Una: Left Wing

25 3 0
                                    

//

Huminga ako nang malalim. Pamilyar sa akin ang pakiramdam sa bawat sulok ng bahay na ito. Takpan man ng mga puting tela ang lahat ng kagamitan dito, mawala man ang mga litratong nakapaligid at malanta ang mga halamang buong ingat ko noong inalagaan - kabisado ko 'to. Dahil sa pagitan ng mga dingding na ito nabuo at natapos ang mga bagay na akala ko noon ay panghabang buhay.

Dito kami unang nangarap at naniwalang kaya naming lagpasan ang kahit na anong bagay. Dito rin namin napagtantong hindi gano'n kadali ang lahat.

Kaya siguro ang tagal bago ako naging handang pakawalan 'to. Dahil laman nito ang malaking bahagi ng buhay ko. Laman nito ang mga pangarap na sinimulan namin, ang mga halik at tawanan, ang mga luha at ang storyang ang tagal kong iningatan. 


For a long time, this tiny space felt like home. I treasured this place and kept it close to my heart. And it was during the hardest point in my life did I realize, this is far from a treasure. This is a curse disguised as a blessing.  The chain that ties me to my pain.

Now, I finally made peace with the fact that this isn't my home. Never had been.

Because to be completely honest, he was.

This is nothing but a plain space. The warmth, the safety, the love – it was all him. He was my home.


"Kassandra, gusto namin 'tong place! Sigurado na kami. 'Wag mo na i-offer sa iba." Nakangiting sinabi sa akin ni Kat, "Kasama lahat ng gamit di'ba?"

Tumango ako, "Next time i-record ko na lang kaya sarili ko? Kanina mo pa tinatanong eh. Kasama nga lahat ng gamit. Lahat ng nakikita mo."

"Ang sungit ah. Pasalamat ka maganda 'tong unit mo. Saka ang ganda ng kama niyo. Sure ka bang ayaw mong kunin 'yon? Sayang 'yon eh. Nevermind. Sure ka na. Gusto ko 'yon. Wala nang bawian. Kailan ba kami puwedeng lumipat? Na-e-excite na ko."

Hindi halata.

"Hindi lang basta gano'n 'to, gaga ka. Bayaran mo muna ako. Tapos 'yong kalahati kay Pau mo ibigay. Diretso mo na sa kaniya, gano'n din naman 'yon." Sabi ko sa kaniya.

"Eh bakit hindi ko na lang ibigay sa'yo lahat tapos ikaw ang magbigay sa kaniya? Ako pa pinahirapan mo. Sa inyo naman 'to noon. 'Wag mo ko ilagay sa pagitan ng drama niyo. Buo na nga 'yong pambayad ko, gusto mo pa hatiin ko. Mukha ba akong magaling mag-math? Saka akala ko ba naka-move on ka ng shuta ka? Anong ka-dramahan na naman 'yang inaano mo riyan?" Mataray niyang sinabi.

"Alam mo minsan, try mo bawasan pagiging madaldal mo. Kasi kaunti ka na lang sa'kin, kahapon ka pa nakakairita." Huminto ako para irapan siya, "Saka ano ba naman mahirap sa paghahati sa dalawang bayad? Nakikisuyo lang ako sa'yo. Parang hindi ka pinsan ah. Ikaw na. Chat mo na lang siya. Ikaw na kumausap do'n."

"Fine. Ano nga pangalan niya sa messenger?"

"John Paulo Nase."

"John Paulo...Nase..." Bulong ni Kat habang hinahanap ang account ni Paulo, "Ay gago. Sad boy din pala 'tong isang 'to. In-unfriend ako. Ako ba nakipag-break sa'yong kupal ka?"

Paulo Nase.

Napangiti ako nang banggitin ko ang pangalan niya. Hindi dahil masaya ako o dahil hindi na ako nasasaktan sa tuwing naalala ko siya. Napangiti ako dahil halos pitong taon na ang nakalipas, pilit niyang pinaparinig sa akin ang pangalang 'yan.






"Paulo Nase, paki-abot nga ng ballpen ko." Sabi ng lalaki sa tapat ko.

"Ito ba?" Malakas ding sagot ng kasama niya.

Masyado Pang Maaga [sb19 pablo]Where stories live. Discover now