45

228 10 8
                                    

" Aba, wonie ~ pala ha .. " nagtatampong sambit ni Celine  nang makalayo na si Zia sa kanila

" Eyy, are you jealous babe ? " Pang iinis pa nito sa girlfriend niya

Nakita naman niyang nag pout si Celine kaya pinisil niya ito sa pisngi .. ang cute talaga

" Gusto ko ako lang tatawag sayo nun .. " she says , whining at the process " eh yan din tawag ni Ni-ki sakin eh .. "

" Okay .. kami lang dapat ni Ni-ki tatawag sayo nun!"  Di naman mapigilan na tumawa ni Jungwon

" Ang cute mo talaga babe! Wag kang mag alala , kahit na ano pang tawag ng iba sakin .. ikaw parin ang nag iisang baby ko ~ " sabi lang ni Jungwon para mapanatag na ang loob ni Celine

He then hugged her tightly then placed a chaste kiss on her lips . They just both giggled after .

" Okay , so saan tayo ngayon pupunta ? " Tanong ni Celine dahil parang maraming oras na ang nasayang niya ngayong araw

" Kung sabihin kong bang sa langit , sasama ka ? " He teased pero binatukan lang siya nito

" Ayan kana naman..  Kumain nalang kaya  tayo .. mga kung ano-ano yang iniisip mo "

" Grabe naman , parang kanina lang eh ang sweet mo sakin tas ngayon sinasaktan mo na ako .. di mo na ba ako love ?" He pouted then crossed his arms by his chest

" Luh , arte arte naman ng baby ko~ lika nga dito " ani ni Celine at hinintay si Jungwon para lumapit ulit sa kanya

Lumapit naman si Jungwon sa kanya kaya niyakap niya ulit ito at pinaulanan ng mga halik sa pisngi niya . Namumula naman si Jungwon habang ginagawa ito ni Celine .

" Let's go babe ? Dun nalang tayo tumambay sa ice cream parlor malapit sa univ " sabi naman ni Celine habang hawak ang kamay ni Jungwon .

Di naman nila alam na may nakatingin pala sa kanila sa di kalayuan .

Aksidenteng napadaan si Ni-ki sa kinatatayuan ng dalawa at nakita niya kung gaano ka sweet sina Celine at Jungwon . Para namang may humihiwa sa puso niya habang nakatingin siya sa dalawa .

" Bakit ba kasi tinitingnan mo pa ?? Alam mo namang masasaktan ka .. " sabi ni Heeseung kay Ni-ki  . Gagala sila dapat nina Jay eh kaso eto nga , nag iba na ang mood ni Ni-ki dahil sa dalawa

" Oo nga , pati ako nasasaktan para sayo " dagdag naman ni Jay sa komento ni Heeseung

Nagkibit-balikat lang si Ni-ki , " siguro nga ay sinasadya ng universe na makita ko yun para ipaalala sa akin na dapat ay mag move on na ako kasi wala naman talagang pag asa "

" Ay hala siya .. buti naman alam mo . Kung ako sayo Ni-ki , umiwas ka nalang muna sa kanila . Di naman na todong iwas . Be their bestfriend padin pero iwas hang out nalang na magkasama kayong tatlo . Kasi maliban sa nasasaktan ka eh magiging third wheel kapa . Nakakaumay yon " suhestyon ni Heeseung

" Kaso pag natapos yung kasal nila ay aalis na ako kuya . At wala ng time para makapag bonding kaming tatlo . Alam niyo namang hindi na ako makakabalik dito , diba ?" Sagot naman ni Ni-ki sa kanya

" So you're saying na willing kang masaktan ? " Singit naman ni Jay

Napatingin lang si Jay sa kanya , ganun din si Heeseung . Parehong nag aabang ng sagot galing sa kanya .

" Oo naman . Matagal ko na ngang iniinda ang sakit . Ngayon paba ako hihinto kung kelan malapit na akong umalis ? Dapat nga I'll spend more time with them kaso busy sila sa preparations for their wedding kay rarely nalang kami mag hang out "

May point naman siya pero hindi naman mapigilan ng dalawang nakakatanda na maawa sa kalagayan niya . Pero wala naman silang magagawa kung ito talaga ang gusto ni Ni-ki . Ang maitutulong nalang nila ay suportahan siya sa kung ano man ang desisyon niya .

" Ang martir mo naman Ni-ki .. pero okay lang yan , makakahanap ka din nag para talaga sayo balang araw " si Heeseung habang inaakbayan si Ni-ki

" Oo nga , malay mo mas maganda pa kay Celine yung para sayo at Japanese na katulad mo edi wala ka nang problema pagdating ng araw .. hayaan mo nalang kay Jungwon si Celine . Alam naman nating hindi niya sasaktan si Celine " ginulo naman ni Jay yung buhok ni Ni-ki

" Aww , thanks mga kuya .. minsan pala may sense din kayong kausap . Akala ko kasi puro kalokohan laman ng utak niyo eh " biro ni Ni-ki bago tumakbo papalayo sa kanilang dalawa kaya hinabol siya ng mga ito

---

" Oh anak , kamusta yung paghahanap mo kay Jungwon ?" Tanong ng mom niya ,

Napabuntong hininga lang si Zia habang nag so-scroll sa social media . Balak niyang mag send ng message kay Jungwon para planuhin yung sunod na pagkikita nila.

" I finally met him earlier mom .. " sagot lang nito pero nahalata naman ng mom niya na parang di siya masaya

" Oh bakit ka nakabusangot diyan ? Akala ko ba ay miss mo na siya at gusto mo siyang makita edi dapat masaya ka ngayon na nagkita n kayo ??"

" Masaya naman ako kaso ikakasal na siya "

Pagkasabi naman niya nun ay bigla naman siyang tinabihan ng mom niya at hinimas ang balikat niya

" Okay lang yan nak .. sa iba mo nalang ituon ang pansin mo . Doon ka nalang maghanap sa LA ." Suhestyon ng mom niya pero di niya ito nagustuhan

" I don't want anyone else aside from Jungwon mom , he's the only one for me . And I'll do anything just to rob her from his fiancé "


-- what if I tell you that it's almost ending ??

It's you from the start || y.jungwon ✓Where stories live. Discover now