Pang-apat: Bahala na

11 2 0
                                    

"Tangina, 'te!" Bulong ni Kat sa akin, "Anong drama 'yon?! Hindi naman ako gano'n ka-tanga, Kassandra Montemayor! Kitang kita ko naman na gusto mo si Paulo. Ano bang iniisip mo?! Bakit iniwan natin sila? Bakit may paghila sa akin? Ano 'to, ganda-gandahan moment? 'Di bagay sa atin 'yong gano'n. Lalo na sa'yo."

"Hindi ko alam. 'Wag mo muna akong kulitin. Hindi ko naman hinihingi opinyon mo. Sumabay ka sa kanila kung 'yon ang gusto mo." Singhal ko. Inabot ko ang bayad saka pumikit. 

"Sa bagay. Okay na rin na hindi natin kasabay 'yong dalawa, sa Cavite ang uwi no'n. Pilit ka lang sinasabayan sa Cubao. Sumasakay lang naman 'yon pabalik o di kaya nag-MRT pa-Ayala or what. Okay rin naman na iniwan mo, at least hindi na mapapalayo. Ang arte mo kasi.  Sana hindi ka na nagpahintay sa tao kung ganiyan din naman. O kaya sana kinausap mo nang maayos hindi 'yong iniwan mo basta roon. Tama ba 'yong gano'n?! Nakakainis ka. Arte arte mo." Inis na sinabi ni Kat. Inabot niya ang bayad saka lumipat sa kabilang hanay. Ayaw yatang madikit sa balat ko.

Technically, hindi ko pa iniiwan si Paulo. Traffic dito kaya hindi talaga effective ang mga ganitong scene. Mula nang sumakay kami ay hindi pa umuusad ang jeep.

"Bababa ako."

Hindi ko na hinintay ang sagot ni Katrina. Sa pagbaba ko ay rinig ko ang sigaw ng barker na kukunin na sana ang barya mula sa driver. Hindi ko siya pinansin. Tumawid ako.

Wala na sina Paulo at Stell sa kinatatayuan nila kanina. Kung sa Cavite ang uwi nila, ano bang biyahe ng jeep ang sasakyan nila? Saan ko ba siya hahanapin?

Ni hindi ko nga alam na sa Cavite pala siya umuuwi.

Nasa tapat ako ng simbahan, kung saan sinabi ni Paulo ang mga salitang hindi ko alam kung gusto ko ring sabihin sa kaniya. Pero saan ko susunod na ihahakbang ang mga paa ko?

Tinahak ko ang daan pabalik sa eskinitang nilikuan namin kanina. Hindi ko alam kung tama bang dito ko siya hanapin. Hindi ko alam kung tama bang hanapin ko siya.



"Uy, Kass!" Sigaw sa akin ni Stell.

"Si Paulo?" Tanong ko habang tumatakbo palapit sa kaniya.

"Naiwan daw pala niya sa printing shop 'yong research paper namin eh. Binalikan niya. Ikaw ah. Ayieee. Bakit mo hinahanap? Bakit mo binalikan?" Asar ni Stell, "Hintayin mo na lang dito. Baka magkasalisi pa kayo kung pupuntahan mo eh."

"Sa Cavite pala kayo umuuwi?! Bakit sabi mo sa akin kaunting kembot lang galing Farmer's?!" Tanong ko kay Stell.

"Kaunting kembot tapos mga tatlong daang tumbling." Natatawa niyang sinabi.

"Stell naman eh." Puno ng frustration ang boses ko, "Sayang oras niya sa traffic. Na-le-late siya ng uwi kapag gano'n."

"Hindi naman sayang kasi masaya naman siya. Sayang ba 'yon kung gusto niya 'yong ginagawa niya? Saka 'wag ka sa akin mag-drama. Save mo 'yang speech mo kay Paulo."



Ilang beses kong sinilip ang daan na pagmumulan ni Paulo. Rinig kong natatawa si Stell sa tabi ko. Ramdam niya kung anong dahilan ng pagbalik ko. Alam niya kung ano ang gusto kong sabihin sa kaibigan niya.

"Kalmahan mo lang. Si Paulo lang 'yon." Sabi niya.

"Bakit kasi ang tagal niya? Sigurado ka bang babalik siya?" Tanong ko kay Stell. Tiningnan ko ang relo ko. Wala pa pala akong limang minutong naghihintay.

"Dapat lang, aba. May sukli pa ako sa kaniya! Paano ako aabot sa amin kung hindi niya 'yon ibabalik? Lalo na ang dami ko nang biniling pagkain."

Sinilip ko ulit ang daan. Tumingkayad ako nang kaunti para matanaw ang dulo ng kalye. Baka sakaling parating na, baka sakaling malapit na. 

