Chapter 6: S5

1 1 0
                                    

Jaki

"Ang childish talaga, hindi ko Alam kung paano kami naging magkaibigan," umiiling niyang sabi. Ako Rin eh nagtataka kung paano, pero hindi kita masasagot dahil ngayon ko lang kayo nakilala.

Tahimik nalang kami na naglakad ni Kes habang ang dalawang babaeng si Hoop at snow ay kumakanta at sumasayaw parin sa unahan namin habang patungo kami sa cafeteria. Pinagtitinginan na kami nang mga estudyante sa paligid namin Pero parang walang pakealam ang dalawang babaita, si Kes naman ay tinitingnan lang nang masama ang mga mapanghusgang mata nang mga estudyante na nadadaanan namin.

Ako naman ay nakatingin lang sa unahan iniisip kung may ikakasama pa ba ang araw na to. Una yung palda na nagmumukang panty, pangalawa yung kurimaw na gago na gunggong na lalaki na katabi ko kanina. Ang gago talaga, Sana mamatay kana.............amen.

Pagdating namin sa cafeteria ay lahat ng mata ay nasa amin. And as usual may nagbubulung bulongan na naman. Binulong pa nila eh ang lakas naman nang mga boses nila, halerrrr nandito ang pinagchichismisan niyo ang kakapal naman nang mga fucking face niyo. Ako na nahihiya para sa inyo. But then again makapal nga ang mukha nila diba kaya natural na hindi sila mahihiya.

Naghanap kami nang table at nakakita naman kami agad, malapit nga lang sa pinto Pero okey lang atleast may mauupuan. Actually dalawa yung table na bakante Pero wag daw kami umupo don sa ikalawang table dahil  may nagmamay-ari na don, yon ang sabi nila Pero hindi kami naniwala ni Hoop dahil syempre school cafeteria to ibig sabihin para sa lahat, eh how come may nagmamay-ari na nong table. Pero desidido talaga silang hindi kami doon paupuin kaya sumunod nalang kami sa kanila para makakain na kami.

Pinauna na namin sila dahil nagprisinta si Hoop na kami na daw ang o-order, okey na sana eh kung hindi niya lang Sana ako dinamay pa. Kaya naglalakad na kami ngayon papuntang counter.

Mabuti nalang hindi masyadong mahaba yung pila kaya hindi kami masyadong matatagalan. Nung kami na yung oorder bahagya akong nagulat kasi ang dami nang inorder ni Hoop. Aba kahit matakaw yan alam Kong hindi niya yan kaya, baka libre niya ang lunch namin haha.

ಠ ͜ʖ ಠ

Teka, akala ko kagaya to nang mga eskwelahan sa pelikula kung saan libre ang pagkain sa cafeteria, tsaka ang mahal kaya nang bayad so I assumed na libre lahat nang pagkain dito. Ang duga ahh.

Hindi nakapagtatakang gumastos nang malaki ang Isang taong mayaman tama ba. Pero is Hoop ay isang klase nang babae na self-willed, sobrang kuripot ni Hoop kaya nakakapanibago lang, Pero okey na din to atleast hindi naako gagastos. Hehe nanita pa ako Kay Hoop sa kuripot pero mas kuripot naman ako haha. Wag kayo suntukin ko kayu dyan.

ಠ‿ಠ

Pabalik na kami sa table nang mapansin namin na may Isa pang babae ang nakaupo sa table namin. She kinda look like Snow, ito ata yung sinasabi ni Snow na kapatid niya, ang kaibahan lang nila ni Snow ay nakasalamin ang kapatid niya, Pero bukod Don ay magkamukha talaga sila. Magkakambal ata.

Pagkaupo na pagkaupo namin ay ipinakilala kaagad ni Kes ang kapatid ni Snow, busy si Snow sa pagkain nang lollipop na sinaluhan pa ni Hoop.

"Jaki, Sam, this is Anabel Icy Collins, kambal ni Snow, Icy this is Jaki and Sam our new friends," may maliit na ngiti na sabi ni Kes.

"Hi just call me Icy, pasensya na pala kung wala ako kanina ah, pinatawag kasi lahat nang president ng class," nahihiyang sabi niya habang naglalahad nang kamay. Nakipagshakehands naman kami sa kanya. Si Hoop ay ngumiti habang ako ay tumango lang sa kanya, mukhang natakot naman siya sakin dahil hindi ako ngumiti sa kanya.

  Felouty Academy: The Angel's Battle [On-going]Where stories live. Discover now