OS- Kabanata 31

En başından başla
                                        

"Now blame me all you want but you can't deny the fact that were never a mother to me!" Sigaw ko. Isang malakas na sampal ang natanggap ko mula sa ina.

Galit ang nararamdaman ko lalo para sa kanya. Hinimas ko ang pisngi na halos mamanhid na sa lakas ng sampal.

"You have the audacity to hurt me? Bakit mom? Masakit ba mga sinasabi ko? I was just telling the truth!" Bulyaw ko. Umiling si mommy at tumulo ang luha. Doon ako nahimasmasan. Kahit gaano pa ako kagalit sa kanya. I can never deny the fact that somewhere in my heart, mayroon pa din siyang lugar. At naiinis ako sa sarili ko kase mahal ko pa di siya sa kabila ng lahat.

Patuloy na lumuha si mommy kaya natahimik ako. "I'm sorry for everything but you and Rajan is so wrong." Salita niya. Tumunganga ako sa kanya. Wala akong maintindihan kase naguguluhan ako. Bakit kami naging mali ni Raj?

"Alam ko ang pagkakamali ko at alam ko nang hindi ko na maibabalik ang panahon. I treated you bad at pinabayaan kita. Pero maniwala ka man sa akin o hindi. Mayroon mga araw na inaalala kita." She said. Still crying. Kumuyom ang kamao ko. Kung may mga araw na inaala niya ako bakit hindi niya ako hinanap o hindi siya gumawa ng paraan para makausap o kamustahin ako?

Anim na taon ang lumipas. She have the means to do that. Hindi ako naniniwala sa kanya.

"Here I am. Nahanap kita. Nahanap kita na nasa maling situation na naman." She said. She sobbed continously kaya hindi ko siya matanong ng maayos.

"Ano ba sinasabi mo?" Tanong ko sa kanya. Instead of having some mercy for her ay mas lalo lang ako naiirita sa kanya.

"Bakit mo sinasabi na hindi kami pwede ni Raj? What's wrong?" Tanong ko ulit.

Pinunasan niya ang luha at pinakalma ang sarili. She looked at me with pity.

"Incest." Sagot niya. Kumunot ang noo ko. Imbes na maintindihan ko siya ay lalo lang akong naguluhan sa kanya.

"Rajan's father was my first love." Salita niya. Nalaglag ang panga ko at nawalan ng salita. How could it be? At paano kami naging incest? Nevertheless, my mom still continued her story.

"Years before his father died ay nagkita ulit kami. Nagkaron kami ng sekretong relasyon Gotica." Paliwanag niya.

"So?" Tanong ko. Kase walang naitutulong sa aking ang kwento niya. "Senator Gatchalian was your father's closest friend. Nabuntis niya ako at pinalabas namin na anak namin ni senator Gatchalian ang bata. That's why senator Gatchalian was aloof and cold to you." Salita niya na titig na titig sa akin.

Para akong binuhan ng malamig na tubig. For a moment. Parang tumigil mag function ang utak ko at literal na gumuho ang mundo ko. So that.. means.. anak ako ng daddy ni Rajan? Ibig sabihin ay magkapatid kami ni Rajan?? Napatakip ako sa bibig ko. "What the hell?" Sagot ko kay mama.

She continued to cry and said sorry to me. "You were lying." Sigaw ko. Umiling ng umiling si mama sa akin.

"I wish I am Gotica. But that's the truth. You are a legit daughter of former King Raja Esquivel." Salita ni mommy. Paulit ulit akong umiling sa kanya. I even pinched my face na baka nanaginip lang ako.

"You two are incest. The worst part of it is nag ka-anak pa kayo ni Raj. Kapatid mo siya Gotica." Salita ulit ni mama. Paulit ulit akong umiling sa kanya. Ayokong maniwala. Ayoko siyang paniwalaan.

Mabilis akong tumakbo palabas ng hotel. I was crying the whole time at wala akong pakialam kung madaming tao ang nanonood sa akin.

Nanginginig akong napa-upo sa gutter ng hotel habang umiiyak. Bakit ganito maglaro ang tadhana? Bakit ito nangyayari sa akin?

Halos naubos ko ang luha ko kakaiyak at hinang hina ako. Sa oras na ito, literal na gumuho ang mundo ko.

"Gotica," napa-angat ako ng tingin. Nakita ko si Raj na nagulat ng makita ako. Worried is all over his face.

Walang sabi ay tumakbo ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. I cried again on his chest. Hindi siya nagsalita. Hinimas niya lang ang buhok ko at hinayaan akong umiyak sa dibdib niya.

Ilang minuto kami sa ganoon posisyon. Iyak lang ako ng iyak at siya naman ay tahimik lang. Hinayaan niya ako and comfort me by kissing my head and slowly brushing my hair through his fingers. Lalo lang ako naiyak sa ginawa niya.

Tumigil ako sa pag iyak ng napagod ako. Kinalma ko ang sarili at humiwalay sa kanya. Wala akong ibang ginawa kundi ang titigan siya.

Malalim na bunting hininga ang pinakawalan niya." Are you okay now?" Tanong niya. Wala naman masama sa tanong niya pero pakiramdam ko ay mas lalo lang ako nabasag ng magsalita siya. Nagulat si Raj sa sunod sunod na pag iling ko.

Hinawakan ko ang pisngi niya."Ano problema?" Tanong niya. Walang halong kahit ano. Seryoso at nag aalala.

"Hindi tayo pwede Raj." Salita ko. Salita ko na literal na bumasag sa akin ng paulit ulit. Nakita ko kung paano natigilan si Raj at nag iwas ng tingin.

"Did you know?" Tanong ko. Iba kase ang reaksyon na inaasahan ko sa kanya. I never expect his reaksyon now.

Hindi pa din siya makatingin sa akin. Umigting lang ang panga niya ng paulit ulit. Iba ang pakiramdam ko ngaun. At sa totoo lang mas mawawasak ako kapag alam niya.

"Did you know Raj?!" Tanong ko ulit. Ngaun, medyo tumaas ang tono ang boses ko dahil sa sakit, takot at galit.

"I don't understand you!" He shouted also. Ngumisi ako sa kanya at umiling habang umiiyak.

"Did you know that we are siblings? Na daddy ko ang daddy mo?" Sigaw ko.

Gulat na gulat ang mga mata niya. Hindi man siya sumagot ay alam ko na.

"You betrayed me! Niloko mo ako. Nandidiri ako sa atin. How could you stomach having sex with your sister?" Sigaw ko. Wala na akong pakialam kung may makarinig sa amin dalawa.

"Watch your word, Icai." His voice is authoritive. I'm sorry Raj. Hindi yan tatalab sa akin ngaun. I want you to tell the truth to me. Umiling ako sa kanya ng paulit ulit habang umiiyak. Hinampas ko pa ng paulit ulit ang dibdib niya pero hindi sia natinag.

"Alam mo?" Ulit kong tanong sa kanya. Pumikit ng mariin si Raj at nagpakawala ng mahinang mura.

"Yes.. but--" hindi ko na siya pinatapos ng sampalin ko siya ng malakas.

"You are disgusting! How could you this to me? Sana hindi mo nalang ulit pinasok ang buhay ko!" Sigaw ko.

"Gotica..." ramdam ko ang takot at pag disgusto niya sa sinasabi ko. "Please listen to me."

Umiling ako ng umiling. I don't want to hear anything from him or them! Nagkapatid kami and worst is he knows everything!

" Leave me alone. Get lost to our lives. Don't you ever go near my son, Raj! " sigaw ko sa kanya tsaka ako tumakbo palayo sa kanya.

Akala ko ayos na ang lahat. Bakit ganito?

Our Strings (Strings Series 3) Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin