Firefly 2 | Guesthouse

49 4 11
                                    

T E R E N

Pili lang ang mga bulaklak na sandaling namumukadkad tuwing panahon ng taglagas. Ilang linggo na lang ang hihintayin bago sumapit ang walang nyebeng taglamig na masusundan ng tagsibol sa mga susunod na buwan, kaya hindi na maikakailang mas higit pang lalamig ang temperatura sa mga araw na dadating. Katulad noong mga nagdaang taon, kapansin-pansin ang manipis na usok sa bawat paghinga kapag nasa labas ka. Minsan apektado ang mga tao sa kani-kanilang mga trabaho dulot nito, subalit madalas masarap magkulong sa mainit na kuwarto, magkape o matulog.

I ran fingers up my hair and tugged the sleeves of my neutral-colored plaid shirt up till they reached the middle of my arm. Maaga akong nagising at inakyat ang paanan ng bundok. Abala na ang bayan ng Jericho 'pag sumikat na ang araw kahit minsa'y mahamog talaga ang umaga.

Panandalian akong natigil sa nakatumbang puno na madalas kong pinagpapahingahan tuwing tag-init upang sumilong sa lilim ng mga katabing puno. Ngayon, kahit bungi-bungi ang mga dahon sa mga sanga at masinagan ako ng araw, hindi ganoon kainitan ang panahon, lalo pa't pinaiigting ng pag-ulan kagabi ang lamig ng kapaligiran.

Humiga ako sa lapad ng nakatumbang trosong iyon saka ipinasok ang aking magkabilang kamay sa bulsa ng aking pantalon at pumikit. Natakam ako bigla sa cabbage porridge na madalas lutuin ni Martin noon, siguro uutusan ko na lang si Yosef mamaya upang i-request ang putaheng iyon pag-uwi ni Martin galing sa lumang rentahan ng mga damit. Paniguradong hindi makahihindi si Martin sa makulit na batang 'yon.

Sa mga sandali ring iyon, hindi ko namalayang nakaidlip na pala ako. Noong bumukas muli ang aking mga mata, tumambad sa akin ang mas maaliwalas na langit at nawala ang kaninang manipis na hamog. Ihinilig ko pakanan ang aking ulo saka ko nakita ang usang nakatigil at nakatingin ito sa direksyon kung saan ako nakahiga. Isang black fallow deer. Bihira lang magpakita ang mga usa sa bundok, lalo na ang uri no'n, kadalasan ay mga mountain goat ang umiikot sa kakahuyan na panakot ng mga matatandang taga-Jericho sa mga bata upang hindi na subukang umakyat ng bundok bukod sa panganib na baka maligaw ang mga ito o madisgrasya. Marahil kakaiba rin ang laki ng mga mountain goat at agresibo nitong katangian kumpara sa mga normal na kambing na madalas lang makita sa bakuran.

Mayamaya pa'y umalis ang usa nang marahan akong gumalaw at hilahin ang aking sarili sa pag-upo saka humikab.

"Pakinggan mo ang sasabihin ko sa 'yo, Teren, delikado ang pag-akyat sa bundok. Isa pa, hindi mo kabisado kung kailan malakas ang ragasa ng tubig sa ilog kapag tumatawid ka. Manatili ka na lang sa toolshed o kaya daanan mo ako sa shop kung wala kang ibang gagawin o mapuntahan."

Tumayo ako pagkatapos sumagi sa akin ang palaging paalala ni Martin. Tulad niya, kabisado ko rin ang gubat sa paanan ng bundok ilang kilometro ang layo sa guesthouse namin at kahit pa sinang-ayunan ko na ang sinabi niya, nagagawa ko pa rin iyong suwayin. Siguro nga tama siya noong pinagalitan niya ako noong nakaraan, pero isa akong magpapalayok, kung gaano siguro katigas ang mga palayok na hinuhulma ko ay ganoon rin katigas ang ulo kong sundin ang mga lagi niyang paalala.

Nang pumatak ang alas otso ng umaga sa relong gamit ko, agad akong bumalik sa bayan upang maghatid ng mga paso at tasang manu-mano kong hinulma noong nakaraang araw. Natigilan ako nang sandaling mapansing wala ang lumang pick-up truck na gagamitin ko sa garahe ng guesthouse. Kung nagpunta na si Martin sa shop, dapat ay nandito lang iyon dahil hindi naman iyon gumagamit ng sasakyan kapag umaalis. Pero bakit wala ang sasakyan dito?

I jerked my head to the other end of the guesthouse, all the way to the pond, where I saw Yosef playing with sticks in the mud. Nilapitan ko siya na agad tumayo at tinapon ang patpat na hawak sa pag-aakalang pagagalitan ko siya dahil sa paglalaro ng putik sa daan. Nakasuot siya ng panglamig at beanie hat.

West to the Firefly LaneWhere stories live. Discover now