Chap 0 7 1

5.7K 180 2
                                    

THIRD PERSON's POV

Bumaba sa itim na sasakyan ang isang babae.

Gamit ang kanang kamay na hindi nakasalampak sa bulsa ng jacket nya ay kinuha nya ang telepono at tumawag ng numero.

Pero hindi nya ito natuloy ng biglang hindi na nya ma-kontak ang numero.

Napangisi sya. Alam na nya nung una pa lang na pinadala nya ang mensahe sa kanya na iba-block sya nito kaya naman naghanda sya ng ibang plano.

Binuksan nyang ulit ang kotse at sa compartment ay kinuha nya ang isang sim tsaka ito sinaksak sa telepono nya.

Tinawagan nyang muli ang numero. Pagkaraan ng ilang minuto, walang sumagot.

Tumawag syang muli ng ilang beses at pagkatapos ng halos limang minutong pagtawag ay may sumagot na isang babaeng halata sa boses ang pagka-irita.

"Why do you keep on calling me?? Who the hell are you. . .!?"

Napasandal sa pintuan ng driver's seat ang babae. "Britanny. . ."

Sa parehong oras naman, sa kusina ng pamilya Lexington, muntik ng mabitawan ni Britanny ang hawak nyang baso ng marinig ang pang-babaeng boses na 'yun. Kahit hindi man sila masyadong malapit sa isa't-isa, malapit naman sya sa mga kaibigan nya.

"Hyacinth. . ." Nilagay nya ang baso sa lababo at huminga ng malalim bago nagsalita muli. "What? What business do I have with you? Sabihin mo na dahil kailangan ko pang umalis."

Nag-panlabi si Hyacinth. "Don't rush. Mamaya pa magsisimula ang event. We still have time to talk."

Gustong guluhin ni Britanny ang buhok nya dahil sa stress na nararamdaman. Alam nya lang na hindi maganda ang rason ng pagtawag sa kanya ni Hyacinth ngayon.

"I'm gonna hung-up now."

"Wait!"

Natigil si Britanny. Huminga sya ng malalim at tiningnan ang paligid bago marahas na nagsalita sa kabilang linya.

"Hyacinth you bitch. August told me everything. Sinabi nya na may masamang balak kayo sa kanya at sa pamilya nya. You all are horrible! So why would you expect me to meet up with you? So I would die immediately? Huh, jokes on you, I am a bitch sometimes but I'm not stupid so scram!"

Mahinang bumuntong hininga si Hyacinth. "Brynn. . . you certainly don't know everything. You are right, but not entirely."

"Just. . . Just get straight to the point, will you?!" Sinulyapan nya ang bukana ng kusina nila.

"Ngayon isasagawa ni uncle Ledger ang plano nya para kay August. Sa araw mismo ng AMA. Hindi ako nagbibiro. If you want to know more about this, go to the address I sent you. I'll not do anything to you. Pwera nalang kung magdadala ka ng kasama mo."

*toot!*

Pagkapatay ng tawag ay mabilis na nilagay ni Britanny ang phone nya sa countertop. Gusto nyang guluhin ang buhok nya dahil sa biglaang stress pero hindi pwede dahil kaka-ayos lang nito ng nanay nya.

'Bwesit talaga ang babaeng 'yun!'

Ganunpaman, napag-isip-isip nya ang sinabi ni Hyacinth. Wala naman talaga syang balak pumunta una palang nung may nag-text sa kanya na may gustong makipagkita sa kanyang kung sino sa isang lugar. Nung malaman nyang si Hyacinth pala ito ay mas lalong ayaw nya, pero, nang dahil sa mga salitang binitawan nya kanina na parang bomba para sa kanya ay nagsimulang tumagilid ang rasyonalidad nya kung pupunta ba sya o hindi.

Anong gagawin nya?

Sinindihan ni Hyacinth ang sigarilyo at nilagay ito sa gitna ng mga labi nya. Pumikit sya. Pagkaraan ng ilang segundo ay kinuha nya ang sigarilyo sa labi at nilagay sa mga daliri bago pinakawalan sa bibig at ilong ang usok.

Loving A Her (Intersex) CompletedWhere stories live. Discover now