Nginitian ako ni Cassandra. "Ako rin. Paborito ko yung ginataang laing niya na maanghang." Sabi ni Cassandra.

Napangiti ako. Sa tuwing pumupunta dati si Cassandra sa amin, hindi nawawala ang ginataang laing na specialty ni mommy dahil sa request 'yon lagi ni Cassandra. "Paano ko makakalimutan na paborito mo 'yon? Lagi kayong nag-aaway ni Qeena kasi sa tuwing ginataang laing ang ulam, alam niya na pupunta ka." Si Qeena kasi hindi kumakain ng laing. Nangangati kasi lagi yung bibig niya kapag kumakain siya non kaya ayaw niya ng laing.

Nagtawanan kaming dalawa. "Dalawin natin mamaya sila Qeena bago kita tuluyang ihatid sa apartment mo. Gusto mo?" Suggestion niya.

Mamaya rin kasi ay tutuloy na ako sa apartment na pinareserve ni Cassandra para sa akin. Dahil nabenta na nga ang bahay namin ay wala akong choice kung hindi ang tumira sa apartment.

"Gusto ko 'yan. Ang tagal ko na rin silang hindi nabisita." Sagot ko naman.

Matapos naming kumain ni Cassandra ay umakyat kami sa taas para magpahinga. Nung una nag-usap pa kami ng kung anu-ano para magpababa ng kinain pero nang hindi na namin makayanan ay nakatulog na kami sa kama niya. Nagising kami nung magtatanghalian na kaya pagbaba namin ay kumain na naman kami.

Pagkatapos naming managhalian ay hindi na rin kami nagtagal sa bahay nila at umalis na kami. Ginamit ko na ang sasakyan ni daddy na nandito sa kanila at inilagay ko na rin dito ang mga gamit ko na nasa kotse kanina ni Cassandra. Magkasunod kaming nagpunta sa sementeryo pagkatapos naming dumaan sa isang flowershop.

"Violet for Queenie and green bouquet for Qeena." Sabi ni Cassandra habang inilalagay ang dalawang bouquet ng bulaklak sa tapat ng mga lapida ng mga kakambal ko.

"For daddy, white flowers is enough." Sabi ko saka ko inilagay ang nakapaso na bulalak sa tapat din ng lapida niya.

Nagsindi rin kami ng kandila ni Cassandra para makompleto ang pagdalaw namin. Dito kami tumambay sa libingan nila hanggang sa malapit na maggabi. Doon kami nagpasyang dalawa na umalis na para makapunta na kami sa apartment na tutuluyan ko.

"Doon ako matutulog ngayong gabi para may kasama ka." Sabi ni Cassandra habang naglalakad kami papunta sa mga kotse namin.

"Ikaw bahala." Sabi ko saka sumakay na kami sa mga kotse namin.

Magkasunod na naman kami habang papunta sa apartment ko. Nasa unahan siya dahil hindi ko alam kung saan 'yon eksakto kaya sinusundan ko lang siya. Pagkarating namin sa uupahan ko ay natuwa ako dahil may parking space sa harap ng apartment at may gate pa. 'Yon nga lang hindi lang isang apartment ang nandito. Sakop ng isang gate ang limang apartment. Hindi ko alam kung may nakatira sa apat na apartment dahil yung dalawa ay may ilaw sa loob habang ang tatlo ay wala kabilang yung unit na titirhan ko.

Dahil wala namang sasakyan sa parking lot ay pinasok na naming dalawa ni Cassandra ang sasakyan namin. Halos sabay kaming bumaba sa sasakyan at tinulungan niya ako na ilabas ang mga gamit ko sa sasakyan. Nang maibaba na namin ang mga gamit ko sa sasakyan ay nagpunta na kami sa tapat ng pinto ng apartment at binuksan niya ito. Nasa kanya na kasi ang susi simula nung pinareserve niya itong nasa dulong unit.

"Mababait naman ang kapitbahay mo, 'yon ang sabi sa akin nung landlady nung pinareserve ko 'to. Hindi rin masyadong mahigpit dito."

Tumango ako at sabay kaming pumasok sa loob ng munting apartment. Agad kong inilibot ang paningin ko sa maliit na apartment. Maliit nga ito pero tama lang para sa akin. Ako rin kasi mismo ang nagsabi kay Cassandra na maliit lang ang kunin para sa akin dahil mag-isa lang naman ako at saka tinitipid ko ang budget ko.

"Magkakabukod naman kayo ng kuryente ng mga kapitbahay mo rito kaya yung babayaran mong kuryente ay yung nagamit mo lang talaga. Ganon din sa tubig. Kayo na lang mag-usap nung landlady kung sino ang magbabayad ng kuryente at tubig. Sabi niya kasi pwede naman daw iabot sa kanya ang pambayad at isasabay niya kapag magbabayad siya. Pwede naman ikaw na lang mismo ang magbayad." Paliwanag sa akin ni Cassandra.

I'm Just A Babysitter (COMPLETED)Where stories live. Discover now