"Ano?"iritado namang turan ni Johny.

"Alam na din ni mama na may anak ka kaya siya uuwi!" sabay dahang-dahang umupo si Kathleen. Susugurin sana ito ni Johny para batukan ng magsalita si JM.

"Tita Kath, kaanu-ano po ni Mommy si-siya?"sabay dahang-dahang turo ni JM kay Johny. Tumingin si Kathleen sa kapatid, naawa siya para dito.

Nalungkot naman si Johny dahil ang sarili niyang anak ay hindi siya makuhang tawaging Daddy!Lumapit siya sa mga ito. Kinalong niya si MJ.

"Do you know where's your Dad, sweetie?"palipat-lipat na tanong niya sa mga ito.

"Australia po!"sabay na sagot ng mga ito.

Umiling siya. "No sweethearts!Do you know what my last name is?"umiling ang mga ito. "My last name is Agustin!"

"Pareho po ng last name namin?"napamulagat na tanong ni MJ.

Tumango siya!"Alam niyo ba kung ba't pareho tayo?" umiling ulit ang mga ito.

Magalit ka man Maxene dahil pinangunahan kita sa pagsabi sa kanila pero sa tingin ko ito ang tama!turan ni Johny sa kaniyang sarili.

Hinalikan niya muna ang buhok ni MJ at masuyong hinaplos ang mukha ni JM."Ma--magkapareho last name natin, be-becasue a-ko ang Da-ddy niyo!"tila may bikig sa lalamunan niya ng sabihin ito. Tumingala sa kaniya si MJ at napamulagat naman si JM.

"Are you really our Dad?" inosenteng tanong ni MJ. Marahang hinawakan niya ang baba nito.

"Ye-yes sweetheart.!" maemosyobg sagot niya

"Really?" sigaw naman ni JM. Tumango siya dito.

"I love you Daddy!" Biglang yumakap ito sa kaniya. Nagmamadali namang bumaba si JM sa kinauupuan, tinulungan ito ni Kathleen at nagpakalong din ito sa kaniya.

Tintigan siya ni JM."I'm so happy that your already here, Daddy. Matagal ka na po naming hinihintay.May makakalaro na po ako ng mga toys ko and we miss you so much!" yumakap din ito sa kaniya at walang pag-aatubiling ginantihan niya ang mga yakap ng mga ito. Maluha-luha siya sa mga oras na yun at ng makita niya si Kathleen umiiyak din ito. Labis ang kasiyahang kaniyang nararamdaman sa mga oras na yun, ang marinig mula sa mga ito na Daddy ang tawag sa kaniya ay isa sa pinakamasayang nangyari sa buhay niya. Pasimpleng pinunasan niya ang kaniyang pisngi.

"Baka po gising na si mommy, puntahan na natin siya!" turan ni JM.

"Okey sweetheart, but we have to prepare first her breakfast!" tumango ang mga ito.

DAHANG-dahang iminulat ni Maxene ang kaniyang mga mata. Unang tumambad sa kaniya ang hindi pamilyar na kulay ng kuwarto, light blue iyon at base sa nakikita niya panglalakeng kuwarto ito. Bumangon siya habang sapo ang ulo dahil tila pumintig ang kaniyang sentido at saka inilibot ang tingin sa paligid. Hindi na niya napansin ang larawan sa ibabaw ng mesa ng makarinig siya ng mga yabag papasok sa kuwarto. Narinig niya ang masayang boses ni JM.

"minsan po nagtutulog-tulugan si mommy pag ginigising namin tapos bigla niya kaming kikiliitin!" narinig pa niyang pagkukwento nito saka bumukas ang pinto, unang bumungad sa kaniya ang nakangiting si MJ.

"morning mom!" bati nito sa kaniya at patakbong sumampa sa kama.

"morning sweetie!" sabay halik dito at yumakap sa ito sa kaniya.

"your awake mom!"ang sunod na narinig niya ay si JM, at ang higit na ikinagulat niya ay ang kahawak-kamay ng kaniyang anak, tila lalong bumilis ang pintig sa kaniyang sentido.

Ba't magkakasama ang mga ito!

Ngumiti sa kaniya si Johny hawak nito sa isang kamay ang tray na may lamang pagkain at ilinapag nito iyon sa mesa. Hindi siya makapagsalita. Lumapit sa kaniya si JM.

"Are you okey now mom?Sabi po ni Daddy masama daw pakiramdam niyo!" Nanlaki ang kaniyang mga mata sa narinig na tawag nito kay Johny.

"Ba't di mo po sinabing uuwi si Daddy, mommy?"narinig niyang tanong ni MJ na lalong ikinakaba niya.

Tumingin siya kay Johny at nakipagtitigan din ito parang naghihintay sa kaniyang sasabihin. Ng wala itong naririnig na salita mula sa kaniya ito na bumasag doon!

"Hey sweetie, punta muna kayo kay Tita Kath sa baba. Your mom and I need to talk.!" masuyo niyang turan.sa mga ito. Tumayo si MJ mula sa kama at nagsalita bago bumaba.

"Mommy, please tell Dad na huwag na po ulit pupunta sa Australia ha?" saka ito bumaba at hinila sa kamay si JM."Let's go JM, sabi ni Tita papakita daw niya mga toys nila dati!" saka magkahawak-kamay ang mga itong naglakad palabas ng kuwarto.

Started with a TextWhere stories live. Discover now