Pero ano bang sasabihin ko sa kaniya? Bahala na. 





"Stell, gago ang mahal pala do'n. Muntik na magkulang pera ko. Bibili sana ako ng shake kaso 'di yata aabot. 'Wag na tayo roon magpa-print next time ah. Napakamahal." Narinig kong sinabi ni Paulo.

Ngayong nandito na siya sa likod ko, ano nga bang dahilan ng pagbalik ko? Bakit nga ba ako nandito?



"Uy, nandito na si Paulo oh. Yiee." Asar ni Stell habang kinakalabit ang balikat ko.

Humarap ako. Nakatingin sa akin si Paulo, hawak sa kanang kamay ang research paper niya. Tumaas ng bahagya ang kilay niya, hinihintay ang susunod kong sasabihin.

"Bili lang akong palamig." Bago tuluyang umalis ay marahan akong tinulak ni Stell palapit sa kaibigan niya, "When kaya ako?"



"Hi." Bati ko kay Paulo.

Nakatingin ako sa mga mata niya. Hindi ko alam kung kailan ako unang nalunod sa lalim ng mga titig niya.

"Bakit diyan ka dumaan? Akala ko kasi dito manggagaling kaya dito ako nag-abang. Saka muntik mo na pala maiwan 'yang paper mo. Pasahan na ba ni—" 

"Kass." He smiled, "Baka ma-late ka sa pag-uwi. Bakit bumalik ka? Nakasakay ka na kanina ah? Iniwan ka na tuloy ni Kat." 

"Ewan ko.  Basta. Hindi ko alam, Pau."

"Tara na nga. Puntahan na natin si Stell para maka-uwi na tayo." Hinawakan niya ang kamay ko at sinimulang maglakad palayo. 

Hindi ako umalis sa kintatayuan ko. Tumingin sa akin si Paulo. 

"Wait lang. Makinig ka muna. Hindi ko alam kung bakit ako nandito sa harap mo. Hindi ko alam kung  bakit ako bumalik o kung may sense ba 'tong sasabihin ko pero sana makinig ka lang muna." Ngumiti siya sa akin saka tumango, "Paulo, ang totoo niyan, hindi ko alam kung gusto kita. Alam ko lang gusto kitang kasama, gusto kitang kausap, gusto kong hawakan ang kamay mo, gusto kong makita ka. Pero hindi ko alam kung ibig sabihin ba no'n, gusto na kita. Hindi ako sigurado kung ito bang nararamdaman ko ay para sa'yo o para lang sa atensiyon na binibigay mo. Pero itong mga moment na kasama, ito ang nagiging highlight ng araw ko. Gabi-gabi kong hinihiling na sana hindi matapos. Sana bukas kasama ulit kita. Sana makita kita. Sana tawagan mo ko. Sana maramdaman mo lahat ng hindi ko naiintindihan sa sarili ko. Sana naiintindihan mo lahat ng hindi ko kayang sabihin. Ayon. 'Yon lang naman. Sige, magsalita ka na. Please, magsalita ka."

Tumawa siya bago ako hinila palapit sa kaniya. Hawak niya ulit ang kamay ko.  This is the closest I've been to Paulo. With his body so close to mine, I hope he can hear my thoughts. I hope he can hear the things I couldn't form in to words.

Hindi gaya ng pangarap ko no'ng bata ako, hindi gaya nang mga nakikita ko sa pelikula, wala kami ni Paulo sa isang tahimik at pribadong lugar. Hindi ko inamin ang lahat ng 'yon sa isang magarbong restaurant kung saan may tumutugtog ng musika. 

Walang bituin sa langit no'ng gabing 'yon. Nasa kalye kami.  Kung saan rinig namin ang sigaw ng mga barker, ang busina ng mga sasakyan, ang tawanan ng mga estudyante, ang nagbebenta ng mani, ang tindero ng kwek-kwek, ang nagsisimulang misa sa simbahan.

But I liked every bit of it. I liked every single second of that moment.

"Sapat na sa akin na gusto mo akong makita. Sapat na sa akin na gusto mong tawagan kita." He laughed a little, "Sinabi ko sa'yong gusto kita kasi gusto kita. Hindi para marinig na gusto mo rin ako. Kassandra, parehas tayo ng hiling, sana hindi matapos. Sana hindi mawala."

Hindi gaya ng mga napapanood ko, hindi kami sigurado. Hindi nag-slowmo ang paligid, hindi pinasilip sa mga mata namin ang hinaharap. Walang skip chapters sa kwento namin.

Pero paulit-ulit ko 'tong pipiliin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 08 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Masyado Pang Maaga [sb19 pablo]Where stories live. Discover now