CHAPTER 29: EXPLAIN

Começar do início
                                    

"A-Ano?!" Hindi makapaniwala kong sabi.

Tumango si Cassandra. "Hindi ako gumagawa ng kwento Xenon. Wala silang nagawa kung hindi ang sumunod dahil wala naman silang choice. Pati ang kakambal ni Quebec na si Qeena at Queenie ay pumirma rin. Isang buong pamilya sila na naging drug pusher."

Hindi na ako nakakibo pa sa sinabi ni Cassandra. Hindi ko kayang tanggapin ang nangyari sa pamilya ni Quebec.

"Natanggal si Quebec sa pagtuturo dahil nakarating sa principal ang tungkol sa bagay na 'yon kaya naging secretary si Quebec sa isang kompanya. Habang ginagawa niya 'yon, sa gabi naman ay ginagawa nila ang trabaho nila na nasa kontrata."

"Ang magtulak ng droga?" Halos pabulong kong sabi.

Tumango ulit si Cassandra. "Ganon ang gawain nila. Hanggang sa nabuntis mo si Quebec. Birthday ko non, halos lahat tayo ay lasing. Wala na akong matandaan nung sobrang lasing na ako. Nung umaga ginising lang ako nila Quebec na uuwi na sila dahil late na sila sa mga trabaho nila. Wala siyang sinabi na may nangyari sa inyo nung gabi na 'yon!"

"Umamin lang siya sa akin, kay Qeena at kay Queenie nung nalaman niya na buntis siya. Sinabi niya sa amin na may nangyari sa inyo nung nagkakasiyahan sa baba. Umakyat daw kayo hanggang sa pumunta kayo sa kwarto na para sayo tapos hindi niyo raw napigilan ang init ng mga katawan niyo dahil pareho kayong lasing."

Inalala ko ang gabi na 'yon. Yung birthday ni Cassandra na isa sa mga hindi ko malilimutan dahil isa sa mga kaibigan niya ang nagalaw ko. Na si Quebec pala talaga.

"Hindi niya alam ang gagawin non. Dahil malaki ang pagkakautang nila roon sa boss nila na nagbabagsak ng droga. Hindi niya alam kung paano niya bubuhayin ang bata. Pero pinigilan namin siya na ipalaglag ang bata. Kaya itinago siya ng mga kakambal niya sa condo unit ni Qeena nung malaki na talaga ang tiyan niya. Tatlong buwan pa lang ata yung tiyan niya non mukhang limang buwan na dahil sa triplets pala yung nasa loob."

Napahinto siya sa pagkukwento ng may tumawag sa akin. Sinenyasan ko si Cassandra na sandali lang at sinagot ko ang tawag ni mama.

"Dada where are you? Don't forget the ice cream." Landon said that makes me smile.

"Okay baby. May kausap lang si dada. Huwag kang mainip, okay?"

"Okay. Drive safe!" Hindi na ako nakapagpaalam pa rito dahil ibinaba na agad nito ang tawag.

Tumingin ako kay Cassandra at nakita ko na nakangiti siya habang nakatingin sa akin. "It's Landon. Kanina pa nila ako kinukulit sa ice cream."

"Ah kaya ka nandito para bumili ng ice cream? Kaya pala nakita kita roon sa lalagyanan ng mga ice cream." Natatawang sabi niya.

"Continue what you've started Cassandra." Udyok ko bago pa kami tuluyang mawala sa topic.

"Oh! Oo nga pala. Nung tinago na namin si Quebec sa condo ni Qeena, hindi na muna siya gumagawa ng ilegal non dahil buntis siya at baka mapahamak ang mga bata. Kaya madalas si Qeena at Queenie ang puspusan sa pag-aalok ng drugs. Nakakarating pa sila ng karatig bayan non para lang maraming benta."

"Magkano ba ang utang nung mga magulang ni Quebec?"

Nagkibit-balikat ito. "Hindi ko alam eksakto. Pero milyon ang naririnig ko lagi sa kanila."

"Milyon?!" Ulit ko pa.

"'Yon ang naririnig ko kapag nag-uusap silang tatlo noon. Ayaw na kasi nilang masyadong magkwento sa akin tungkol sa bagay na 'yon para raw hindi na ako madamay pa."

"Nung nagtago si Quebec sa condo, hanggang sa makapanganak siya nandoon siya sa condo?" Tanong ko.

"Oo. Hindi siya gaanong lumalabas sa condo noon. Hanggang sa umabot sa tatlong buwan ang mga bata, doon na kami nagdesisyon na apat na dalhin sayo ang mga bata."

I'm Just A Babysitter (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora