" Zia , nandito na sila pero binaril sila nitong tanga na to " sumbong ng lalaki kay Zia .. wait ..

" Zia ?" Tanong ko at nakita ko naman siyang lumingon sa amin . Nagulat siya nang makitang may tama ako sa binti

" Anong ginawa niyo ? Sabi ko ay takutin niyo , hindi barilin ! "

" Eto kasi , bida bida kaya ayan .. duguan yung dalawa " sabi nito kay Zia .. " nangyari na yan .. wala na tayong magagawa " sabi lang ng isa

Ako naman ngayon ay galit na galit dahil siya pala ang nagpadukot kay Celine .. pero bakit ?

" Sino siya ? " Bulong ni Ni-ki

" Isang baliw na babae " sagot ko lang sa kaniya bago ko kagatin ang ibabang labi ko dahil sa pagkirot ng sugat ko .

" Mga wala kayong kwenta !" Sigaw ni Zia bago niya ako puntahan . May halong pag aalala ako nakita sa mga mata niya pero wala akong pakealam .. kahit manlang dito ay malaganti ako sa kaniya , kay sinampal ko siya

Napahawak naman siya sa pisngi niya . Malakas kasi ang pagkakasampal ko , siguro ay naipon ang lahat ng galit ko . Tumingin naman siya sakin na parang naiiyak .

" W-wonie .. " sabi lang niya .. " ano tong ginagawa mo Zia ? Bakit mo to ginagawa ?"

" Ginawa ko to dahil mahal kita Jungwon ! Buong buhay ko parati nalang si Celine ang panalo .. siya nalang lagi . Tapos ngayon , sa kaniya kapa ikakasal ? Siya na naman !"

Nagtaka naman ako sa sinabi niya .. magkakilala ba sila ?

" Oo , magkakilala kami .. kilalang kilala namin ang isa't isa . Kasi magkapatid kami !" Sigaw niya ulit . Kailangan bang sumigaw ? Ang lapit na nga niya , sisigaw pa .

Nagulat naman ako . Nagulat ako dahil hindi ko inaakalang magkakaroon ng kapatid na ganito ka siraulo si Celine . Kabaliktaran talaga siya ni Celine .

" Wala akong pake sa nakaraan mo .Hindi kita mahal kaya pakawalan mo kame para matapos na ang lahat ng ito !"

Sinenyasan naman niya ang mga kasama niyang lalaki . Taray , may pa goons .

" Igapos niyo silang dalawa !" Sigaw niya sa mga ito kaya dali dali namang sumunod ang mga lalaki  .

Kaming dalawa ni Ni-ki ay iginapos sa isang maliit na haligi .. nakaupo kaming dalawa na magkatabi . Kanina pa si Ni-ki tahimik . Siguro ay nanghihina na dahil sa nawalang dugo sa kaniya .

Si Celine ay malapit lang din sa amin kaya makakausap namin siya .

" Babe , kamusta yung sugat mo ? Si Ni-ki pakitingnan .. kanina pa yan hindi kumikibo " sabi niya sakin kaya siniko ko si Ni-ki  pero nakapikit lang ito

" Ni-ki ?" Tanong ko pero hindi sumasagot . Baka hinimatay na siya . Kaya kinabahan ako .

" Ni-ki , huy .. wag ka namang magbiro ng ganiyan .. hindi nakakatuwa "

" Bakit anong nangyari sa kaniya ?" Tanong ni Celine na ngayon ay kinakabahan na din para kay Ni-ki

Bigla namang napa angat ng ulo si Ni-ki . Kaya medyo nakahinga kami ng maluwag ..

" Wag kayong mag alala , kaya ko pa naman . Sobrang sakit lang talaga ng braso ko kaya nanghihina ako " mahinang sagot ni Ni-ki .. " mahal na mahal ko kayong dalawa " dagdag pa niya .. parang naluluha na ako dahil sa sinabi niya . Out of nowhere kase eh .. parang namamaalam na siya . Ayokong mangyari yon sa kaniya .

Naiiyak naman si Celine . Pareho kami ng nararamdaman sa ngayon .. nag aalala kami at natatakot sa kung anong pwedeng mangyari kay Ni-ki . Kahit na nga yung sarili ko ay hindi kona iniisip .

It's you from the start || y.jungwon ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon