Chap 0 2 7

5.4K 238 61
                                    

BRITANNY

“Spill Devy, ano bang iniisip mo kanina at parang lumilipad yata isip mo? May problema ka ba?”
Tanong ko ng makalabas kaming apat ng locker room.

Kakatapos lang namin mag-practice kaya nag-shower agad kami pagkatapos magpahinga saglit. Napatuyo na namin mga katawan at buhok namin at kami nalang din ang natitira sa mga athletes dahil ang iba ay umuwi na. Kaya feel free kaming magtagal kahit gaano namin kagusto.

“Oo nga. Kung hindi si Marie eh ano?”

“O sino.”
Pagtatama ni Pat habang sabay kaming naglalakad patungong parking lot.

Napatigil naman ito sa paglalakad saglit at tumingin na naman sa'kin.

'Bakit na naman ba sya sa'kin nakatingin??'

“Before I answer that, asan nga pala si August?”
Sa halip na tanong nya at nagpalinga-linga sa paligid.

Nasa labas na kami ng gym at wala narin kaming masyadong estudyante na nakikita dahil nga malapit na mag 6. 8 ang start ng klase ng mga cram students kaya medyo maaga padin ito para sa kanila.

“Oo nga naman. Diba block mates kayo sa lahat ng subject Brynn?”
Tanong ni Dazz.

“Yeah. But Prof. Magallanes called out for her kaya hindi ko sya kasama.”
I nonchalantly answered while walking slowly.

“Pinatawag sya ni Prof. Magallanes, or pinatawag 'kayo' ni Prof. Magallanes?”
Devy asked emphasizing the word 'kayo.'

'Tss.'

“I don't know okay?? And I don't effin care. Malaki na sya at kaya na nya ang sarili nya. Ba't pa ba kayo nag-aalala dun?”
Kunot-noo kong ani habang nakahalukipkip at naglalakad ng marahan na sinasabayan naman nila.

“Eh Brynn, diba dapat kasama mo sya ngayon?”
Si Pat.

'Oo nga. Dapat kasama ko sya. Asan naman kaya nagsu-suot yun?'

“Tss. Ewan ko dun. Bahala sya sa buhay nya.”
Palatak ko.
“Teka nga, ba't ba sa freak na yun napunta ang storya natin? Diba dapat kay Devy?”
Asik ko ng nakatingin sa kanya.

“Ay oo nga! Magaling ka ding mang-segway ng topic Devs ah...”
Ani ni Dazz.

“Spill it na nga Devy, kita mong nagdidilim na o.”
Si Pat.

We heard her sigh and averted her eyes ahead. Hindi naman kami umimik at hinintay lang syang magsalita.

“It's just about what happened this noon.”
Sabi nya na may nanghihinayang na boses.

“What about that??”
Tanong ko.

“Ang raming nangyari kaninang tanghali. Alin naman dun ang tinutukoy mo?”
Tanong ni Pat.

She's right. Marami ang nangyari this afternoon. Ayoko mang alalahanin pero kabilang dun ang naging pagsasagutan namin ni Heart. I don't want to talk about it. Sinabi ko ng ayaw ko ng alalahanin diba?

“Tungkol kay August. Sa pagkakaroon ng malaking galit sa kanya ni Hyacinth. Meron na ngang Brooke dinagdagan pa nya. Nag-aalala lang ako.”
Pag-aamin nya.

“Oo nga eh. Iniisip ko rin na ang daming galit at may ayaw sa kanya. Oo nga't suplado sya pero di naman sya masamang tao diba? Mas nakaka-attract nga yun sa kanya eh...”
Si Dazz na nakatungo pa ang ulo.

'Eff? Is she for real?'

“Huy Dazziel. May crush ka ba dun sa freak na yun?”
Kunot-noo kong tanong.

“Uy ano! Uhm ano....”

“Ano??”

“Medyo... Hihihi. Ang cute nya kasi.”

Loving A Her (Intersex) CompletedWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu