dito.

"Señorita. Magandang hapon."

Ngumiti ako sa matanda.

"Mangandang hapon din po Nana. Nakita niyo po ba si mama?"

"Si Madam at Mayor ay umalis. Kanina pagkatapos kang ihatid ni Madam. May aayusin daw sila para sa pag-aaral mo dito.... Pero binilin ni madam na papameryendahen ka pagkagising mo... Kaya halika na hija sa kusina. Nandun na rin si Señorito."

Napahinto ako sa paglalakad. Pero inakay na ako ni Nana kaya nagpatuloy nalang ako.

'Mabuti na rin siguro nang makapag-usap kami. Kahit di namin gusto ang isa't isa pwede din naman siguro kaming maging sibil sa isa't isa....kahit na sa harapan lang ni mama at tito.'

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 29, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Stolen (La Fuego Series 1)Where stories live. Discover now