Seryosong tumingin sa kanya ang tatay nya. "Heartley, si Britanny ang pinag-uusapan na 'tin. Importante para sa kanya ang pagkanta, at, sigurado akong hindi nya palalagpasin ang araw na 'yun para ipakita kay August ang isa sa mga bagay na importante sa kanya." sabi nya. "And AMA is open for public so there'll be no problem with that."

Napahinga naman ng maluwag si Heartley. "Thank you so much dad! I believe in you! And I love you!"

Niyakap ni Heartley ang tatay nya na tinawanan lang ng isa habang tinapik-tapik ang braso nito.

Habang masayang nag-uusap ang mag-ama, may isa namang lukot ang mukha ang nakatitig sa interaksyon nila.

Napapitik sya ng labi dahil sa inis.

'Tsk! So ano lang pala ako dito? Diba sabi nya sa 'kin nya ipapaubaya si Heartley kapag tinulungan ko sya? Then what the fuck is he doing now!? Am I tricked!? Fuck this old man.'

Pagkatapos makalabas ni Heartley at dalawa sa mga lalaking naka-itim ay agad na umupo si Hyacinth sa tabi ng lalaki. Galit syang nagsalita dito.

"What was that uncle Ledger!? Diba sabi mo mapapasakin si Heartley kapag tinulungan kita? What was all of that sweet and reassuring words just now!?"

Malamig na tumingin sa kanya ang lalaki na nagpakaba kay Hyacinth. Agad naman syang umupo ng maayos habang pinipigilan ang sariling sumabog sa galit.

"Don't shout at me. Remember where you are and who are you talking to, Harisson." anito. Nagbuntong-hininga naman sya. "As for your concern, we'll see about that."

"What!?" Agad na napasigaw si Hyacinth. "Sinasabi mo bang hindi sigurado kung matutuloy ang pinag-usapan natin? No. Uncle Ledger, you promised it to me! You promised that I'll be with Hyacinth once I follow everything you say! What's happening now?!"

Tumingin sa kanya ang lalaki. "Nasa anak ko ang desisyon sa kung sino ang gusto nyang maging kasintahan, Hyacinth. Pinangako ko lang ay ipapalapit kita sa anak ko pero 'di ko kailanman sinabi na magiging kayo sa huli. Don't twist my words Harisson, it's just making you look like a fool."

"Fuck!"

"Did you just cussed me?" malamig na tanong ni Ledger.

"No. . . I'm sorry. I'm. . . I'm gonna head out first."

Tumango si Hyacinth dito at naglakad papuntang pintuan na nanginginig ang tuhod. Nang makalabas sya ng tuluyan sa kwarto ay agad nyang sinuntok ang pader sa gilid nang hindi nagbibigay ng pake kung masasaktan ba ang mga kamay nya.

'Fuck you so much Ledger!'

'Well, kung ganito lang din naman pala aabot ang lahat. Kung hanggang dito lang naman pala ang kaya mong ibigay, might as well just do my thing from now on. Tsk.'

Then she left.

     * * *

BRITANNY BLAIRE

Shopping. It's the best thing every woman like me could agree.

'Specially when there are new release from your favorite brands. It's heaven.

But it would be more enjoyable if you're with someone. Someone you liked the most to shop for new dresses, accessories and heels.

"Hindi pa ba sapat ang mga 'to para sa 'yo?"

Tumingin ako kay August at ngumiti. "It's enough already, actually."

Loving A Her (Intersex) CompletedWhere stories live. Discover now