CHAPTER 33: TRYING

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ang kapal ng mukha." Bulong ko saka nakipaglaro na ako sa mga bata.

Pagkalipas ng kalahating oras ay pinaliguan ko na rin sila. Kahit ilang buwan akong nawalay sa kanila ay alam ko pa rin ang dapat gawin sa kanila. Pagkatapos ko silang lagyan ng shampoo at sabon ay binanlawan ko na sila sa shower. Napangiwi ako nang magsimula na akong mabasa. Wala pa naman akong dalang damit.

Kaya lang bigla kong naalala na may mga naiwan pa nga pala akong gamit dito dahil sa mabilis na pagpapalayas ba ginawa sa akin ni Xenon noon. Sana lang ay hindi pa nila natatapon. Nang mabanlawan ko sila ay hinayaan ko muna silang magtampisaw sa bathtub na may maligamgam na tubig bago ko sila binihisan at pinabanguhan.

"Hmm bango." Sabi ni Landon na napipikit pa nang lagyan ko siya ng baby cologne.

Ibinaba ko na rin sila pagkatapos para painumin naman ng gatas dahil 'yon ang merienda nila habang nanunuod ng cartoons sa sala.

"Napaliguan mo na pala sila. Kanina ko pa kayo hinahanap." Sabi ni ma'am Sarah nang makita kami na pababa ng hagdan.

"Opo ma'am. Naaalala ko pa naman po ang gawain ko sa kanila dati."

Ngumiti ito. "Halika. Naghanda ako ng merienda para sa atin."

Inaya niya kami sa kusina at doon niya napansin na basa ang damit ko. "Kahit ako, kapag ako ang nagpapaligo sa mga 'yan, hindi ko maiwasan na hindi mabasa. Kung hindi ako nagkakamali, may natira ka pang mga gamit dito. Alam ko hindi naman 'yon pinatapon ni Xenon at itinago. Teka tawagan natin."

Kinuha ni ma'am Sarah ang cellphone niya na nasa bulsa ng dress niya at tinawagan nga si Xenon. "Hello, Xenon. Pinaliguan ni Quebec yung mga bata. Nabasa yung damit niya. Naalala ko ipinatabi mo yung ilang gamit at damit na naiwan niya rito non, diba?"

Ilang segundo lang ay biglang inabot sa akin ni ma'am Sarah ang cellphone niya. "Kausapin ka raw niya."

Wala na akong nagawa kung hindi ang kausapin si Xenon. "Hello, Quebec?" 'Yon ang narinig ko nang itapat ko sa tenga ko ang cellphone.

"H-Hello."

"Yung mga naiwan mong damit, nandoon sa closet ni Lanaia sa kwarto nila. Magkakasama yung sayo, hanapin mo lang doon." Bigay niya ng direksyon sa akin.

"Okay. Thanks."

"Welcome. Bye."

Nang mawala ito sa tawag ay ibinalik ko na rin kay ma'am Sarah ang cellphone niya. "Ano sabi?" Tanong niya habang pinapakain ang mga bata ng chocolate croissant.

"Nasa damitan daw po ni Lanaia yung mga naiwan kong damit."

"Oh go ahead. Magpalit ka na bago ka pa magkasakit. Ako muna ang bahala sa mga bata. Kumakain lang naman sila."

Pumayag ako at pumunta sa kwarto nilang tatlo at hinanap ang closet ni Lanaia na kulay pink. Pinuntahan ko agad 'yon nang makita ko at hinanap ko kung nasaang gawi ang mga damit ko. Hindi naman ako nahirapan dahil nasa bungad lang naman ang mga 'yon. Namili ako ng komportable at nagpalit ako ng suot kong blouse at pantalon. Basa kasi talaga pareho. Sa huli ay nagsuot na lang ako ng isang t-shirt at cotton short. Bago ako tuluyang bumalik sa mga bata ay isinampay ko muna ang mga basa kong damit sa kwarto ng mga bata para matuyo kahit papaano.

Pagbaba ko ay halos tapos na ang mga bata kumain. "Patulugin mo na sila Quebec. Kakailanganin ko ang tulong mo. Uuwi kasi yung kuya ni Xenon kasama yung asawa at mga anak niya. Maggugupit kasi ako ng ilang crepe paper na gagamitin pangdisplay dito sa bahay sa pagdating nila. Balak ko kasi magdaos ng simpleng party. Ang tagal na rin kasi nung huling umuwi sila Xymon. Wala pa sa buhay natin ang mga triplets nung umalis siya rito."

I'm Just A Babysitter (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon