"Wait, Ma, Pa, Tae--este Ate. Gotta go now, I'll fetch my girlfriend,"

"Pakasalan mo na!"sigaw ko habang lumalakad palabas si Kisig. Tumawa lang ito at halatang nagmamadali.

"Ikaw anak,kailan ka magpapakasal?" tanong ni Papa. Naubo ako kaya inabutan ako ng tubig.

"Wala nga akong boyfriend eh,"natatawang sabi ko.

"Dami mong manliligaw eh, pihikan ka masyado anak. Baka mamaya tumanda kang dalaga nyan."alalang sabi ni Papa.

"Hmm..Hindi naman ako basta sasagot lang sa lalaki Pa. Lalo't walang kasiguraduhan..Baka mamaya, saktan.. Anyway! Punta muna ako sa room ko ah! Ganda ng bahay!"

Dali-dali akong pumunta sa room ko. Kanina nilagay ko na ang gamit dito. Nag-vibrate ang cp ko kayat binuksan ko. Only to find Amanda's message.

Amaganda:
Punta ka ah! Missed you!

Amaganda:

Pag di pumunta,sabunot!

Amaganda:

Pag di pumunta.. Alam na!

Napangiwi ako. Baliw.

Shut Up:

Punta ka mamaya. Papatayin ako ni Amanda.

Shut up:

Pag di ka pumunta, mumultuhin kita.

Putsa! Baliw talaga!

Yelo:

Yo! I miss you, I love y---

Yelo:

Oops! May Magagalit

Napairap ako.  Ganun parin sya. Sita ulo parin

Kin:

Pumunta ka ha? Baka mawalan na ako ng buhok eh. I miss you Mayumi. We all miss you! See you, later :)

Napangiti nalang ako. I missed them so much. Sige,pupunta ako.

I wake up around 9 Am. Namili na ako ng susuotin. I'm wearing flowy floral dress partnered with stilletos. I curled my entire hair like Moana. Brown version nga lang.

"Wow, ganda ah? Pinaghandaan?" natatawang sabi ni Kisig. Napairap nalang ako.

"Dito ka natulog?"takang tanong ko. Alam ko kasi may condo sya and kasama nya si Lily don."Oh, si Lily? Paano sya?"

"Umuwi muna sya sa kanila. At wag mo kong tingnan ng ganyan. Di kami nag-away. Talagang gusto nya lang mag spend ng time with her family."

Natawa pa sya habang nakatingij sa cellphone. Abnormal. Pumunta nalang ako sa breakfast table and kumain ng toasted bread na nilagyan ko ng nutella. Yummy!

"Goodbye everyone!"sigaw ko saka umalis. Sabi ni Kisig umalis sila Mama at Papa para mag-grocery. Everyone kasi may helper din duh.


Agad kong inistart ang sasakyan. Yes I owned a car. I drove an hour. And finally nakarating na sa destination. Our school.

Bring back memories. Dami kong naalalang nakakahiyang moments dito. Lalo na dito sa hallway. I walked and finally I reach our classroom. Huminga ako ng malamim bago pumasok. There I saw some people na pamilyar sakin.

"What the? Ikaw na yan Yum's?"gulat na tanong ng machong lalaki. Pinaningkitan ko sya ng mata. Who's this guy?

"Oh, gumanda lang nakalimutan na ang classmate! Iba na talaga pag famous sa facebook!" bigla akong natawa sa sinabi nya.

"Sira! Aldous right? Wow! Look at you! Aldous na Aldous nga!"biro ko. Tinawanan nya lang ako at tumingin sa babaeng nasa gilid nya. Gulat along napatingin ng hinila nya ito sa bewang. Nanlaki ang mata ko ng mamukhaan ang babae. Medyo tumaba sya pero kilalalang kilala ko yang kilay na yan!

"Angela! Omy gosh! Naging kayo?"

"Obviously."irap nyang sabi sabay tingin kay Aldous. Napangiti naman ako. "Wow, dati nagsisigawan pa kayo noh?"

"Luh! Pinaalala pa!" natatawang sabi ni Angela. Napanguso naman si Aldous. Nag-hi narin ako sa iba pang classmate ko. 

"Mayumi!"paglingon ko agad akong niyakap ni Amanda. Nakita ko naman si Kin na nakasunod sa kanya.

"I missed you bruha!"yakap nya.

"I missed you too!"

"Hello Mayumi," ngiting sabi ni Kin. Grabe hindi nagbago ang hitsura. Gwapo parin.

"Oh, kamusta? Grabe ka. Di kamanlang umattend sa kasal namin,"nakangusong sabi ni Amanda habang nakaupo kami sa monoblock. Hindi pa kasi dumadating ang iba so umupo muna kami.

"Sorry,"

"Pero pumunta ka nalang sa binyag ni Kinny okay?"

"Bat di nyo kasama anak nyo?!"inis kong sabi. Natawa naman si Kin. "Pinabantayan muna namin kila Mama,"

"So, Kin. Piloto ka na pala. Next flight ko kasama kita eh,"

"Yeah, si Gelo din."ngiting aniya. Si Amanda naging teacher. Nurse talaga dapat sya kaso sabi nya, ayaw nya na.  Si Gelo naman cabin crew. Si Shataff naman naging vet. Galing no? May soft spot pala sya para sa mga hayop?


"Oh, speaking of.. Hello, Lovebirds!"sigaw ni Amanda saka napatayo. Tumayo rin si Kin at ngumiti. Napalingon nman ako.




"Gelo!"sigaw ko.


"What's up madlang people!"sigaw nya't kumaway pa na parang mayor sa lahat.

"Sup bro," bati ni Kin. Nakita ko namang lumabas sa likod ni Gelo si Shataff nang makalapit samin.


"Hello Cap, oh Mayumi! Buhay ka pa pala?"

Agad ko syang hinampas. Nadagdagan pa ang sakit nya ng siniko sya ni Shataff. Tumingin si Shataff sakin saka ako nilapitan para yakapin.


"Long time no see, how are you?"

"I'm doing good.."kumalas na ako sa yakap saka ngumiti. "Magsisimula na rin work ko dito makakasama ko yang gago.."


"Gago?"walang reaction. Napalunok ako.


"S-si Kin.. yung gago,"

"What?!"napalingon ako kay Amanda na nakapamewang na. Oh my gosh!


---

:

Ang Poste at Ang DuwendeWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu