What the freaking hell!!!!!!!

••


Ashley's P.O.V.

Asan ba si Ereese?

As if on cue, a girl landed in front of Lia making the latter scream.

"Bwisit! Papatayin mo ba ako sa gulat?!" Bulyaw nito kay Ereese.

"Sorry." Napatitig ako sa mga mata ni Ereese na ngayon ay mas matingkad ang kulay. Kapag ganyan ang mga mata niya, her ability is activated.

Nilapitan ko ito. "Anong meron?"

Umiling ito. "Nothing." Sagot nito sa mababang boses.

"Sigurado ka?" Tumango lang ito bilang sagot.

Tinawag na kami ni Kyler dahil kakain na.

Habang kumakain ay ramdam ko pa din ang pananahimik ni Ereese. Though, tahimik na talaga siya pero ibang pananahimik ito. Kilala ko si Ereese kaya alam kong may nangyari. Nakita ko siyang umakyat kanina sa puno at nakita ko ding sinundan ito ni Trevor. Did something happened up there?  Naunang bumaba si Trevor kesa sa kanya pero ng bumaba ito, ganyan na.

Hm! I assumed that there's something happened up there.

Sigurado ako sa hula ko, pero madalas sa mga hula ko eh, mali.

Nagtaka ako ng panay ang tingin ni Ereese sa kaliwa niya. Kukunot ang noo niya pagkatapos ay maniningkit ang mga mata at titingin sa kaliwa nito tapos babalik sa harap ang tingin tapos uulitin ulit iyon.

Nakakabwisit siyang tingnan. Parang nagpapagwapo na ewan kaya sinipa ko ito. Nagulat naman siya sa sipa at marahas na napatingin saakin. Kasabay ng paglingon nito sakin ay ang pagbalik din sa normal na kulay ng mata niya.

"What?!" Asik nito saakin.

"Anong what?! Anong ginagawa mo?! Mukha kang abnoy!" Bulyaw ko sakanya. Kahit pa ang ganda niya, eh, mukha talaga siyang ewan sa ginagawa niya.

"Ano?! Ano bang ginagawa ko--" She stilled. Her eyes glow as she looks at her left.

Iba ang pakiramdam ko dito. Alam kong may nararamdaman siyang kakaiba.

Bago ko pa siya matanong ay naglaho na ito.

"Ereese!"

"Uy! Nasan siya pumunta?" Nagtatakang tanong ni Lia.

"What?--- I mean, I don't get her." Naguguluhang tanong ni Serene. "She's hard to read, you know?"

Bumuntong hininga ako. "When her eyes are glowing, her ability is activated. Meaning, she can sense something. Kahit pa hindi naka-enhanced ang senses niya, malakas pa rin ang mga ito at mararamdaman pa rin niya kung may kakaiba sa paligid niya. But when she really activated it, she's confirming something."

Jace speaks. "Kanina pagbaba niya ng puno, it's already activated, right? Because her eyes are glowing. At kaninang kumakain tayo, panay ang tingin niya sa kaliwa niya."

Lia agreed. "Oo nga. Sinita mo pa nga siya don eh."

Tumango ako. Pati pala sila napansin 'yon.

At ngayon, mali na naman ang hula ko! Wala nang naging tama! Walang nangyari sa itaas ng puno! Iba pala ang dahilan ng pagiging tahimik nito!

Bwisit! Kelan kaya magiging tama ang mga hula ko?

Someone landed swiftly in front of us. And it's non other than Ereese.

Beyond Mortals : Guardians [ON HOLD]Where stories live. Discover now