Kabanata 1

0 1 0
                                    

VISITORS

MULA  sa driver's seat lumabas ang isang lalaki. Sa tantiya ko nasa limampung taong gulang ito. Pormal ang kanyang suot at makikita ang karangyaan sa porma nito.

Sa kabila naman lumabas ang isang babae, hindi nagkakalayo ang edad nito sa lalaki. Pagkababa ay agad na inalis ng babae ang sunglasses at inilagay sa ulo. Palinga-linga ito na parang may hinahanap. Kapansin-pansin ang kulay ng buhok nito.

'Metallic gray' sa isip ko. Kadalasan kasi sa mga dalaga dito ay ganoon ang kulay ng buhok, dahil sikat daw ito.

Nang nakalapit ang dalawa sa akin ay napansin ko ang mukha ng babae. Sobrang pamilyar ng kanyang mukha para bang nakita ko na sya pero hindi ko maalala. Sa hindi malamang dahilan ay bigkang tumahip ang aking puso.

Kinakabahan ako.

"Magandang umaga hija. Alam mo ba ang bahay ni Romeo Yllazar Moran?" napabaling ang tingin ko sa lalaki ng tanungin niya ako.

"Dito po. Bakit po? Sino po sila?" tanong ko sa lalaki. Agad naman silang nagkatinginan.

Binalik ko naman ang tingin ko sa babae at napansin ko ang kanyang mapanuring titig sa'kin, unti-unting naman itong lumanlam.

Napalunok naman ang babae bago ako sinagot. "Ako si Marcia at siya naman si Ed,  hija. May kailangan lang kami sa kanya."

Malungkot ko silang tiningnan. "Wala na po si uncle. Namatay po sya months ago."

"Ganun ba? Pero nandyan ba ang Tiya mo?" tanong ng babae.

Tumango naman ako. "Saglit lang po ha. Tatawagin ko si Tiya Ana. Pasok po muna kayo."

Giniya ko sila sa balkonahe at pinaupo ko sila sa kawayang upuan doon.

"Mayroon po ba kayong gustong inumin?" magalang kong tanong sa kanila.

Tipid naman na ngumiti sa akin ang babae.

"Huwag na hija. Okay lang kami." aniya.

"Sige po. Tatawagin kp na si Tiya." agad ko naman silang iniwan at pumasok na sa loob ng bahay.

Nakita ko si Tiya sa kusina,  naghihiwa ng okra.

"Tiya." tawag ko dito. 

Napalingon si Tiya sa'kin.

"Oh, Ano?" aniya habang ipinagpatuloy ang paghihiwa.

"May naghahanap po sa inyo. Marcia at Ed po." ani ko.

Napatigil agad si Tiya sa ginagawa. At ang buong atensyon ay nasa akin na.

"A-anong sabi mo?" Si Tiya.

"May naghahanap po sa inyo, Marcia ate Ed po ang pangalan."

Nabigla ako nang pagalit na ibinababa ni Tiya ang kutsilyo. Nagpunas siya ng kamay at tiningnan ako.

"Sumunod ka sa'kin." pagalit at sa mababang boses na ani ni Tiya.

Nagtatakang sinundan ko si Tiya. Nakita ko si Bevs na lumabas sa kanyang kwarto. Nang nagkatinginan kami ay inirapan niya ako bago dumiritso sa balkonahe.

Narinig ko ang pagsinghap ni Bevs. At alam ko kung bakit.

Nang makarating na kami ni Tiya sa balkon ay agad na tumayo ang dalawang bisita.

"M-magandang umaga Ana." aning babae.

"At anong masamang hangin ang nagdala sayo rito Marcia?" ani Tiya na may pag-uuyam sa boses.

"Kukunin ko na ang anak ko Ana." napalingon ako sa babae at napalunok ako sa kabang naramdaman ko.

Nakita ko si Bevs sa tabi at tumaas ang kanyang kilay habang tinitingnan ako.

"Payag naman ako.....basta bayaran mo ang nagastos namin sa kanya." si tiya habang tinitingnan ako. Napayuko ako.

Tiningnan ko ang babae na nagngangalang  Marcia. Kita ko ang pagkakahawig namin. Kumirot ang puso ko.

"Hoy! Sia!" tawag sa akin ni Tiya.
"Hindi mo ba yayakapin ang malandi at iresponsable mong ina?" dagdag pa niya.

Napayuko ako. Hindi ko alam ang nararamdaman ko. Nagkahalo halo na. Masaya,  pangungulila, galit sa kanya at galit sa tinuran ni Tiya. Ang dami kong tanong sa aking ina. Napaluha nalang ako.

"Maria..." tawag sa'kin ng babae. Hindi ko kayang tawagin siyang Ina. Sa halos labing pitong taon ko dito sa mundo. Wala akong tinawag na ina kay hindi ko alam kung kaya ko siyang tawagin ng ganoon.

Napalingon ako sa kanya. Hilam ng luha ang kanyang mukha. Ako rin naman.

"Anak...patawarin mo ako anak. Patawad. Sana mapatawad mo ako. Mahal na mahal kita anak." narinig ko ang paghagulhol niya.

Tumayo siya at unti-unting lumapit sa akin. Nang tuluyan na siyang nakalapit ay agad siyang lumuhod sa aking harapan.

Agad na nanlaki ang mata ko sa kanyang ginawa. Umupo ako para magpantay ang mukha namin.

"Anak...patawarin mo ako. Mahal na mahal kita anak. Patawarin mo na si mama please?" aniya habang hinahaplos-haplos ang aking pisngi.

At dahil sa haplos na iyon para bang naibsan ang mga taon na nangungulila ako sa kanya.

"Mama..." anas ko sa gitna ng paghikbi at niyakap siya, agad din siyang gumanti ng yakap.

Stolen (La Fuego Series 1)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora