Chapter Eight

2.4K 165 33
                                    

"We need to go to the grocery store. Wala ng laman ang ref at may mga kailangan din akong bilhin para sa sarili ko. I'm sure may gusto ka ding bilhin?"

Tumango siya. Ang gamit na meron siya ngayon ay kung ano lang ang nasa maleta niya para sa tatlong araw na pananatili sa hotel. She lacks some essential things like toiletries and some womenly stuff. Lalo na't malapit na din ang period niya.

"I'll just grab my coat."

Paglabas niya ng kwarto ay nasa pintuan na si River at naghihintay sa kanya. Tahimik nilang binaybay ang papunta sa grocery store. Nabibingi na nga siya sa katahimikan pero buti na lang malapit lang ang byahe. Ito na ang kumuha ng cart. Makikilagay na lang siya dahil kaunti lang naman ang balak niyang bibilhin— shampoo, conditioner, sanitary napkins at ilang chips.

She was busy scanning the shelves for what chips to buy when she overheard a group of women giggling behind her. Sinundan niya ng tingin ang tinititigan ng mga ito. Napa-iling na lang siya. Akala niya kung ano na ang dahilan ng malanding tunog na naririnig niya. Si Ilog lang pala ang may sala. She doesn't get why women react that way to him. Hindi naman ganon kagwapo. In fact, mas gwapo namang di hamak si Magnus no.

"Tss... mga walang taste." Bulong niya sa sarili.

Itinuon na lang niya ang pansin sa bag of chips na nasa itaas ng shelf. Napabusangot siya ng hindi man lang umabot ni dulo ng daliri niya sa lebel kung nasaan ang chips kahit tumingkayad pa siya. Matangkad siya. Pero bakit kasi ganito kataas ang mga shelves sa grocery store na ito? Inirapan niya ang chips.

"Ayaw mong magpakuha ha..."

Isinampa niya ang isang paa sa unang level ng shelf. Isasampa na niya ang isa pang paa ng isang kamay ang sumulpot mula sa likuran niya at inabot ang pinagdidiskatahang bag ng chips.

"Would it kill you to ask for my help?" Naka-kunoot noong idineposito ni River ang chips sa cart nito. "Makakasira ka pa eh."

"That's the reason why I didn't ask for your help." Nakakunot noo na ding sagot niya habang nakaturo sa nakakunot noong mukha nito. "Napaka-antipatiko mo. Isa pa, kahit hindi mo ako tulungan, kayang kaya kong kunin iyang Doritos na iyan."

"Ah... kaya pala hirap na hirap kang kunin iyan kanina kahit tumingkayad ka pa..." Sarkastiko nitong pasaring. "Accept it, Thalya. May mga bagay talaga na hindi mo kayang gawin. Why don't you just be cool about it?"

Mariing naglapat ang mga labi niya. Tinaasan niya ito ng kilay bago muling hinarap ang shelf. Just be cool about it? Ha! No way in hell! Kaya kong kumuha ng sarili kong pagkain ng walang tulong ng kahit na sinoman lalong lalo na sayong ungas ka!

"You've got to be kidding me..." He muttered. Probably because he figured out what she was about to do.

Hindi pa niya naisasampa ang paa ng isang matigas na braso na agad ang pumulupot sa bewang niya at inilayo siya sa shelf na animo'y isa siyang football kung kargahin nito!

"River! Get your hands off me! Isa!" Mariin niyang utos.

"Shut up, Pierce. You're making a scene."

She gasped indignantly. At siya pa ang gumagawa ng eksena?! Gayong ito ang ayaw siyang ibaba?

Siya ang nahiya nang mapansin ang dalawang matandang nakatingin sa kanila. Intense disapproval were on their faces.

Fuck.

"Ibaba mo na ako pwede? I swear I won't climb the shelf anymore." She said through gritted teeth.

Mabilis niyang inayos ang sarili nang ibaba nito. Pero bago siya tumalikod, isang nakamamatay na irap muna ang iginawad niya dito na sinuklian lang nito ng isang nakakalokong ngiti.

Comrades in Action: River Nuniez Book 8Where stories live. Discover now