CHAPTER 36: MOTHER'S DAY

Start from the beginning
                                    

"Oh may lakad kayo?" Si mommy ang nagtanong.

"Ngayon lang sinabi sa akin ni Xenon. Pinagpapalit ako ng damit." Sagot ko.

"They're going on a date." Lanaia said while munching caramelized popcorn.

Natawa si mommy sa sinagot ni Lanaia. "Mukha nga Lanaia. Nakakondisyon na kayo eh. Mukhang nasabihan na kayo ng ama niyo na may date sila ng mommy niyo para hindi na kayo sumama." Sabi ni mommy.

Nagmamadali ako sa paglalagay ng makeup saka 2 inches na heels. Hindi ganon kakapal at hindi ganon kalight ang makeup ko kasi pagabi naman na. Ganon din ang heels ko, hindi kataasan at hindi naman sobrang baba. Hindi kasi sinabi sa akin ni Xenon kung saan kami eksaktong pupunta kaya medyo alangan ako. Sa sinabi niyang magsuot ako ng sexy na dress, sumunod ako. Umikot-ikot pa ako ng ilang beses sa salamin para siguraduhin na ayos lang ang suot ko.

Spaghetti strap at fit na fit na plain silver dress ang suot ko. Hindi lang 'yon. V-neck ang style nito kaya naman litaw na litaw ang malusog kong cleavage. Simula nung magdalang tao ako sa triplets, lumaki talaga ang hinaharap ko na bumagay naman sa akin hanggang ngayon.

"Wow! Sexy!" Panghaharot sa akin ni Lancelot na tinuruan ni mommy. Kaya si mommy naman ay aliw na aliw na naman sa mga bata.

"Mommy, ikaw muna bahala sa triplets." Bilin ko.

"Basic." Birong sagot niya na ikinatawa ko. Lagi niyang sagot sa akin 'yon kapag binibilin ko sa kanya ang mga bata. Sanay na raw kasi siya sa amin noon nila Qeena kaya basic na lang sa kanya ang mag-alaga ng pangalawang henerasyon ng triplets sa pamilya namin.

Lumabas na rin ako ng bahay dahil naghihintay na sa akin si Xenon. Bago pa ako maalalayan ni Xenon papasok ng sasakyan ay narinig ko pa ang habilin ni Lanaia na hindi niya nakakalimutan sa tuwing aalis kami ni Xenon nang kaming dalawa lang.

"Pasalubong!" Bilin niya.

"Tsk! Di pa nga tayo nakakaalis pasalubong agad." Bulong ni Xenon saka ako tuluyang inalalayan papasok sa loob ng sasakyan.

Natawa naman ako pero hindi na ako nagsalita pa. Buong byahe namin kinukulit ko siya kung saan kami pupunta pero puro iling lang lagi siya. Ang tatag niya talaga kahit anong pangungulit ko. Sabi pa niya na hindi tatalab ang kakulitan ko dahil sa triplets pa lang, immune na immune na siya sa kakulitan.

"Akala ko naman kung saan tayo pupunta." Sabi ko tuloy nang matanaw ko na papunta kami sa restaurant niya. Nginitian niya lang naman ako.

"Maaga ka yatang nagsara ng restaurant mo?" Usisa ko nang mapansin ko na sarado na at walang ilaw sa loob. Dapat kasi ay 10 pa ng gabi nagsasara ang restaurant pero 6 pa lang sarado na.

Sa halip na sagutin ako ay hinawakan lang niya ang isang kamay ko nang makalabas kami ng sasakyan. Pagpasok namin sa restaurant, tahimik pero may ilang tao pa sa loob. Siguro ay kasasara pa lang nito. Umakyat kami sa ikalawang palapag na kailan lang natapos gawin at pumasok kami sa isang parang maliit na kwarto.

Ang nangyari kasi rito sa second floor ng restaurant niya, kainan din naman pero bawat table ay may barrier na plywood na may design at may pinto pa nga. Mas may privacy ang mga kakain dito sa second floor dahil sa mga barrier at hindi rin maririnig ng katabing mesa niyo ang pinag-uusapan niyo dahil may harang nga. Walang kabutas-butas ang mga barrier kaya hindi mo mapapansin kung may kumakain ba sa mga katabi niyong table o wala.

"May mga kumakain pa ba rito?" Tanong ko sa kanya dahil nga sa may naabutan pa akong ilang staff sa baba.

Umiling siya saka ako inalalayang umupo. "Wala na. Talagang pinasara ko ng maaga 'tong restaurant para sa ating dalawa. Saka para na rin sa mga staff ko, para makapagpahinga sila ng maaga. May okasyon naman ngayong araw eh."

Napakunot nuo ako. Anong okasyon ang sinasabi niya. Isa pa bakit puno ng petals ng rosas ang sahig na tinatakpan namin at ang upuan. "Anong pakulo nitong restaurant mo at may petals ng rosas pa?" Intriga ko.

"Para sayo lang 'yang pakulo na 'yan." Sagot niya at may sasabihin pa sana ako pero hindi ko na natuloy dahil sa may dumating na dalawang waiter at may dala na agad na mga pagkain.

Hindi pa kami nakakaorder pero heto at may luto na agad. Saka lahat ng nakahain, madalas naming kainin ni Xenon dito sa sarili niyang restaurant. "You may now leave us. Thank you." Magalang na pagpapaalis ni Xenon sa mga waiter.

"Alam mo na talaga ang paborito ko." Nakangiti kong sabi habang hinihiwa ang pork steak na pinakagusto ko rito sa restaurant niya na pagkain.

"Syempre. Ako pa ba?" Nagmamalaki niyang sabi saka inagaw sa akin ang tinidor at kutsilyo ko at siya na ang naghiwa ng steak ko.

Pagkatapos niyang gawin 'yon ay sinubuan pa niya ako na hindi ko na lang tinanggihan para hindi siya mapahiya. "You're so beautiful tonight." He whispered before he put his attention to his meal.

"Thanks. Ikaw din, ang gwapo mo. Lalo mong naging kamukha si Landon at Lancelot."

Nagpasalamat din siya at nginitian ako. Hindi pa siya nakuntento at sinubuan pa ako ng hipon na pagkain niya. "Subuan mo rin ako nung sayo." Tignan mo 'tong lalaki na 'to. Gusto rin pala ng pagkain ko, iba pinaluto.

Sinubuan ko siya pabalik pero kumalat ang sauce sa paligid ng bibig niya. "Daig ka pa ng mga anak natin! You're a messy eater." Nakasimangot na sabi ko sa kanya saka ko pinunasan ng tissue ang bibig niya.

Pagkatapos naming kumain dinukot niya ang cellphone niya sa bulsa at nakita ko siyang nagtype. Siguro may tinext. Kulang isang oras na rin kami rito sa restaurant niya dahil sa nagtagal kaming kumain dahil sa dami ng topic namin.

"Oh wow!" Mangha kong sabi nang may dumating ulit na isang waiter at isang violinist.

May dala ang waiter na dalawang bote ng wine at dalawang baso. Sinalinan niya ang dalawang baso pagkatapos ay nagpaalam na roon lang siya sa labas nitong barrier habang ang violinist naman ay nagsimula ng tumugtog.

Kinuha ni Xenon ang isang wineglass kaya kinuha ko rin ang isa. "Cheers?" Patanong niyang sabi saka idinikit sa baso ko ang baso niya.

Pinagsaluhan namin ang wine at nang malapit ng maubos ang isang bote ay inaya niya akong sumayaw. Medyo tinamaan na ako ng alak kaya natatawa ako sa pagsasayaw namin. Si Xenon kasi kung anu-anong ginagawa para patawanin ako. Siguro tinamaan na rin ng alak, kumulit na kasi siya.

Nang mapagod kami sa slow dance namin ay bumalik kami sa pagkakaupo. Pinaalis na rin niya ang violinist at ang waiter na naghihintay sa labas.

"Let's go to my office." Aya niya sa akin ilang minuto matapos umalis ng dalawang kasama namin.

I'm Just A Babysitter (COMPLETED)Where stories live. Discover now