"Waaaah!"sigaw ko saka ko pinaghampas hampas ng bag ko!

"A-ray!Arayaarayaray! Aray ko Mayumi!"

"Oh my! Tangina! Bat ka kasi nagtatago dyan! Bat ka ba nandito!"sigaw ko kay Thomas. Nakakainis! Muntik ko na syang mapatay sa katangahan nya!

"Di ka pa nasanay! Sinusundo kita diba?"pigil na inis na sabi nya. Tinaasan ko naman sya ng kilay. "Diba sabi ko, no need. See? I have a car right here. Di ko na kailangan ng sundo."

Umalis ako sa harap nya at bubuksan ko na sana ang pinto ng car ng pigilan nya ako. Lagi syang ganito. Lagi syang narito.

"Diba sinabi ko nang! Ayoko nang makita ka pa! Tapos na tayo! Matagal na! Makita lang kita, bumabalik yung.." napailing nalang ako ng makita kong parang nagulat sya. Sumakay na ako ng kotse at pinaharurot ito. Napatingin pa ako sa side mirror, nakatayo parin sya doon. Im so pissed. Kaya ko nasabi yun. Nagi-guilty ako sa pinagsasabi ko.

Simula noon hindi ko na sya nakita pa. Hindi na sya nagpakita sa bahay, pati sa parking lot. Nasaktan ko ba talaga sya sa sinabi ko? Sya ang nakipag-break sakin. Sinaktan nya ako.

I don't know. Bakit hinahanap ko parin sya? For some reason,I want to apologize to him.

"Hoy, ang sabi ko pumunta ka raw. Inuman yun,"

"Ahh oo sige," nasabi ko nalang. Papunta na kaming parking lot ngayon.

"Sasama kami ni Amanda, wala kaming pasok sa araw na yun,"ngiting sabi ni Kin. Nagpaalam na sya kaya nagpaalam narin si Gelo. Nag-aya ng inuman si Gelo. Sya na raw bahala sa lahat. Sino bang ayaw ng libre?

Next thing I knew, Saturday night at nagsimula na akong mag-drive papunta sa club ng Bob and Mil. Shataff suggested us to be in that club not just because it's so famous but also she knows the owner, which is her cousin, Milliana.


Fitted ang suot kong dress na red to emphasize my body shape and  sandals and some accesories. I also put makeup and ponytail  my hair. Sobrang simple lang naman.

When I arrive I saw a lot of people there. Sobrang popular nga. Pumunta ako sa second floor which is reserved na para samin. There, I saw my friends drinking. I'm late.


"Ano? Lasing na ba kayo?" napalingon sila sakin kaya ko sila nginitian.

"Hello Yumi! Let's have fun tonight"ngiting bati ni Shataff at bumeso pa sakin.

"Good mood?"

"Oh!" inabot sakin ni Amanda ang isang glass ng alcohol.

"Can you help me for my wedding? Kahit sa wedding gown lang," ngiting sabi ni Shataff. Napangiti naman ako ng malawak.

"Oo naman! Just call me! Omg! I'm so excited! Congratulations!" uminom ako sa baso at nakipag-hi sa ibang babaeng kasama nila. Sabi nila bukod daw ang boys sa kanila kaya pala pansin ko wala sila Kin.Umupo ako sa tabi ni Amanda.

"Kailan nga yung kasal nyo, Shataff?" tanong ni Amanda. Uminom ulit ako. "I'll just send you the invitation,"


"Sana all, kasal"natatawang sabi ko. Muntik na akong mabulunan ng sikuhin ako ni Amanda.


"Sana all daw oh! Pakasalan mo na kaya si Bansot!"

"Lasing ka na!"sinagi ko sya.

"Andon lang sila oh," turo ni Shataff sa kanang couch kung saan nakita ko si Gelo na tumatawa habang nagkukwento, si Kin naman ay naglalagay sa baso ng alak. Si Thomas naman ay tahimik na nakikinig. Napaiwas ako ng tingin, bumilis nanaman ang tibok ng puso ko. Napainom tuloy ako. Ilang araw ko na syang di nakikita. Did he really stop?


Ang Poste at Ang DuwendeWhere stories live. Discover now