"Auh, oo." Nakangiting sagot ko.

"Magkatabi lang pala kayo ni master," saad niya at tinuro ang bahay ni Dave.

"Di ba obvious?" Barumbadong sagot ni Dave.

Agad ko siyang tinitigan nang masama nang sabihin niya 'yon.

"Ang OA mo today," saad ko at tinitigan siya ulit nang masama.

Hindi niya ako sinagot at pumasok na sa loob nang bahay.

"Bakit ka pala nandito?" Tanong ko kay Chris.

"Auh wala, ate. Naglilibot lang ako, eh nakita ko kayo kaya ayun," saad niya.

"So, saan punta mo ngayon?" Tanong ko.

"Ewan ko po, maglilibot lang po ako," sagot niya.

"Tara, samahan kita," pag-aaya ko sa kaniya.

"Sige, ate!" Masyang sagot niya.

Pumasok ako nang bahay para magpaalam kay kuya kasi baka ibang kwento ang dumating kay mama.

"Kuya, alis muna ako, maglilibot lang kami ni Chris," paalam ko, nakita kong tumaas ang kilay ni Dave at ganoon din si kuya nang marinig ang sinabi ko.

"Oh sige, basta mamaya punta ka sa court," paalala ni kuya sa'kin.

Tumango lang ako at lumabas na nan bahay para masamahan na si Chris.

"Ate, kilala mo ba si Divine?" Tanong ni Chris habang naglalakad kami.

"Hindi." Umiling ako.

"Hindi pinakilala sa'yo ni master?" Tanong niya at umiling ulit ako.

"Pero parang hindi naman type ni master ate, hindi naman na sila nag-uusap," saad ni Chris.

Tumango tango lang ako habang nagkukwento siya.

"Ate, nililigawan ka ba ni master?" Napataas ang kilay ko sa biglaang tanong niya.

"Paano mo nasabi?" Nagtatakang tanong ko.

"Eh kasi ate, as a lalaki parang may something sa kaniya eh, parang may something sa inyo," saad niya.

"Something?" Tanong ko sa kaniya.

Pinagpatuloy na namin ang paglalakad habang nag-uusap.

"Kasi ate ako, personally hindi ako romantic na tao eh, pero si master naku, the way he surprised you during your birthday, iba yon ate, hindi gawain 'yon nang isang kaibigan," saad niya.

So anong ipinapahiwatig niya?

May gusto ba si David sa'kin, ganoon?

"So what are you implying here?" Tanong ko sa kaniya.

"Sa tingin ko ate, sa tingin ko lang ha. Parang ano, parang may gusto si master sa'yo."

"Huh?" Hindi makapaniwalang saad ko.

"Feel ko lang ate ha, di ako sure. Pero kasi the way he cared for you, iba eh. Special talaga. Oo alam ko ate romantic si master, pero a friend can't do an effort like the way he did," dugtong niya with hand gestures.

"Marami namang ganoon siguro. Maybe he treats me like a sister, kasi only child siya, you know, hindi niya ako gusto Chris" pagtanggi ko para mawala sa isip ko ang mga pinagsasasabi ni Chris.

"Okay ate, I'll not complain, kasi ayaw ko rin naman masira ang friendship niyo, pero I just want to say that maybe you see him as your brother but he sees you more than that. At tsaka ate, baka nasabi mo lang yan kasi you don't like him and you just take the fact na ginagawa niya 'yon as a friend."

My View Every NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon