Masyado akong nawiwindang sa nangyari kaya pinili ko nalang umupo muna. What was that? At bakit magkakilala sila?

Inalis ko sa isip ko iyon. Buhay nila yon at wala na akong pakialam kung ano man ang meron silang dalawa.

Mag aalas singko na ng hapon pero hindi pa din sila lumalabas ng silid. Malapit na ako mag out pero wala akong naririnig sa kanila.

Tumunog ang wall clock tanda na alas singko na. Hindi ko alam kung aalis ako o paano ako magpapaalam sa kanila. Mukang wala pa silang plano lumabas sa silid.

Napatingin ako sa elevator ng bumakas ang lift. Nanlake ang mga mata ko ng makita si Riley na kasama si Rajan.

"Mama!" Sigaw ni Riley. Ngumiti ako sa anak. Hindi nga ako sigurado kung maayos ang muka ko o ano pero sigurado ako na nandito sila.

Tumingin ako kay Raj na puno ng pagtataka. Hindi ko kase masyado ine-expose si Riley sa tao kaya bakit siya nandito ngaun.

"It's fine. We will have our dinner." Sagot ni Raj. Wala naman ako sinabi pero tila nababasa niya na ang nasa isip ko.

"Wow!" Sagot ni Riley ng makita ang mga designs ng eroplano sa gilid kung saan nakalagay ang mga ito.

"This is also like your company papa?" Tanong ni Riley sa ama. Ngumiti si Raj at ginulo ang buhok ng anak.

"Umh, kinda." Sagot nito.

Sabay sabay kaming napatingin sa pinto ng office ni sir Brent ng bumukas ito.

"Riley!" Si Lakan ang unang lumabas at si Riley ang una niyang napansin. Nakita ko kung paano nagulat ang anak at patakbong tumungo kay Lakan.

"Tita Lakan! Why are you here?" Tanong ni Riley at tsaka yumakap kay Lakan. Nakatingin lang si sir Brent sa anak ko at kay Lakan na magkayakap.

"Umh, I arrived last night and maybe will stay here for good. Bigboy kana!" Pinindot pa ni Lakan ang ilong ni Riley.

"Really? We can go some other time! Right mama?" Tanong ni Riley sa akin kaya ngumiti ako sa kanya. "Ofcourse," sagot ko.

Tumayo si Lakan at umayos ng tindig. Napatingin siya kay Raj sabay baling ulit kay Riley." OMG! Is he.." tanong niya. Ang mga mata niya ay sa akin na ngaun nakatingin.

Nahihiya akong tumango sa kanya. "He's Rajan Duke Esquivel. Girl! Bakit hindi mo sinabi na siya ang daddy ni Riley?" Salita niya na tunog nagtatampo.

Natahimik kami ng tumikhim si sir Brent. "And how did you know him?" Tanong niya kay Lakan na tila naiirita. Tumawa ng malakas si Lakan.

"You forgot na vlogger ako? I know people Brent, Duh!" Sagot niya. Hindi na ako nagsalita. Halata pa din ang iritasyon sa mukha ni sir Brent.

"Can we go now?" Pag putol ni Raj sa katahimikan. Tumango si sir Brent sa amin.

Hinawakan ni Raj ang kamay ni Riley at isang kamay niya ay humawak sa beywang ko. Nahihiya pa ako sa kanila dahil bawat galaw namin ay pinagmamasdan nilang dalawa lalo na ni Lakan.

"Take care! Lets set our catch up Gotica!" Sigaw ni Lakan ng malapit na kami sa lift. Bumaling ako sa kanya at tumango.

Struggle na naman sa akin ang paglabas sa building na ito. Bukod sa kasama ni Raj si Riley ay pareho niya pa kaming hawak ng anak ko.

Nang bumukas ang lift sa ground floor at tahimik akong nakamasid. Nanjan na naman yung receptionist na talagang nakaktutok sa amin.

May iba din kaming nakakasalubong na naagaw namin ang atensyon.

"Why did you bring Riley here?" Pabulong kong tanong kay Raj. Medyo galit ang mga mata niyang bumaling sa akin.

"Why not?" He said coldly. Minsan talaga ay natitrigger ko si Raj kapag lumilitaw kami in public na magkasama. Palagi siyang nagagalit sa akin kapag concern ko ay nakikita kami ng mga tao in public na magkasama.

Our Strings (Strings Series 3) Where stories live. Discover now