IV. The God of Light

21 2 0
                                    


"Hoy tumigil ka magnanakaw! Hulihin niyo siya, hulihin niyoooo! "

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Hoy tumigil ka magnanakaw! Hulihin niyo siya, hulihin niyoooo! "

I'm running for my life right now. LITERALLY.

I knew this would happen, alam kong pagsisihan ko ang ginawa. Pero pinagpatuloy ko pa rin. Kasi kung hindi, aba mamamatay ako sa gutom.

Yakap-yakap ng mahigpit ang dalawang plastic na ang laman ay mga mansanas, tumakbo ako sa abot ng makakaya. 

"Huwag kayong paharang-harang sa daan mga hampas lupa! " inis kong bulyaw sa mga bubwit na batang naglalaro ng chinese garter. Kahit anong sigaw ko, hindi sila nakinig. Kaya ang ginawa ko, pinagtutulak sila. Nahulog pa sa mababaw na kanal yung isa. But I don't care, problema na niya 'yan.

Umalingawngaw sa buong merkado ang tunog ng pito galing sa dalawang barangay tanod na humahabol sakin. Kasama niya ang isang middle-aged man na syang ninakawan ko ng apples.

Yes, I just snatched apples from a vendor. 

Don't get me wrong. Kung meron lang sana akong pera, never in a million years ko gagawin ito. Like hello? Baka nga pati buhay ng tinderong 'yun, bibilhin ko. Unfortunately, this is the only way I can think of in order to feed my starving stomach. 

I have to stay alive and find kuyang kulto as fast as possible. 

May nakita akong mga nagkukumpulang tao, I took a quick glimpse at the three men chasing me. They're still a few feet away from me. Without thinking too much, nakihalo ako sa agos ng mga taong nag-uunahan makabili ng pagkain. Unti-unti kong binagalan ang pagtakbo so that I could blend in.

Pagtingin ko sa humahabol sakin, they're stuck in between dozens of people. Nakatutok pa rin sakin ang mga mata nila kaya maingat akong lumayo sa kanila. 

"Ang baho. " reklamo ko, couldn't help but covered up my nose because the amoy is so malansa at maasim!

The people in here are sweating too much, ang babaho pa ng bibig. Ugh, naliligo ba ang mga 'to? 

Wala ba sa vocabulary nila ang salitang deodorant?

Ngayon ko lang na-realize andito pala ako sa fish and meat area. That explains why ang baho ng paligid. But it won't hide the fact that maasim naman talaga ang mga tao rito.

"Padaanin niyo kami, mawalang galang na ho! " rinig kong sigaw nung dalawang barangay tanod.

Buti nalang matigas ang ulo ng mga pinoy at hindi pinakinggan ang dalawa. Patuloy lang sa kanya-kanyang ginagawa.

Tanaw ko na ang 'exit' area, walang nakalagay na exit pero alam kong iyon ang labasan. Kumaripas ako ng takbo papunta doon habang mahigpit na niyayakap ang ninakaw kong mansanas.

Nasa labas na ako. Sumalubong sakin ang sikat ng araw at polluted na hangin.

"Hayun siya! " nagsimula rin silang tumakbo.

In the Arms of ApolloWhere stories live. Discover now