Chapter 14 - Wait, What?!

Start from the beginning
                                    

My brows furrowed after I placed the book on the shelves."Why? Just so you know, marami akong mga damit kaya bakit naman hindi ko ibalik sa'yo. Thanks but, I don't really accept things from anyone since I know that I could buy it on my own."

Tumawa lang siya at napailing na lang."Sabi ko na eh, ganyan ang magiging reaksyon mo. Well, it's up to you. But next time, don't drink too much if you can't handle it by yourself. Kahit naman sabihin mong wala akong pakialam, may mag-aalala rin naman sa'yo kaya sana isipin mo rin sila."

I was left dumbfounded with her words and blinked twice before I came back to reality. Napasandal lang ako sa bookshelves dahil inaalala ko ang mga sinabi niya. Mag-aalala? Meron ba? Did someone even think of me? Or even care for me? Dunno.

Buong buhay ko si Alina lang ang nagpaparamdam sa'kin na may halaga ako. Si mommy? Maybe she did, pero minsan lang. She's not always there whenever I need someone to comfort me...si Ali ang pumapalit sa pwesto niya sa tuwing wala siya. She just remember her daughter if she's free or what.

Dahil malapit na ang mga contest sa Saturday ay mas naging busy lang lalo ang mga teachers namin. As usual, we're vacant on the last subject so it's absolutely boring. If my classmates almost jump in happiness because they could rest and have time for some chikas, not me. I'm always alone by myself and I'm contented on it. Mabuti nga at nadala ko ang camera ko kaya titingin na lang siguro ako ng pictures. But first, I should go to a quiet place so that I could feel the mood.

"Anong tinitingnan mo? Patingin nga!"

Napaigtad ako nang may biglang tumabi sa'kin at nang makita ko ulit ang pagmumukha niya ay nainis lang ako."Could you please give signal to me whenever you're around?! Bukod kase sa napakapanget ng mukha mo, nakakarindi rin ang boses mo!"

"Nakita lang kita dito kaya lumapit ako. Curious kase ako sa tinitingnan mo eh pero tinataboy mo agad ako. You're always hurting me with your words." Ngumuso pa siya pero hindi naman bagay sa kanya.

"Babaero ka, 'di ba? Why don't you find girls to flirt with?! Sa'kin ka pa talaga nang-iistorbo!" inis kong sagot at binaba ang camera ko.

I can't concentrate looking on my pictures if he kept on watching my actions.

He stood up in front of me while crossing his arms."Tamad ako eh, hindi ko rin feel mambabae. Nakakasawa ang pagmumukha nilang lahat. Just let me be with you for a couple of minutes."

Napairap na lang ako at hindi siya sinagot. He really wants to disturb me whenever we see each other. Psh. May babaero bang tamad mambabae? Mukha niya!

"Can we go out for tonight? Don't be so KJ," biglang sambit niya na ikinalingon ko sa kanya.

My brows frowned, still processing what he'd said."For what?! Ang what's KJ?"

"Seriously?! Hindi mo alam 'yon? It means Killjoy, grabe ka." Nanlalaki pa ang mga mata niya at hindi makapaniwalang nakatingin sa'kin.

"Whatever. Why do you want to go out with me?! Busy ako, wala akong time d'yan," walang gana kong sagot.

Nilagay niya naman ang hintuturo niya sa labi niya na parang nag-iisip."Hindi sa may utang na loob ka sa'kin kagabi ah, pero pwedeng bigyan mo'kong favor? Just eat with me tonight and that's it."

I immediately stood up when uncle texted me again to go to the court."Why does it need to be me?! You can find girls everywhere that can accompany you. Pagod ako."

"Edi papaligayahin kita."

Agad akong napahinto sa paglalakad at galit na lumingon sa kanya."Ginagago mo ba ako, Mr. Cassanova?!"

Helveryst Series #2 : The Cassanova and The HaterWhere stories live. Discover now