Tumawa si mommy. Litong lito ako sa kanila. Even some people were all staring at them and watching them like we are in a television drama.

"You have the nerve to comeback? Really? After rejecting your own daughter eversince? Nalaman mo lang yung iniwan sa kanya, naging anak mo na? Iba talaga nagagawa ng pera." Sagot ng mama ni Raj. Lalo akong nagulo sa pinag uusapan nila.

"Shut up!" Pasigaw na salita ni mommy. Nagpakawala ng halakhak ang mama ni Raj.

"Did I hit a nerve? I know your status for the past years and I know it's not good. So wag ako." Salita niya.

"Does your daughter know the truth by the way?" Tumingin ito sa akin bago bumalik ang tingin sa mama ko.

" You know why I hate you? Bakit hindi kita matanggap para kay Raj?" Salita ng mama ni Raj sa akin. She even look at me with disgust and pity.

"You shut up! Wala kang karapatan makialam sa buhay namin!" Sigaw ni mommy. Nakitaan ko ng matinding galit ang mga mata ng mama ni Raj.

"At ikaw lang ang may karapatan makialam?You are slut! A social climber home wrecker bitch!" Sigaw ng mama ni Raj.

"Maam, tama na po. Pwede na po kayo muna lumabas to settle your fights. Nakakaistorbo napo kayo sa mga clients ng hotel." Biglang singit ng supervisor.

Natigilan ang mama ni Raj at tila ba natauhan ng makita na halos lahat ay sa amin na nakatingin.

"We are not done. Hindi mo makukuha ang habol mo. You don't deserve anything from my family." Sagot niya at tsaka tuluyan ng lumabas.

Naiwan kami ni mommy na nakatayo sa gitna. I don't know how to move. Hiyang hiya ako sa pangyayari at madami din ang nagvideo sa amin.

Tinignan ko si mama na nanatiling nakatayo. "Lets talk." Salita niya ng matauhan. Hindi na ako sumagot. Sumunod nalang ako sa kanya. Pumasok siya sa isang private room sa loob ng restaurant.

"Anak mo ba ang bata na iyon?" Tanong niya. Hindi pa man ako nakakaupo ay nagsasalita na siya na tila ba hindi makapaghintay.

"I told you yes. Why?" Tanong ko. I can't hide the coldness on my voice. At naiintriga ako sa nangyari. Hindi ko kase maintindihan ang pinanggalingan ng galit ng mama ni Raj sa amin at kay mommy.

"Si Raj ang ama?" Tanong niya ulit. Kumunot ang noo ko at tinitigan siya. Walang halong biro ang mga mata niya. She is so serious.

"Bakit ang dami mong tanong?" Hindi ko maiwasan ang iritasyon. Bahagyang napanganga si mommy dahil sa sinabi ko at natigilan. I know it's rude and wrong pero sinanay nila akong maging ganito

"Show some respect, I'm still your mother." Sagot niya. Halos matawa ako sa kanya. Yes, she is my biological mother but she was never a mother to me.

"Respect should be earn. Don't impose that to me." Sagot ko. Ngumisi si mommy at tumango sa akin.

"Si Raj ang tatay ng anak mo?" Tanong niya ulit.

Tumitig ako sa kanya. "Oo." Sagot ko.

Kahit alam kong alam niya na iyon ay nakita ko pa din ang gulat sa kanya. Mahina pa siyang nagmura at hinilot ang bridge ng ilong.

"How?" She asked. Tila ba maling mali sa kanya na si Raj ang tatay ng anak ko.

"What how? I love him, mom. He was there when no one is there for me! He was there when you are not there for me!" Sigaw ko sa kanya. Nakitaan ko ng lungkot at panghihinayang ang mga mata niya na mabilis lang din nawala.

"This can't be. Alam mo ba ang pinasok mo Gotica?"she asked. Ako naman ngaun ang nagulo sa kanya. What is she talking about.

"I am in this situation because you were never there for me! Hindi ka naging nanay o magulang sa akin. Kayo ni daddy! And now nagtataka ka kung paano ako napunta sa ganun situation? I was young back then. Iniwan niyo ako. Namatay na at lahat si tita Salve na kapatid mo pero wala akong narinig sa inyo!" Marahas kong pinunasan ang luha ko. Naalala na naman lahat ng paghihirap ko ng ako lang mag isa. And she has the audacity to confront me how this happened?

Our Strings (Strings Series 3) Where stories live. Discover now