CHAPTER 33: TRYING

Start from the beginning
                                    

"Sige po ma'am Sarah." Nakagat ko ang ibabang labi ko nang maalala ko na sinabihan niya na ako na tita ang itawag sa kanya mula ngayon.

"Diba sabi ko tita ang itawag mo sa akin?" May pagtatampong sabi niya.

"I'm sorry po tita. Nakasanayan lang."

Dinala ko na ang mga bata sa sala at pinatulog ko sila roon. Ginagamit pa rin naman pala nila yung mattress na madalas nilang higaan dito sa sala. Napatulog ko naman agad sila dahil sa medyo malamig ang panahon ngayon gawa ng may bagyo.

Nadaan sa gawi namin si tita na may dalang malaking plastic na hindi ko alam kung ano ang nasa loob. "Alam mo ba hija, nung umalis ka rito. Madalas 'yang mga bata na 'yan mag-aya roon sa kwarto mo lalo kapag oras ng siesta. Nasanay kasi sila na roon natutulog kaya ganon."

Napangiti na lang ako at hindi na ako umimik dahil hindi ko naman alam dapat kong sabihin. Iniwan na rin niya kami agad. Nang masiguro ko na mahimbing na talaga ang tulog ng mga anak ko ay hinanap ko si tita.

"Nakita mo ba si tita?" Tanong ko sa isang kasambahay na kakilala ko. Sila ang mga kasama namin dito sa bahay na 'to nung babysitter pa ako rito.

"Nandoon yata sa stockroom." Sagot naman niya.

"Ah okay. Salamat." Pupuntahan ko sana si tita sa stockroom pero pinigilan ako ng kasambahay.

"Hoy Quebec, ikaw pala ang totoong ina ng mga bata. Bakit hindi mo samin sinabi?!" Masayang sabi niya.

Natawa tuloy ako. Madalas ko rin kasi silang kausap sa mga bagay-bagay nung nandito pa ako. "Next time magkukwento ko. Nagpapatulong sa ginagawa si tita eh."

Binigyan niya ako ng ngiting pilya. "Dati ma'am Sarah pa ang tawag mo sa kanya. Ngayon tita na. Iba ka talaga! Nag-upgrade!" Tukso niya sa akin na ikinatawa ko at iniwan ko na rin siya.

Hindi naman ako nahirapang hanapin si tita. Tinulungan ko siya gaya ng gusto niya at nahinto lang ako nang magising na ang mga bata isa-isa. Binabantayan ko sila habang naggugupit ako ng ilang crepe paper.

"Let it go...Let it go... Can't hold it back anymore..." Kanta ni Lanaia habang may hawak na kulay blue na crepe paper sa magkabilang kamay na nagupit ko na.

Hindi ko tuloy mapigilan na hindi matawa. "Hmm. Princess Elsa, you're voice is so great!" Pagsuporta ko pa sa kanya.

Lumapit siya sa akin na may malaking ngiti sa mga labi. "Thank you. I want to shake hands with you but you'll turn into ice!" She said like it's really true.

Lalo akong natawa at sinakyan ko pa ang imahinasyon niya. Alam ko na ang nasa isip niya ngayon ay siya talaga si Elsa sa movie na Frozen. Kung hindi ako nagkakamali ay paborito niya talaga ang pelikula na 'yon.

"It's okay princess. Go and play. Don't mind me here." Nakangiti naman siyang tumango at tumakbo na sa tabi ng mga kapatid at tinuloy ang pagiging si Elsa.

Pagtungtong ng tanghalian ay inasikaso ko na naman sila at inaksaya ko ang oras ko sa maghapon sa pakikipaglaro sa kanila. Kaya naman pagpatak ng kinagabihan ay wala na silang lakas at mabilis tinamaan ng antok.

"Wala pa si Xenon. Saan na naman kaya nagsuot ang lalaking 'yon." Sabi ni tita nang magsimula na kaming kumain ng hapunan pero wala pa rin si Xenon. Dapat kasi ay ganitong oras nakauwi na siya madalas.

Pagkatapos kumain ay iniakyat ko na ang mga bata sa kwarto para mamahinga. Mabilis naman silang umakyat sa kama at hinayaan ako na buksan ang tv. "Ops! Sit for now. Hindi kayo matutunawan kapag humiga na agad kayo. Kakakain niyo lang." Saway ko sa kanila nang makita ko na balak na nilang magsihiga.

Sumunod naman sila sa akin. Kaya naman ang ginawa ko na lang ay nilagyan ko ng unan ang headboard ng kama at doon ko sila pinasandal para hindi sila humiga agad. Nang makita kong narelax na sila ay tinabihan ko sila habang nanunuod kami ng drama.

"I'm sleepy." Ungot ni Lancelot. Nakanguso siya habang nakatingin sa akin at naluluha na ang mga mata sa antok.

Dinala ko siya sa gitna ng mga hita ko at saka ko siya hinele. Wala pa yatang isang minuto ay nakatulog na siya hindi kagaya ng dalawa na kaya pang labanan ang antok. Tutok kami sa panunuod ng tv nang bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok si Xenon na halatang nakainom.

"Dada!" Bati ni Lanaia rito. Umalis sa pagkakaupo si Lanaia at lumuhod sa kama at itinaas ang mga kamay para magpabuhat sa bagong dating.

"Ahh! My sweet little girl! You miss daddy while I'm away? Huh?" Lasing na sabi ni Xenon at hinalikan si Lanaia sa pisngi at labi.

"Baho!" Daing ni Lanaia na ikinatawa ko.

Ibinaba na rin niya si Lanaia sa kama at saka nagpalit ng damit. Sa sobrang kalasingan ay hindi na ito nakapunta sa banyo para magpalit ng damit. Dito pa siya sa tapat ng cabinet nagbihis na katapat lang ng kama. Ako na lang ang nag-iwas ng tingin at itinuon ko na lang ang pansin ko sa tv.

Pagkatapos niyang magbihis ay tumabi na siya ng higa sa kama. Sa tabi ko pa talaga kaya mabilis ang kilos ko na inilagay si Lancelot sa kama at para makaalis na. Nandito naman na siya. Siya na ang bahala sa mga bata.

"Bababa na ako. Ikaw na ang bahala sa mga bata." Bilin ko sa kanya.

Bigla siyang nagmulat ng mga mata at mabilis akong hinawakan sa pulsuhan. Sinubukan kong pumiksi pero hindi ko magawa dahil lalo niyang hinigpitan ang hawak niya sa akin.

"Xenon! Ano ba?! Yung mga bata masisira yung antok." Mahinang saway ko sa kanya pero hindi siya nagpatinag.

Bumangon siya. "Lanaia, stop her from leaving. Dito siya matutulog satin ngayong gabi." Hindi makapaniwalang tinignan ko siya. Ginagamit niya si Lanaia para mapasunod ako.

"Xenon, don't use the kid!" Hinayaan ko na nga siya na gamitin si Lanaia para hindi ako makaalis ng bansa tapos pati sa pagtulog.

"Kasi natatakot ako na baka umalis ka. Na baka tumakas ka at magbago ang isip mo na napigilan ka namin paalis ng bansa." Sabi ni Xenon na halos hindi ko maintindihan.

Huminga ako ng malalim. "I won't. Sa baba ako matutulog. Sa dati kong kwarto."

Umiling siya. "Hindi. Dito ka matutulog. Sa tabi ng mga anak natin. Yung kwarto sa baba para sa mga empleyado namin 'yon. Hindi ka namin empleyado."

Hindi ako nakakibo. Pinagmasdan ko lang siya na hinihila ang spare mattress na nasa ilalim ng kama nila para may mahigaan ako. Biglang humiga si Xenon doon pagkatapos niyang ayusin.

"Tabi tayo?!" Gulat na tanong ko.

Ngumiti siya sa akin gamit ang mapupungay na mata dahil sa kalasingan. "Hindi. Ikaw na ang tumabi sa mga bata. Ako na magpaparaya lalo na at lasing naman ako. Baka madaganan ko pa sila. Pero kung gusto mo tumabi sa akin hindi naman ako aalma."

Inirapan ko siya at tinabihan ko na ulit ang triplets sa kama. Si Landon ay nahihirapang matulog dahil sa ingay ng ama niya habang si Lanaia naman ay busy pa sa panunuod ng tv.

Nilapitan ko si Landon para ihele. "Bakit ka ba kasi naglasing? Hinihintay ka namin umuwi. Kaya pala hindi ka nakauwi agad dahil sa uminom ka pa."

Tumingin naman siya sa akin habang hindi inaalis ang ngiti sa mga labi. Mukha tuloy siyang ewan!

"I'm just happy. Finally, my family is complete! Wala na akong mahihiling pa sa ngayon. Ang tagal ko na rin kasing hinihiling na magkaroon ng pamilya ang mga bata. Kaya sana huwag mo na silang iwan Quebec. Maawa ka naman sa kanila." Pakiusap niya sa akin.

Hinaplos ko ang buhok ni Lanaia saka ko siya hinalikan sa nuo. "I won't. For the kids."

I'm Just A Babysitter (COMPLETED)Where stories live. Discover now