Kabanata 3

0 0 0
                                    

LA FUEGO

"WELCOME  to La Fuego hija." sa masayang boses ni mama.

Napalingon ako sa labas ng bintana. Nakita ko doon ang malaking anchor na may nakasulat na La Fuego. Tanghali na ng makarating kami at hindi ko namalayan na nakarating na kami dahil ang laman ng isip ko ay ang halik sa akin ni Simon.

Wala sa sariling napahawak ako sa labi ko.

"Okay ka lang ba anak?" nilingon ako ni mama ng hindi ako sumagot.

"O-okay lang ma." mahinang sagot ko.

"Hmm. Iniisip mo siguro ang lalaking iyon." ani mama na may pigil na ngisi sa mga labi.

Namula naman ang pisngi ko. Batid kong nakita nila ang ginawa ni Simon sa'kin.

"Mama naman..." nahihiyang pigil ko sa kanya.

Tuluyan ng humalakhak si mama pati si Tito Ed ay napangisi nalang.

Para hindi na tuksuhin ay ibinuhos ko nalang ang atensyon sa labas. Marami akong nakitang mga gusali. Although hindi ganun kataas katulad ng sa Maynila pero masasabi ko na mayayaman ang halos nakatira dito sa La Fuego.

Pansin ko rin ang mga naglalakihang bahay na nadaanan namin. Nang pababa na kami sa downtown ay nakita ko ang paaralan ng La Fuego.

La Fuego National High School.

Tiningnan din ni mama ang paaralan.

"Diyan ka mag-aaral, nak." nakangiting sabi ni mama. Napatango nalang ako.

Nagdiri-dritso pa ang sasakyan paakyat naman kami ngayon. Nadaanan namin ang malawak na lupain na may nakakalat pa na mga baka.

Na amaze ako sa nakita ko. Akala ko sa mga Telenovela ko lang makikita ito pero hindi dahil abot tanaw ko na ang mga ito.

Nang mapatingin ako sa kabilang bahagi ng daan ay kitang kita ko ang white sandbar, ang tubig ay tulad ng kalangitan sobrang ang kaasulan.

"Wow." napalabi ako.

Napangiti nalang si mama at Tito Ed.

Naexcite naman ako sa bagong environment ko. Sa Lemen kasi. Bundok at may bahaging kapatagan lang kasi ang makikita mo. Hindi tulad dito na marami burol, talampas, kapatagan at may dagat pa.

Ilang sandali pa ay natanaw ko ang mataas na bakod. Bumukas ito at pumasok na ang sasakyan na lulan kami. Napabalik ang tingin ko sa gate. Wala namang tao. Siguro remote control iyon. Nasa 100 meters pa galing gate ang binyahe ni Tito Ed. Bago ko nakita ang water fountain na nasa gitna. Dalawang anghel ang naroroon na pawang walang saplot sa katawan at may hawak hawak na dalawang banga, kung saan lumalabas ang tubig.

Nang tukuyan ng huminto ang sasakyan ay agad kaming dinaluhan ng mga kasambahay. Naka uniporme pa ang mga ito.

"Welcome home po, Mayor." Ani isang babae na sa tingin koy matanda pa kay Tito Ed.

'Mayor?' napalingon ako sa aking ina para kumpirmahin ang narinig.

"Ah.  Nakalimutang kong sabihin sayo anak. Mayor si Tito Ed mo dito sa La Fuego." si mama.

Napatango nalang ako.  Tiningnan ko ang disenyo ng bahay. Mayroong dalawang malaking poste doon. Ang disenyo ng mga ito ay parang greyigo.

Sa harap naman ay ang double doors. Malalaki rin ang kanilang mga bintana. Kitang kitang ko ang puting kurtina na hinihipan ng hangin.

"Salamat Nana Sela. Pakitulungan si Mam Marcia niyo at ang kanyang anak si Sia." -tito Ed.

Agad namang nag-utos si Nana Sela sa dalawang kasambahay.

Pagpasok namin, ay bumungad sa akin ang malawak na bulwagan. Mayroong malaking hagdanan sa kaliwang bahagi. Pagtanaw ko sa taas ay kitang kita ko ang eleganteng chandelier. Everything in this mansion has a touch of greek style.

"Nasaan si Duke?" tanong ni Tito sa isang batang kasambahay.

Yumuko ito.

"Nasa kwarto niya po si Señorito, Mayor." magalang na sagot nito.

Napatingin ako sa Tito Ed ng bumuntong hininga ito

Nilingon ako ni mama kaya naman napalingon na rin ako rito.

"Nagugutom ka ba anak?" tanong ni mama sa'kin. Tumango lang ako.

Giniya ako ni mama sa isang pintuan na sa tingin koy patungo sa kitchen.

Pagdating namin doon ay napansin ko agad ang twelve seater na dining table. Sa gitna nito ay may nakalagay na 4 na basket na puno ng mga prutas. Mayroon ding 4 na flower vase sa gitna.

Sa kanang bahagi ng mesa nakadisplay ang maraming pagkain, chicken curry, chicken buffalo,  fish fillet at marami pang iba.

Napansin ko rin ang apat na pinggan. Isa sa kabisera, siguro kay Tito Ed,  sa kanan naman ay may dalawang pinggan. Sa tantiya ko para iyon sa aming dalawa ni mama. At ang isa ay sa kaliwa ni Tito,  siguro para doon sa Señorito.

Agad kaming na-upo ni mama sa upuan na para sa amin. Agad naman kaming isinisikaso ng mga katulong. Ilang sandali ay dumating si Tito na nakabusangot ang mukha.

Biglang tumayo si mama para asikasuhin si Tito. Napatanga ako habang nakatingin sa kanila.

'Ganito rin kaya mag-asikaso si mama kay papa?' may pait sa lalamunan ko kaya. Inalis ko nalang ang isipan ko 'dun.

"Bakit Honey? Si Duke nanaman ba?" malambing na tanong ni mama kay Tito.

Napabuntong nalang si Tito at humarap kay mama. Hinawakan ni tito ang pisngi ni mama at hinalikan ang labi.

Agad akong napa-iwas ng tingin.

Sa pag-iwas ko ng tingin ay nahagip ko ang lalaking papasok pa lamang sa kitchen na naka cargo short, gray T-shirt, magulo ang buhok at nakabusangot ang mukha.

Sa tingin ko siya si Duke.

'Duke' bagay sa kanya ang pangalan niya. It screams demand. Kahit ganun ang ayos niya ay nakaka intimidate pa rin.

"Tsk!" anito kaya napatigil sa ginagawa si mama at tito Ed. Agad na tumayo si mama para salubungin ng beso ang bagong dating pero iniwas lang ng huli ang pisngi.

Napataas ang kilay ko sa ginawa niya. Nabastusan sa ginawa niya sa aking ina.

Nagkatinginan kami. Agad akong umayos ng upo because I can feel his blazing gaze kaya napa-inom nalang ako ng tubig.

Bumalik sa pag-upo si mama sa tabi ko.

I can feel the tension between us. Buti nalang nagsalita si mama.

"Duke. I want you to meet my only daughter. Maria Leticia Moran." nakangiting saad ni mama. Pero ang Duke na ito ay tiningnan lang ako na para bang may pang-uuyam. Para bang ang baba kong tao at hindi kami nababagay ni mama dito sa mansiong ito.

"You can call her Sia." Tiningnan naman ako ni mama.

"Anak,  siya si Duke Javier  Hernandez or DJ for short. Siya ang only son ni Tito Ed mo. I do hope maging magkaibigan kayong dalawa." dagdag pa niya.

Nagkatinginan kami ni Duke. Tinanguan ko nalang siya. Alam kong hindi niya ako gusto. Well, I don't like him too either.

Stolen (La Fuego Series 1)Where stories live. Discover now