CHAPTER TWENTY SEVEN: 6TH TARGET

Beginne am Anfang
                                    

Teka nga po para saan po ba to? Bakit kailangan kasama si calvin? Puwede po bang ipaliwanag niyo sakin?. Tanong ko

Natagpuang patay si violet isa sa mga kaklase ninyo kaninang madaling araw lamang at nag sasagawa kami ng tahimik na imbestigation tungkol sa nangyari napag alaman kasi naming isa sa inyong mag kakaklase ang suspect". Pag papaliwanag ni detective morgan

Ano naman pong kinalaman doon ng mga magulang ko?. Tanong ko

So sinasabi mong mga magulang mo ito?. Tanong ng principal at itinaas ang picture nina mama at papa

Opo!. Maikli kong sagot

So kapatid mo din si ayla jimenez? Bakit hindi mo sinabi saamin na kapatid mo pala siya? Bakit mo iyon tinago?. Sunod sunod na tanong ng principal

Hindi ko na po kailangan pang sabihin yon dahil personal information ko na po iyon dahil narin po sa karumal dumal na pag kamatay nila sana po ay naiintindihan niyo ko gusto ko lang po mag aral ng wala masyadong nag tatanong sa'kin about sa nangyari sa pamilya ko". Pag papaliwanag ko

Narinig mo naba ang black organisation sa pamilya mo?. Tanong ni detective morgan na ikinagulat ko pero hindi ako nag pahalata

Black organisation? Hindi papo noon pa man ay wala na po akong alam sa mga business ng mga magulang ko dahil nga po may sakit ako". Sabi ko at tumingin sakanila

Paano mong nasabing mga magulang mo ang tinutukoy ko kong wala naman akong binanggit na subject ang tinanong ko lang sayo kong narinig mo na ang black organisation?. Tanong naman ni detective morgan napalunok naman ako sa sinabi niya

Hindi po ba ang mga magulang ko ang pinag uusapan natin dito? Kaya po inakala kong para sakanila yong tanong niyo". Pag papalusot ko

Pero yong tanong ko po hindi  niyo papo sinasagot anong kinalaman ng pag kamatay ng mga magulang ko at sa pag kamatay ng iba? Ano po yong black organisation na yon?. Sunod sunod kong tanong

Iniisip kasi namin na baka may grupo sa klase ninyo na miyembro ng black organisation at sila ang pumapatay ng mga kaklase mo at sa magulang mo". Pag papaliwanag ng principal

Ibig niyo pong sabihin ang black organisation ang nasa likod ng lahat ng nangyayaring patayan?. Tanong ko upang malinawan ako

Ganon na nga pero kunklosyon palang naman namin iyon". Sabi naman ni detective morgan

Natigil ang usapan namin ng may biglang kumalabog sa labas at may nakita akong naka silip sa nakaukang pintuan hindi ko pala nasara ng mabuti yon

Teka sinong nanjan!. Sigaw naman ni detective morgan at dali daling lumabas sumunod din ako para makita kong sino yon pero wala na kaming nakita sa hallway na tao

Sige na tapos na tong usapan nato maari ka ng umalis ms. Jimenez". Natatarantang sabi ng principal kaya naman umalis nako at nag madali akong pumunta sa girls room dalawang classroom ang pagitan nito mula sa guidance office

Pag pasok ko don ay nakita ko si Audrey na nag huhugas ng kamay at mukhang natataranta siya dahil sa pag hinga niya ay halata sakaniya na tumakbo siya

Lumapit ako sakaniya at nag hugas ng kamay

Ikaw yon hindi ba". Panimula ko natigilan naman siya

A-ano b-bang s-sinasabi mo?. Utal utal niyang sabi

Yong galing sa guidance office ikaw yon sigurado ako kitang kita ko ang mga mata mo narinig mo ang lahat hindi ba?. Tanong ko at nag pag pag ng kamay

W- wala a-akong narinig!. Pag tanggi niya

Bigla namang pumasok si albert sa loob ng ladies room at nilock ang pinto

Teka sinasabi ko ang totoo wala akong narinig". Sabi niya

Anong ginagawa mo don? At ano ano ang mga narinig mo?. Tanong ko

W-wala!. Natatakot niyang sabi

I-ikaw ba ang pumapatay sa kanila? Narinig ko lang yong black organisation kaya napasilip ako". Sabi niya

Ibig sabihin narinig mo nga ang tungkol sa mga magulang ko at tungkol kay ayla". Sabi ko at nag punas ng kamay

Huwag kang mag alala hindi ko sasabihin kahit kanino". Nag mamakaawa niyang sabi

Pasensya na pero hindi ako nag titiwala kahit kanino". Sabi ko at ininjectionan siya ng anesthesia dahilan para bumagsak siya sa sahig

Ikaw na ang bahala jan doon ka lumabas sa likod dahil nanjan si detective morgan mag iingat ka sakaniya". Paalala ko kay albert

Pinadala ko kasi si albert dito upang manmanan si audrey para madali nalang ang pag kidnap namin sakaniya hindi ko naman inaasahan na siya na pala ang lalapit samin

Pero ang malaking tanong parin bakit ganon nalamang ang takot ni calvin hindi kaya pinakita ni detective sakaniya ang itsura ng mga magulang ko? Una nakong lumabas at naka salubong ko si detective morgan

Oh! Eli hindi ka pa pala nakakapasok?. Tanong nito

Opo nag cr po muna ako ahmm detective may tanong po ako yong tinanong niyo po ba sakin ay tinanong niyo rin kay calvin?. Tanong ko sakaniya nag taka naman siya sa tanong ko

Oo bakit?. Tanong niya

Hindi kaya may kinalaman si calvin sa nangyari sa mga magulang ko? Kasi kong wala bakit ganon yong reaksyon niya? Hindi ko na sinagot si detective morgan at dali dali nakong tumakbo papunta sa room

Sino ba talaga ang pumatay sa mga magulang ko ? At kay ayla ano ba talagang totoong nangyari? May alam ba si calvin?

12 MIDNIGHT |COMPLETED|Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt