CHAPTER 36: MOTHER'S DAY

Start from the beginning
                                    

Saka bukod doon, ako lang daw ang makakapagbigay sa kanya ng mga apo dahil wala na nga si Qeena at Queenie. Kaya raw hayaan ko na siya na magpakalola ng todo sa mga anak ko. Kaya wala na akong nasasabi kapag ganon. Taob ako lagi sa mga paliwanag ni mommy.

Dito sa nakuha naming apartment, may dalawang kwarto. Sa isang kwarto si mommy at ang mga bata ang magkakatabi. Sa isang kwarto naman ay ako at si Xenon. Dapat kasi katabi ko talaga ay ang mga bata tapos si mommy, mag-isa sa isang kwarto. 'Yon ang setup namin sa unang linggo. Pero paglipas ng isang linggo, hindi na nakayanan ni Xenon na nasa puder ko ang mga bata. Pati siya rito na nakitira sa amin, na hinayaan ko na lang dahil hinahanap din ng mga bata ang presensya niya. Malaki naman 'tong apartment kaya hindi naman kami masisikipan na lima rito.

Ang nangyari, dapat si Xenon sa sala ang tulugan pero pinagalitan ako ni mommy. Bakit ko raw pahihigain si Xenon sa sofa na kay sikip kung may kama naman. Ano pa raw ba ang inaarte ko, nakabuo naman na raw kami ni Xenon. Wala na akong nagawa kung hindi ang patabihin sa akin si Xenon at ang mga bata sa tabi ni mommy. Pabor nga rin sa mga bata na sa kabilang kwarto natutulog dahil hinahayaan lang sila ni mommy kahit anong oras nilang gusto matulog.

Aaminin ko, sa dalawang buwan naming magkasalo ni Xenon sa iisang kama, ilang beses na rin may nangyari sa amin. Madalang naman. 'Yon yung mga pagkakataon na hindi ko na talaga mapigilan ang init ng katawan ko at ganon din si Xenon. Minsan na rin naming napag-usapan ni mommy ang bagay na 'yon at ang sabi niya sa akin, hindi raw malabo dahil babae at lalaki kami. Panatag naman daw siya na kung mabuntis daw ako ulit ni Xenon kung sakali ay hindi ako nito tatakbuhan dahil nakita niya kung ano ang ginawa nito sa mga bata noon. Pero huwag pa rin daw akong mapanatag. Kailangan daw magkaroon na kami ng label ni Xenon sa lalong madaling panahon dahil hindi raw magandang tignan na may nangyayari sa amin ng walang kami.

Hindi ako nakakibo non. Pinagpatuloy naman ni Xenon yung panliligaw niya sa akin pero hindi ko pa rin siya sinasagot. Hindi ko rin alam sa sarili ko pero parang may kulang. May hinahanap pa ako na hindi ko eksaktong alam kung ano. Pati nga si mommy nililigawan niya minsan. Nagpapalakas ganon. Kaya si mommy boto naman sa kanya at wala naman masabi.

Ako rin naman, wala naman akong masabi sa kanya. Lalo pagdating sa mga bata. Sabi nga ni mommy sa akin, baka raw 'tong nararamdaman ko kay Xenon, ay dahil lang sa mga bata. Na napilitan lang akong bigyan siya ng atensyon dahil siya ang ama ng mga anak ko. Pero tumanggi naman ako dahil hindi naman 'yon ang totoong nararamdaman ko.

"Si Xenon na ata 'yon." Sabi ni mommy na nanunuod ng tv.

Tumayo ako at lumabas ng apartment. Tanaw mula rito ang kulay ng kotse ni Xenon kaya alam kong siya 'yon. Pagbukas ko ng gate ay medyo nagulat pa ako nang naghihintay na ang triplets doon at nakangiti sa akin. "Aga niyo atang umuwi." Sabi ko saka ko sila hinalikan isa-isa sa pisngi bago pinapasok sa loob.

"Ikaw? Wala kang balak ipasok 'yang sasakyan mo?" Tanong ko kay Xenon na nakasandal sa pinto ng sasakyan niya, katapat ko.

Umiling siya saka lumapit sa akin. "Magbihis ka. May pupuntahan tayo."

"Saan?" Sabi ko naman agad.

"Basta." Tipid niyang sagot saka lalong lumapit sa akin. "Wala man lang ba akong kiss? Bakit yung mga bata may kiss pagdating?"

Inirapan ko siya. "Anong isusuot ko?"

"Dress is the best. Gusto ko yung litaw yung kasexyhan mo." Seryoso niyang sabi.

"Are we going to a party?" Tanong ko tuloy.

"Depends." Sabay kibit balikay niya. "Pumasok ka na at magbihis. Maghihintay ako rito."

"How about the kids? Hindi sila sasama?" Dagdag ko pa.

Umiling siya. "Just you and me."

Sumagot ako sa kanya ng okay at nagmamadali akong nagpalit ng damit. Mukhang alam na ng mga bata na aalis kami ni Xenon dahil hindi man lang nila ako tinanong kung saan kami pupunta, na madalas nilang gawin kapag pakiramdam nila ay aalis kami ni Xenon.

I'm Just A Babysitter (COMPLETED)Where stories live. Discover now