"sayang, dapat nakilala na kita agad non para nacomfort kita"

"nakilala naman kita ngayon, sa mga panahong hindi ko na kaya, you came in the right time jay" kikiligin pa sana ako kaso dumating na 'yung lugaw namin.

"oh, bakit mo ako pinanonood?" natatawang tanong ko sa kanya dahil nakatingin lang s'ya sa akin.

"kumain ka muna! tignan ko kung masasarapan ka" napailing ako atsaka isinubo 'yung lugaw na nasa kutsara ko. masarap s'ya, hindi na ako magtataka kung bakit paborito n'ya ito.

i gave her a thumbs up at lumawak ang ngiti n'ya. nagsimula na din s'yang kumain.

"hmmmmm namiss ko 'to" rinig kong komento n'ya. "ako, namiss kita" saad ko sa kanya at napalingon s'ya sa akin.

"bakit? totoo naman" nagdiretso ako sa pagkain ko at naramdaman ko lang na pinitik n'ya ang noo ko. "para saan yun?" puna ko sa kanya

"sa kalandian mo" parehas kaming natawa sa sinabi n'ya. "atleast sayo lang malandi 'to" kumindat pa ako at nag cringe naman s'ya kaya lalo kaming natawa.

"bwisit ka park jongseong, kapag ako nahulog sa'yo!"

"sasaluhin kita," napailing lang s'ya at muling kumain.

"ngayon lang ulit ako tumawa ng ganito simula nung hindi mo ako pinapansin" parang batang saad n'ya.

"i thought boyfriend mo si kei, of course i need to show respect with your relationship kahit na gustong-gusto kita" page-explain ko naman sa kanya. tumigil s'ya sa pagkain at humarap sa akin.

"nag break kami before s'ya umalis papuntang states" i gestured her na magkwento lang s'ya. nagsimula na ulit kaming kumain tho parehas naman kaming nakikinig.

"childhood bestfriend ko si kei, since business partners si dad at 'yung dad n'ya. to make the story short dahil sobra kaming close at palagi kaming magkasama... noong 9th grade naging kami, it was puppy love at first but he's someone who is very special to me" pagpapatuloy n'ya sa kwento.

"and then?"

"my feelings grew and two years later, my dad and his dad became rivals... nagulat na lang ako that time na pinagbintangan si dad na nagnakaw ng pera sa company nila... which isn't true.. hindi magagawa ni papa 'yun." natigil ako sa pagkain dahil narinig ko kung paano naging malungkot ang boses n'ya.

kahit kailan hindi n'ya nashare sa akin ang tungkol sa parents n'ya kahit may idea ako. hindi ko din gustong itanong kasi ayokong maging rude.. ayokong maging uncomfty s'ya.

"dahil doon... pinaghihiwalay kami ng family n'ya. dad and mom flew to switzerland para ayusin 'yung lahat ng bintang sa kanila, pero maraming nagsabi na tatakas sila that time kaya sinabotage 'yung private chopper nila sa switzerland... and i lost them" a tear flowed from her eyes, mabilis n'ya 'yung pinunasan.

"gustong-gusto kong makita n'on sina mama at papa gusto kong lumipad kasama si lola para makita sila.. kasi alam ko, 'yun na 'yung last na makikita ko sila. pero walang natira sa amin ni lola para mapuntahan sila kasi nakuha na lahat sa amin"

"i tried na makipag-usap kay kei at sabihin na walang kasalanan si mama at papa, handa akong patawarin ang mga magulang n'ya basta ibigay nila sa amin ang hustisya... pero pinili n'yang iwan ako, sabi n'ya babalik s'ya, sabi n'ya itatama n'ya ang lahat. nangako ako na iintayin ko s'ya" i gave her a hug and she choose to cry on my shoulder. i wish she somehow felt peace on my shoulder everytime she cries, sa kanya lang palagi ang balikat ko kung kailangan n'ya 'yun.

"hanggang ngayon umaasa pa din ako na matutulungan n'ya ako, para kay mama at papa, para sa amin dalwa... para hayaan na nang pamilya n'ya kami mag sama, kaso wala na akong will na ipaglaban 'yung sa amin kasi bumitaw naman na s'ya, gusto ko na lang lumaban para sa mga magulang ko"

"what do you want me to do? gagawin ko lahat para sa'yo, tangi"

"gusto ko? hustisya. para sa mga magulang ko, para sa amin ni lola. gusto ko? kapayapaan, jay. at pagmamahal na masyado na ipinagkait sa akin" tinignan ko ang mga mata n'ya na puno ng sakit, at pagod. pinunasan ko ang luha n'ya at saka ko hinalikan ang mga mata n'ya.

"nandito lang ako hanggang sa makamit mo lahat ng gusto mo, tangi... hindi ako aalis"

"sasamahan kita na pumunta sa switzerland, kasi diba gusto mo mapuntahan ang parents mo at gusto mo nang snow?" i tried to lift up my voice enthusiastically.

"paano mo nalaman na gusto ko makakita nang snow?"

"sabi ni lola. tinanong ko s'ya.. kasi gusto ko lagi kang masaya"

"paano ka naman?"

"masaya naman na akong nandito ka palagi eh, ayos na sa akin 'yun"

winter nightmare Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon