#9: Ako'y isang Kabataan

10 0 0
                                    

Ako'y isang kabataang mulat sa katotohanan,

Sabay sa agos ng dagat ay ang paglisan ng aking kadiliman.

Liwanag ng kulay rosas sa kalangitan ang aking tanaw,

Pati na rin ang dagat ng kabataang buhay sa pag-asang naligaw.


Ako'y isang kabataang tumatayo sa katarungan,

Handang ibaba ang kalasag para sa katotohanan.

Hawak ang bandila ng aking bansang minamahal,

Pag-asa at pagmamahal ang aking magiging alay.


Ako'y isang kabataan na mahal ang bansang pilipinas.

Pilitin man nilang ipikit ang dilat kong mata,

Gibain man nila ang matayog kong pag-asa,

Ang matang nakasilip sa maganda't angat na buhay,

Ay hindi na muling lilingon sa apoy na dulot ng salot na lipunan.

Love Poem: [A collection of untold words]Where stories live. Discover now