-059-

210 15 0
                                    

-toni pov-

"toni, halika na, isara mo na ang shop" nagulat ako kay tita na bigla na lang pumasok sa shop, nag bow ako ka agad nung nakita ko sya.

"po? bakit po?" mabilis ko inayos ang mga libro kong nasa lamesa.

"may konting handaan lang sa bahay, tara doon ka na mag dinner" pag-aya nya sa akin.

"nakakahiya po, tita" lumapit sya sa akin at tinulungan ako sa pag-aayos ng gamit ko.

"ano ka ba, parang hindi ka-family ah" napatawa ako sa sinabi nya. "halika na, huwag ka na mahiya" she pulled me until we reached their house.

first time ko makita ang bahay nila, it was beautiful, but it was simple din. not that big mansion na inaasahan ko, sakto lang sa kanila.

"pasok ka," ngumiti ako sa kanya at sumunod, napahawak ako sa mga libro ko ng mahigpit.

we entered the living room, at nakita ko doon ang ilang kaibigan ni jay na nakilala ko dati.

"ibaba mo muna 'yang mga libro mo, maupo ka muna dyan" bilin ni tita bago nya ako iwanan sa living room. sinunod ko ang utos nya.

"hi, toni!" bati ni jungwon, i smiled at him.

"nagde decorate kami, gusto mo tumulong?" alok nya, kesa naman sa tumunganga ako ay tumango ako sa alok nya.

"parang gago jungwon, hindi na nahiya" puna ni sunoo na nag aayos din.

"bakit ba? parang hindi naman natin friend 'tong si toni" depensa ni jungwon at napangiti ako.

"ininvite ka ni jay 'no?" tanong ni niki. umiling ako agad.

"hindi no, bakit naman nya ako iinvite, si tita nag invite sa akin" sagot ko. "ay bakit parang may sama ng loob?" komento ni heeseung.

"huh? wala, gawa-gawaan kayo" depensa ko pero tiningnan nila ako ng nakakaloko, hindi ko sila pinansin sa mga ginawa nila.

lakas din mang-asar, parang si jongseong lang.

"andito na kami!" napatingin kaming lahat sa pinto at nakita namin si irene kasama si sunghoon, nasa likod nila si jake at may kasama silang hindi pamilyar na babae sa akin.

"kingina ang tagal nyo! nag double date pa ata kayo" napalingon naman kami sa lumabas galing kusina.

si jongseong, naka apron pa sya at may hawak na sandok.

ang... cute nya...

"yan galit na si chef, pasensya na ang dami mong bilin ang arte pa ng mga ingredients mo" saad ni jake at lumapit kay jay.

"kaya nga, sino ba kasing tanga ang namalengke kulang-kulang at mali-mali ang binili, kung hindi ka naman ba sabog kuya" asar na saad ni irene saka sya nag deretso sa kusina.

"aba, para magka ambag kang bata ka" bumalik na kami sa ginagawa namin dahil pumasok na sila sa kusina ulit.

"anong meron don kay jay?" takang tanong ni jungwon.

"oo nga, seryoso.. ano ngang meron don?" nangunot ang noo ko sa paggatong pa ni heeseung

"what? anong problema?" takang saad ko.

"hindi ka ba nya napansin? impossible" baling ni sunoo sa akin, napakunot lalo ang noo ko.

"what? anong sinasabi nyo?"

"kumuha ka nga ng tubig doon sa kusina, toni.. bigla kaming nauhaw" utos ni heeseung kaya agad akong tumango kahit mukha akong naguguluhan.

pumunta ako sa kusina, at nakita ko si irene at jay doon.

hindi ko alam kung saan kukuha ng tubig kaya lumapit ako sa kanila.

"irene, yung mayonnaise.. ano ba" rinig kong saad ni jay, nakaharap doon sa niluluto nya.

"ang init ng ulo mo no! ulo mo ba yang niluluto mo ha?" humarap sa dereksyon ko si irene kaya agad nya akong nakita.

"ATE TONI!!!!" sa halip na ibigay nya sa kuya nya 'yung mayo, lumapit sya agad sa akin.

"irene, hindi mo ako madadal-" napalingon din sa amin si jay kaya agad nagtama ang mga tingin namin.

i smiled at him, and he did just gave me a small smile.

what's wrong? he is so off.

"tubig daw nina heeseung, saan ako pwedeng kumuha?" tanong ko kay irene.

natigil sa paglipat-lipat ng tingin sa amin ng kuya nya si irene at natauhan dahil sa pagsasalita ko.

"ah, tubig?" tumango ako agad. "ako na bahala, ako na magbibigay... pakitulungan si kuya muna dyan, wait lang" akmang aangal pa ako pero agad na syang nawala.

napalingon ako sa likod ni jongseong na nagluluto.

why are you making me bother so much?

i just sighed.

winter nightmare Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon