Chapter 8: new school new enemies

1 1 0
                                    

Jaki

Tahimik na naman kaming kumakain, nang kalabitin ako ni Hoop. TF can't a person enjoy its meal in peace!!

"Jaki samahan moko, bibili lang ako nang dessert ulit," sabi niya habang may subo-subo na kutsara sa kanyang bibig.

"Ikaw nalang may kamay at paa ka naman," sabi ko tsaka sumubo nang desert.

"*pout* sige na puhhhleaaassseeeeeee........ With strawberries, cherries and sprinkles on top," sabi ni Hoop with puppy eyes pa, well damn hindi ko kaya na labanan yung puppy doll eyes niya kuno masyadong........masyadong........
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
masyadong nakakadiri tingnan, hindi ba lalabas yang eye balls niya sa eye socket niya. Sheeesshhhhh gross.

"Fine, tumigil kana, nalulula ako habang nakatingin sayo," sabi ko habang parang diring-diri Pero syempre hindi masyadong halata Kasi disgusted face cold style tong akin eh.

"Hindi ka ba naku-kyutan sa akin Jaki," sabi niya habang ngumunguso. Binigyan ko lamang siya nang do-I-have-to-answer-that look na syempre style ko. Tapos binigyan niya ako nang yes-you-have-to-answer-that look. Bumuntong-hininga nalang ako. Kulit

"You don't look kyut at all, in fact you look like you've been poisoned and is about to die," tuloy-tuloy Kong sabi, mas Humaba naman ang nguso niya.

"Ihhhhhhhhh, ito naman lika na nga, eto naman nagpapa-keot lang ihh," nagdadabog niyang sabi habang hinihila ako papunta sa counter. Hinayaan ko na lang siya, hindi naman yan galit, sa totoo lang hindi pa yan nagagalit (except kapag may nangingialam sa mga gamit niya, specifically sa mga pagkain niya). Lilipas din yang kunyari niyang pagtatampo kapag nakakain na yan.

Pagdating namin sa counter ay parang gusto ko nalang bumalik sa table namin kasi marami-rami narin ang nakalinya.

"Bumalik na tayo sa table, masyadong mahaba ang pila, tsaka may dessert ka naman dun sa table" sabi ko habang hinihila pabalik sakin ang kamay ko na hawak niya parin hangang ngayon, imbis na bitiwan ay lalo niya lang akong hinila papunta sa linya.

"*pout* ehhh kasi iba Yun eh," sabi niya nang nakanguso at nakahawak parin saakin.

"How so," pagtatanong ko sa kanya.

"Ice cream Yun ehhh," sagot niya.

"Oh, ayaw mo nun," ako, habang nakataas ang isang kilay.

"Gusto.......kaso nakita ko yung schoolmate natin na bumili nang Black Sambo eh kaya gusto ko Rin bumili hehe," pag-eexplain niya. Hayyyyy, habang tumatagal ay parang mas nagiging isip bata si Hoop, and when I say isip bata, I mean makulit.

Tiningnan ko siya nang gaya-gaya-ka look, tapos tiningnan niya lang ako nang yes-proud-to-be-a-gaya-gaya look. Tshhhh

"Fine," sumuko nalang ako. My patience has its limits, at kapag lumagpas na siya sa limit ay baka hindi ko matiantya itong si Hoop at itapon koto sa Pluto. Pero char lang baka patayin ako nila tito Herald at tita Selim.

Habang naghihintay sa aming torno sa counter ay tumingin muna ako kila Kes. Bahagya akong nagtaka kasi may tatlong babae ang lumapit sa table namin. Parang nag-uusap sila but I can't quite make out what their saying. Nagsimula silang gumalaw, at bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung paano sila sinabunutan at kinaladkad nang tatlong babae patunggong gitna nang cafeteria habang hawak-hawak parin ang mga buhok nila. I can clearly see from here that their in deep pain.

  Felouty Academy: The Angel's Battle [On-going]Where stories live. Discover now