CHAPTER IV: It's TIME

17 3 0
                                    



After Ian and I talked, umuwi naren ako.
Na pahinga ako ng malalim, nakaka pagod ang araw nato.

Pumarada na ko sa tabi ng bahay namin at nakaka pag taka ay bat ang daming tao?

Andito ang mga pinsan ko pati ang malalapit naming kapit bahay sa labas. At ng makita nila ako ay agad silang lumapit sakin.

"Kanina ka pa namin tinatawagan" salubong sakin ng isa kong pinsan.

"Low batt ako, sorry bakit kayo andito lahat? May ng yare ba?" Tanong ko.

"Pumasok kana si Lola" sabi lang nito na ka pag pakaba na sakin. Si lola anong ng yare kay lola?

Pag pasok ay andun na din sa loob ang mga tita at tito ko, habang asa tabi naman ni lola si papa at mama.

Napatingin sila lahat sa akin ng pumasok ako, mababakas ang lungkot at pati ang mga tita at mama ko ay umiiyak na mas naka pag pakaba sakin.

Pumalit ako sa pwesto ni papa at hinawak ang isang kamay ni lola na nakahiga at naka pikit halatang ng hihina na ito at mabilis na ang paghinga na parang hinahabol iyon.

"L-lola" tawag ko rito na hindi naren na pigilang mapa hikbi. Unti unti naman nitong minulat ang mga mata at pilit na ngumite sakin.

"Cla- - Clarity apo, pag pa- pasensyahan mona pagod k-ka galing trabaho pero... ito pa ang bumungad sayo" pinipilit pasiglahing sabi nito.

Napapa iling na na paluha na talaga ako. Ganito na nga ang kalagayan ni lola ay ako paren ang iniisip nito.

"Ayos lang po lola, wag nyo na po ako alalahanin at mag pahinga lang kayo at mag palakas. Bumili ako ng mga prutas para sa inyo bago umuwi kainin nyo po yun paborito nyo hindi ba?" Sabi ko naman dito at pilit din ngumite.

At tulad ng dati tinitigan lang ako nito. Pag karaay ngumite "K- kamukha mo talaga ang tita, ngunit mas kamukha mo ang mama, parati ko syang naaala kapag naka tingin ako sayo parang asa tabi ko lang sya" sabi nito at muling hinaplos ang aking muka.

Hindi ko man maintindihan ang kanyang sinasabi ay ngumite na lang ako.

"Lola, mag pahinga kayo at mag palakas, gusto ko pa pong marinig ang mga kwento nyo bago ako matulog" sabi ko at pilit pinipigilang humagulgol.

Ng hihinang ngite at bagyang iling lang sagot nito sakin. "Apo, hindi na kaya ng lola, tunay na kaylangan kona ngang mag pahinga" huling sabi nito at unti unti naring pumikit.

Napa pikit na lang ako at hindi na pigilan ang mga luhang kanina pa ng babadyang lumabas. Muling nag si lapitan sina papa at ang mga tito at tita ko.

Tumayo nako at pilit kinayang mag lakad palayo sa kwarto. Maririnig na ang malalakas na hagulgol na ng gagaling dito.

Gusto kong magising sa bangungot na ito ngunit ang mga naririnig kong iyak ay ang pilit na nag papatunay na hindi panaginip ang lahat.

Ang lola ko ay wala na, na itikom ko ang aking mga kamay at hindi na pigilan ang muling pag sibol ng galit sa aking puso.

Dahil sa kahirapan at kawalan ng tamang pagamutan sa aming syudad hindi namin ito ma ipagamot. Wala kaming ospital para sa mga may sakit si Ian lang ang nag mamagandang loob na mag bigay dito ng pang maintenance na gamot, ngunit hindi paren iyon sapat at pang matagalan.

Kabaligtaran na kabaligtaran sa kabilang syudad na kumpleto sa lahat ng bagay.

Ilan paba ang kagaya ng lola ang pag kakaitan ng gamot at lunas sa kanilang sakit. Ilan paba ang mamatay at mag hihirap?

Natagpuan kona lang ang aking sariling nag mamaneho papunta sa bahay nina Ashanti.

Pag karating koroon ay agad akong pumasok muli na daanan ko sa sala ang tita na namamalansya pilit akong ngumite dito at tumango na lamang upang bumati at nag tuloy tuloy pababa.

"Clarie! Hija! Ayos ka lang ba?" Habol na tanong nito marahil ay na pansin ang pamumula ng aking mata.

Sakto namang walang ibang tao sa basement nila, tamang tama walang pwedeng pumigil sakin.

Agad kong sinet- up ang lahat ng kaylangan bago lumapit dito at pumasok sa loob.

This is it! Kahit hindi pa sigurado kaylangan mag work. You have to work!

Sinet- up ko naren ang lahat sa loob at sinet ang day at year para sa araw at taon ng aking babalikan.

"Sixty second before departure"
- program voice

59, 58, 56, 55,.....

Kinabit ko naren ang mga sit belt na nanduon. At pumikit at umusal ng konting panalangin. Natigilan lang ako ng nakarinig ng kalampag sa pinto ng machine at doon ay nakita ko si Ian.

Kinakalampag nito ang pinto at pilit binubuksan pero hindi nito magawa.

Nakita koren ang dalwa kong kaibigan na nasa mga computer at may kong anong pinipindot ngunit bigong na pailing na lang.

There nothing they can do. Lahat ay naka set-up na.

20,19,18...

Tuloy na bilang ng machine.

Malungkot na ngumite ako at umiling kay Ian, ngunit sumisigaw paren ito sa labas gulo gulo na ang buhok nitong laging maayos na naka pusod at ng mapagod ay tinitigan ako nakita kong may isang luhang umalpas sa mata nito.

"I'm sorry" bulong ko kahit di ko alam kong maririnig nya ba o hindi.

At bago matapos ang count down ay nakita kong tinulak na ito palayo ni Ash.

At isang naka kasilaw na liwanag ang bumungad sakin. Kasabay Ng malakas na payayanig.





This is it! Pancit! See guys! In the past.
Mali pala 😅 See you guys in next chapt!!

muah!💋

>>>>>>>>>>> HEHEHE >>>>>>>>>

Siren City: Turn Back TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon