" Rara , dalhin mo dun si yuki sa kwarto .. matulog muna kayo dun . Gigisingin nalang kita kapag nandyan na sina mama mo " utos ni Ni-ki sa kanya at sumunod naman agad ito .

Ilang minuto ay dumating nadin si Heeseung kasama si Jake , Sunoo at Sunghoon na may mga dalang laruan . Napabuntong hininga nalang si Ni-ki kasi puro nalang ditong laruan tas yung mga bata ay hindi naman mahilig maglaro

" Ni-ki asan si Yuki ? Balita ko nandito din si Rara ?" Tanong ni Sunghoon na malapad ang ngiti . Gustong gusto niya talaga ang dalawang bata

" Nandun sa loob , inutusan kong matulog . Huwag niyo nalang munang guluhin "

" Eh si Yumi , nasaan ?" Tanong naman ni Sunoo , bff sila ni Yumi eh

" Nasa kusina naglu-" di pa siya nakatapos magsalita ay tumakbo na agad si Sunoo sa kusina .. di na niya mahintay na matapos si Ni-ki sa sinasabi niya

Tumawa naman ang iba dahil sa ginawa ni Sunoo ..

" Oh Jake , kamusta ka naman ? Balita ko ,may bago kang girlfriend .. pang ilan mo naba yan ?" Sabi ni Ni-ki at ngumiti naman si Jake .. kilalang kilala talaga siya nito

" Huwag kang maingay .  Pero maliban sa kanya eh may kinikita pa akong isa " pag amin nito kaya binatukan siya ni Heeseung

" Hindi ka talaga nadadala Jake .. sana ay makahanap ka ng katapat mo para matuto ka " sabi nito sa kanya matapos syang batukan

" Rara , anak ! .. ay , oh nandito pala kayo ?" Sabi ni Jungwon na kakarating lang galing sa date nilang dalawa ni Celine .

Nakasunod naman sa kanya si Celine na halatang pagod .

" Oh , anyare sayo Celine ?" Tanong naman ni Ni-ki dahil nakita niyang pagod na pagod ito .

" Sisihin mo yang kaibigan mo .. " sagot lang nito bago sila iwan at dumeretso sa kwarto kung saan naroon ang mga bata .

" Anong ginawa mo ?" Tanong ni Ni-ki kay Jungwon

" Ah wala .. alam mo namang gusto ko nang masundan si Rara .. " sagot niya kaya binatukan siya ni Ni-ki

" Tirik na tirik yung araw tas naisipan ninyong gawin yon ? Madaming time sa gabi Jungwon ! Isabay nyo sa pagtulog "

" Eh , palagi siyang nakatabi kay Rara kaya hindi pwede " pagdadahilan nito kaya tumawa naman ang iba

" Ewan ko sayo Jungwon .. sa akin nyo na naman yan papaalagaan pag nanganak na naman siya . Pagod na ako , huwag niyo nang dagdagan " pagrereklamo ni Ni-ki

" Ay yun nga pala Ni-ki , iiwan muna namin si Rara dito mga dalawang araw . Balikan nalang namin pagkatapos hehe "

" Bakit ? Para marami kayong time gumawa ? Jusko Jungwon yung ulo dapat sa taas yung pinapairal mo palagi "

" Hindi , may business appointments kami sa ibang lugar dito sa Japan kaya mawawala kami ng 2 days at saka ganun nadin para maisingit ko na din hehehe "

Alam naman niyang nagbibiro lang ang kaibiga  pero di lang niya mapigilang mainis dito kasi naman kapag nadagdagan sila , dito parin babagsak yung magiging anak nila .

" Ewan ko sayo Jungwon . Bigay mo kina kuya Jay . Sila pag bantayin mo nyang magiging anak ninyo "

" Aba , oo nga Jungwon .. samin nalang hehe " suhestyon naman ni Heeseung

" Ano kayo , sinuswerte ? Gawa kayo ng inyo "

" Pano nga ? Eh pareho kame " sagot ni Jay .. kanina pa sila nag uutos eh .

" I google niyo kung paano " naiiritang sagot ni Sunghoon na ngayon ay out of place na sa pinag uusapan nila . Umalis naman siya agad at hinanahap sina Sunoo at Yumi .

Pinagtatawanan naman siya ng mga kasama niya . May mga bagay talaga na hindi nagbago kahit na lumipas na ang panahon . Kasi hanggang ngayon ay matatag parin ang pagkakaibigan nila kahit ilang taon na ang nagdaan at maraming pagsubok ang pinagdaanan .

Kung si Ni-ki ay ipinilit ang kanyang nararamdaman noon kay Celine , siguro ay hindi na din ganito ang pagkakaibigan nila . Siguro ay nagkawatak watak na sila . Mabuti nalang at hinayaan niya nalang ang dalawa dahil may inilaan naman pala para sa kanya . At masaya na siya ngayon . Kahit na ni minsan , ay hindi nalaman ng dalawang best friend niya kanyang nararamdaman at mas mabuti narin yon .. mas madali siyang naka move on at hindi na din naging komplikado ang lahat  .

Ngayon mas kontento na siya sa buhay niya . May maganda siyang asawa na mahal na mahal niya ang may isa pa siyang anak na ubod ng cute .. wala na siyang hihilingin pa . Maganda din ang takbo ng business nila kaya masasabi mong tama ang mga naging desisyon niya sa buhay .

Samantala sina Jungwon naman at Celine ay ganun din .. sobrang blessed lalo na simula nung ikinasal sila . Binigyan sila agad ng matalino at magandang anak .. at kahit na namatay nag papa ni Jungwon ay  naipagpatuloy naman niya ang legacy nito sa pagppatakbo ng kompanya . Kaya ngayon ay matatag parin ito at isa sa mga nangunguna sa kanyang hanay .

Celine's mom still followed her heart .. doon parin siya sa pangalawa niyang asawa . Okay naman doon si Celine at tanggap na niya ito ngayon . Sa loob ng ilang taong nagkimkim siya ng galit dito ay napatawad narin niya ang mom niya . Mas mabuti na ngayon ang relasyon nilang dalawa .

Si Zia naman ay nakakulong parin dahil sa pangingidnap , pananakit kina Ni-ki at Jungwon at trespassing . Akalain nyo yun , nakasuhan siya ng trespassing dahil ginamit niya yung old building na more than 20 years nang inabandona . Pero aside from that , nagsisi naman na sa sa mga ginawa niya kina Celine . Lalong lalo na noong ma realize niyang hindi niya talaga ganoong kamahal si Jungwon . Nasilaw lang talaga siya sa inggit niya kay Celine .

Ngayon , masasabing masaya silang lahat .. nandiyan parin ang pagkakaibigang binuo nila noon at kahit na kailan ay hinding hindi ito mabubuwag .

---

It's you from the start || y.jungwon ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon