Kabanata 43.0: Heaven Vs. Hell

Magsimula sa umpisa
                                    

"Cheesy, Ngo, mauna na kayo sa science laboratory. Ako na lang ang kukuha ng listahan sa locker ko," utas ko sa kanilang dalawa. Agad naman silang naglakad pabalik habang nakatungo sa kani-kaniyang cellphone. Clash of clans. Ang luma ng nilalaro nila! 'Di ba nila alam na uso ngayon ang SPACE IMPACT? Ang saya kaya nu'n, tatadtarin mo 'yung mga kalaban ng bala. Tapos kapag marami ka ng na-tsugi na kalaban, magkakaroon ka ng maraming life power para pang depensa mo sa darating na monster sa dulo ng game.

"How dare him to hurt Heaven? She deserves that card."

"Yeah, you're right. She's really dead now."

Habang naglalakad ako papuntang locker room ay paulit-ulit lang ang mga salitang naririnig ko. Heaven, She's dead at Card. Hindi ako sigurado pero parang ako ang pinapatungkulan nila.

Nang makarating ako sa locker room ay bigla akong nakaramdam ng sandamukal na pagtataka nang sumalubong sa paningin ko ang mga estudyanteng naka-kumpol sa may locker ko. At nang makita nila ako ay agad nilang hinawi ang dadaanan ko.

Nagtataka ko silang tinignan. Bulong sila ng bulong habang wirdo akong pinagmamasdan. Hindi ko na sila pinansin at agad na akong lumapit sa locker ko.

5F's DETH NOTE.

"Five Finger's Death Note," pagbasa ko sa mga kataga na pulidong nakasulat sa kulay pink na parihabang papel na nakadikit sa locker ko. "Parang gagu lang," sabi ko. Ano 'to? Korean drama? Letche! Halata rin namang gawa-gawa lang 'yung note kasi may typographical error 'yung word na 'death'. Dapat kasi, "DEATH NOTE." Tuloy, nilagyan 'yun ng correction. Mga college hindi pa rin marunong mag-spelling! Patawag ko mga teachers nila sa highscool e para balikan nila 'yung subject sa English na puro spelling.

Pero on the serious note, napangiti ako ng mapait. Inaasahan ko nang mangyayari 'to. Natural lang na magalit ang mga kaibigan ni Heaven sa akin kaya sige, tatanggapin ko ang death note na 'to kahit may typographical error!

Agad kong kinuha ang note at agad na binasa ang laman,

"Open your locker," pagbasa ko sa nakasulat. Ipinikit ko ang mga mata ko habang dahan-dahang binubuksan ang locker.

At nang tuluyan ko itong mabuksan ay agad na dumampi sa buong katawan ko ang sandamukal na pulang pintura na nanggagaling sa itaas.

Naranig ko ang pagsinghap ng mga kapwa ko estudyante sa paligid at makalipas ang ilang sandali ay bigla na lang akong nakaramdam ng malakas na pagtama ng isang matigas na bagay sa ulo ko.

Biglang umikot ang mundo ko, lumabo ang paningin at ang mga sumunod na nangyari ay 'di ko na namalayan pa.

* * *

HEAVEN

"She deserves it," ani Kie.

"Are you sure dre? How about hurting her? Kei? Is this too much?" Darryle.

"Don't worry dre, walang namamatay sa red paint. Unless, iinumin niya 'yun," bulong ni Kei.

I was just sitting here next to Dre and Kei. My professor in Accouting is murmuring a lot of things at inaantok talaga alo habang nakikinig sa kanya. Sa whiteboard kasi siya nakaharap at hindi sa amin. Mabuti pang matulog na lang at baka malimutan ko pa ang sakit na nararamdaman ko sa puso ko ngayon.

"HA? SI FEAR? ANONG NANGYARI KAY FEAR?" Biglang napunta ang atensyon ng mga kaklase ko sa tomboy na kaibigan ni Choco Girl. Agad akong napabangon nang marinig ko siyang sumigaw. Kinabahan ako bigla.

When a Gay Fell in Love with a Girl (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon