Firefly 1 | Wishbone

Start from the beginning
                                    

Iyon 'yong oras na sumilay muli ang maliwanag na ngiti sa kanyang mga labi na ilang taon ko nang hindi nakikita sa kanya. "Tatanda lang ako at hindi mamamatay. Marami pa akong bagay na ituturo sa 'yo at mga dapat mong matutunan..." aniya, kasabay nang hirap niya sa paghinga. Pinaniwalaan at pinanghawakan ko ang sinabing iyon sa akin ni Emma. Nagkasakit lang siya at normal lang iyon kaya ay napalagay akong gagaling din siya.

Hanggang sa sumapit ang araw na hindi na siya nagising, nadurog ang puso kong makita siyang nakahiga sa kanyang kama na walang buhay. Mabigat ang damdamin ko. Natatakot. Nangangamba at nalulumbay. Halu-halong emosyon sa isip, lalo na sa aking puso. Malungkot na malungkot ako habang tumutulo ang maliligamgam na mga luha mula sa mga mata pabagsak sa aking tainga habang katabi siyang nakahiga na hindi na humihinga. Sobra akong nasasaktan, hindi lang siguro ako ganoon naging kahanda na maaari din palang dumating ang araw na iyon.

Lumabas ako ng cabin akay-akay ang bigat ni Emma, nakayapak at kapuwa kami nakasuot ng puting bestidang lumalaylay na sa sahig. Isinakay at ihiniga ko siya sa trolley na madalas naming gamitin sa tuwing mangongolekta kami ng mga tuyong kahoy sa gitna ng gubat. I loaded her body with various flowers that we had both grown. I just can't stare at her shuttered eyes, her gray and lifeless face, and her still heart—or even throw a glimpse. It's just tearing me apart, knowing I won't be able to see her anymore or hear her beautiful voice. It just saddened my heart.

Gaya nang sinabi niya sa akin noon matapos niya akong basahan ng bedtime story; na kapag nawala na siya, gusto niyang dalhin ko siya sa ilog at ipaanod sa banayad na agos ng tubig kasama ang lumulutang na water lilies. I wanted her to be buried deeply near our home, but that was her wish, and I swore to her that I would do it nonetheless. Labag man sa kalooban ko, pinagbigyan ko na lang ang huli niyang hiling sa akin.

Isang malaking pagbabago para sa akin ang pagkawala ni Emma. Nagpatuloy ako ng wala siya. Nilakasan ang aking loob sa mga posibilidad at hamon ng buhay. Lumisan ako nang may parehong bigat tulad ng aking mga yabag. Iniwan ko ang aming munting tirahan; kung saan ako lumaki, nagkaisip at bumuo ng mga alaala kasama siya. Sa syudad, sa sentro ng Fawnbrook, lumuwas ako upang makipagsapalaran. Pinagsikapan kong makapag-aral at makapasok sa isang nontraditional educational setting. Nagpursigi at pinagtiyagaan ang tatlong taon upang makapagtapos, tumigil ng sumunod na taon at mas kinahiligang magbasa nang magbasa saka ipinagpatuloy ang nais kong vocational course na housekeeping sa isang maliit na community college. Marami akong nakilala, natutunan kong makibagay at sa napakaraming pagkakataon, tama ang paalala sa akin ni Emma noon na hindi lahat ng tao ay may pare-parehong mabubuting intensyon, pinatutunayan at mas pinagtitibay lang ng mga karanasang ito ang loob at katatagan ko. At sa loob ng anim na taong iyon, namasukan ako bilang waitress sa gabi at cashier sa isang convenience store sa umaga. Limang oras na ang pinakamahaba kong tulog, na napakaimposible nang mangyari lalo pa't kailangan ko ring mag-aral pag-uwi galing sa trabaho.

I was twenty-one when I finished school and twenty-two when I chose to quit both jobs to work full-time as a housekeeping staff at a five-star hotel in Bellmoral. Doon kami ipinadala at kinagat ko ang malaking suweldo kahit na pagod ang kalaban sa hirap ng trabaho. I was assigned to upkeep the guest rooms and common areas—maintain the facility's general cleanliness, comfort, and atmosphere. Sinubukan ko ring mangamuhan noon at naging pareho lang ang kinahinatnan ko nang sa loob na ako ng isang hotel nagtratrabaho.

"Pasensya na ho talaga, Sir! Hindi ko ho sinasadyang makatulog sa oras ng trabaho at wala akong intensyong iwanan ang housekeeping cart sa hallway. Mas magiging maingat na ho ako sa susunod," nakayukod kong paulit-ulit na paghingi ng paumanhin sa aking department supervisor. Hindi ako makatingin sa galit niyang mga mata. "Sorry po... sorry po talaga," dagdag ko pa.

Pumalatak ito at iritableng umiling-iling. "Alam mo kung bakit ayaw ko sa 'yo? Dahil sa ugali mong 'yan. Tumigil ka na nga sa paghingi mo palagi ng pasensya!" bulyaw nito sa akin. "Hindi mo ba alam na nagmumukha kaming masama dahil sa lahat na lang ng pagkakataon, sa mali at palpak mong trabaho ay sorry na lang ang nasasabi mo? Ilang buwan ka nang naririto, hindi ka pa rin ba natututo? Palagi ka na lang bang pagpapasensyahan sa lahat ng mga kamalian mo? Kung hindi ka sanay sa ganitong klase ng trabaho, kung nahihirapan ka na, huwag mo nang ipilit ang sarili mo sa isang lugar tulad nito." Umiiyak akong nakakuyom ang mga kamao sa sobrang kahihiyan. "Gather your things. Ito na ang huling beses na makikita pa kita rito."

West to the Firefly LaneWhere stories live. Discover now