CHAPTER 30: FOLLOW

Zacznij od początku
                                    

"Bukas naman ulit yung iba. Saka baka ubuhin kayo kapag sobrang dami niyong kinain." Sabi niya nang lagyan niya ng ice cream ang platito ni Landon at mukhang nakontian ito sa takal ni mama.

Hindi na lang sila umimik at nag-enjoy na lang sa ice cream nila. "What a messy eater!" Sabi ko nang makita ko na puro ice cream ang paligid ng labi nila.

Kumuha ako ng tissue at pinunasan ko agad sila para hindi na kumalat pa sa damit nilang pantulog. Matapos nilang kumain ng ice cream ay umakyat na rin kami. Nagpalit ako ng damit saka ko sila tinabihan sa higaan.

Hindi pa sila natutulog. Naglilikot pa sila at may bago na naman silang trip sa buhay. Mag tig-isa silang unan na tatlo at ang mga paa nila ay nasa loob ng punda.

"Swim! Swim! Swim!" Masayang sabi ni Lanaia at doon ko napagtanto ang ginagawa nila.

Their acting like a mermaid. Pati si Landon at Lancelot ay kumikiwal ang katawan para magmukhang lumalangoy na sirena sa ibabaw ng kama namin. Hindi ko mapigilan na hindi matawa. Kaya nang makarating ako sa kama namin ay kiniliti ko silang tatlo.

"You all want to be a mermaid huh?!"

Tawa naman sila ng tawa sa akin. "Patayin ang shokoy!" Sigaw ni Lancelot at saka ako tinuro. Sasawayin ko sana siya pero huli na dahil kinuyog na nila akong tatlo.

"Ahhh!" Angil ko nang daganan nila akong tatlo.

"Parurusahan ka namin! Isa kang shokoy!" Dagdag ni Lanaia. Kaya ayokong nanunuod ang mga bata na 'to ng kung anu-ano eh!

Nang mapagod ako na makipaglaro sa kanila ay hinayaan ko na lang silang maglaro para mapagod at nang makatulog na. Kinuha ko ang cellphone ko sa malapit para sana maglaro pero bumungad sa akin ang text ni Cassandra.

Address ang tinext niya at may nakalagay pa na roon daw ngayon nakatira si Quebec. Sinabi rin niya na nasa akin na ang desisyon kung gusto ko siyang puntahan para subukang pigilan ang pag-alis niya at para na rin sa mga bata.

***

Matagal akong natulala bago ko tuluyang paandarin ang sasakyan ko para pumasok na sa trabaho. Pinag-iisapan ko kasi mabuti kung pupuntahan ko ba si Quebec pero ano naman ang talagang pakay ko kung sakali? Alangan namang pigilan ko siyang umalis papunta ng ibang bansa, gayong hindi naman kami okay na dalawa.

Binilisan ko na lang ang pagmamaneho sa kotse ko para makarating na ako sa restaurant pero iniliko ko rin ito papunta sa direksyon kung saan matatagpuan ang apartment ni Quebec.

Para sa mga bata.

Napailing na lang ako. Kay tagal-tagal ko pang nag-isip bago ako umalis pero heto rin pala ako, nagmamaneho papunta sa kanya.

Bahala na kung ano ang mangyari.

Buti na lang ay medyo familiar ako sa lugar na papunta sa apartment niya kaya hindi ako naligaw. Ilang beses na rin kasi akong nagawi rito nuong college pa ako. May barkada kasi ako na rito nakatira noon. Nang medyo hindi na ako familiar ay pinagtanong ko ang address na binigay ni Cassandra kagabi.

"Boy, alam mo ba kung saan 'tong Santos Apartment? Kulay green ang gate tapos may limang unit ng apartment?" Tanong ko sa binatilyong nadaanan ko.

Tumango naman siya. "Oo kuya. Ayon oh!" Sabay turo sa green na gate na tanaw na mula rito.

"Sige. Salamat." Sumaludo naman ito sa akin.

Pinaandar ko na ulit ang sasakyan ko patungo sa tinuro ng binata. Ang green na gate ay hindi ganon kalaki kaya medyo natanaw ko ang loob. Nakita ko roon ang sasakyan ni Quebec nung nahuli ko siya malapit sa bahay namin.

I'm Just A Babysitter (COMPLETED)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz