Pangatlo: Sta. Mesa

8 2 0
                                    

Marso, 2013.

Halos tatlong na buwan na mula no'ng iwan kami nina Kat at Stell para kumuha ng libreng kopiko sa entrance ng PUP. Naka-anim na kopiko sila no'ng araw na 'yon. Hindi ko alam kung paano nila nagawa 'yon at kung anong pumasok sa isip nila para kumuha ng anim.

Basta anim ang kinuha nila. Gising na gising kami ni Kat sa lahat ng subject no'ng araw na 'yon.

At basta mula noon, hindi na nawala sa isip ko si Paulo.

Madalas ko siyang makasabay umuwi, makasabay kumain at makasama sa mga vacant hours. At kung akala ko noon ay tahimik at mahiyain siya, maling-mali ako. Kapag naging komportable siya sa isang tao ay lumalabas ang pagka-maligalig at ang kakulitan niya.

At kung magiging totoo ako, sige, crush ko na siya. Medyo.



"Tangina talaga kung 'di ka pinanganak na malas, pinanganak kang bobo. Pero ako, surpise bitch, pinanganak kang both. One of these days, hahanapin ko talaga 'yang birth chart ko para intindihin kung anong mali sa pagkatao ko." Biglang sinabi ni Kat. Ibinaba niya ang plastic na basong naglalaman ng sampung pisong fishball.

"Ano na naman? Para kang tanga, bigla kang nag-ga-ganiyan. Ang ayos-ayos ng kwentuhan natin tapos bigla kang magagalit. Sana ayos ka pa." Inis kong sinabi. Alas-sais na ng hapon at naghihintay na lang kami para sa huling klase ngayong araw.

"Nakalimutan ko magbasa sa World Literature! Bwiset talaga! 'Yon pala 'yong pilit kong inaalala kagabi bago matulog. Sabi ko na nga ba, may nakakalimutan ako. Sana inisip kong mabuti. Ano, Kass? Tara. Uwi na tayo." Aya niya sa akin. Diretso siyang tumayo saka isinukbit ang bag, "Dali. Baka maagang pumasok si Ma'am. Pwede ka rin naman mag-stay dito kasi alam ko namang aral na aral ka eh."

"Bakit ka na naman a-absent? Eh kung hindi ka naman matawag para sa recitation? Sayang araw mo. Last week, maaga ka rin umuwi, wala namang recitation. Nauubos grades mo sa katamaran mo."

"Eh kung matawag ako?"

"Hindi 'yan!" Hinila ko siya paupo, "Ang sabihin mo may gusto ka lang kitain. 'Wag mo nang i-deny. Kinuwento na sa akin ni Paulo. Siraulo ka. Kaklase pa nila ni Stell. Mayroon talagang pinanganak na bobo at malas pero mayroon ding pinanganak na maharot. Ikaw lahat 'yon. Congratulations to you." Gusto ko rin sana siyang i-congratulate dahil ang galing ng acting niya. Napaniwala niya akong takot siyang matawag sa recitation. At kung hindi sinabi sa akin ni Paulo ang totoo ay sumama na sa ako sa kaniya palabas.

"Bakit hindi na lang bumalik sa pagiging mahiyain 'yang jowa mo?" Tanong sa akin ni Kat, "Ang daldal eh. Kaklase lang naman niya. Hindi naman niya ka-dugo."



Kahit ilang beses kong itanggi kay Katrina, hindi naman siya naniniwala. Dahil ang totoo, kahit gaano pa kami kadalas magkita't magsama ni Paulo, mag-kaibigan lang kami. Kahit halos araw-araw niya akong kausap, kaibigan ko lang siya. Gano'n naman ang magkaibigan di'ba? Nagkikita saka nag-uusap.

Saka hindi naman big deal sa akin. Crush lang naman eh.





"Uy." Kalabit ko kay Paulo nang makababa kami. As usual, nasa upuan sila sa tapat ng bahay ni Mabini, nakayuko habang nakatingin sa phone at nakapatong sa binti ang bag. Kasama niya si Stell.

Mula sa paglalaro sa phone ay tumingala siya sa akin. Ngumiti siya, "Uy. Tara na?"

"Tara. Kanina ka pa naghihintay? Sabi ko naman sa'yo kung masyado pang maaga 'yong uwi mo, mauna ka na eh. Para hindi ka na maghintay nang matagal." Saad ko habang naglalakad kami palabas ng campus.



Mayroong maliit na pagitan sa amin ni Paulo. Nakahawak siya sa strap ng bag niya habang nakalaylay lang sa gilid ang braso ko. At parang sirang plaka, hindi ulit namin alam kung paano sisimulan ang usapan.

Masyado Pang Maaga [sb19 pablo]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon