Naramdaman kong bumilis at lumakas ang bawat suntok at sipa nito. Lihim akong napangiti. Good. She's learning.

Lumayo ako at tumigil sa pag-atake. "Good. You're improving."

Ngumitk ito. "Gee! Thanks! You're a great professor!"

Sinimangutan ko ito pero tinawanan lang ako.

Ganon din ang pagtetraining na ginawa ko sa dalawa. Madali lang silang turuan. They can cope up easily.

"You're good at fighting. Where did you learn that?" Tanong ni Serene habang nagpapahinga kami.

"Oh. That? Someone trained me." Pagsisinungaling ko. Walang nagsanay sakin. I trained myself.

Hindi ko alam pero ng mga panahong nagsasanay ako, parang may sariling isip ang katawan ko at ginagawa nito ang dapat na gawin. I trained everyday. Everyday I learned something new. I became like this because of myself. And of course with the help of Val.

Tumayo na ako at sinenyasan ang tatlo na sumunod.

"Let's continue the training." Ani ko na ikinatango nila.

"Attack me simultaneously." Ani ko. Nakikita ko ang pag-angal ni Lia kaya nagsalita ulit ako. "Ahm.. This will serve as my training too."

"Training? Kakalabanin mo kaming tatlo?" Paninigurado ni Serene.

Tumango ako.

Ashley smirked. "I won't go easy on you, little sis."

Ngumisi din ako. "Go on."

Una itong umatake. Sinuntok ako nito gamit ang kaliwang kamay pero nasangga ko ito.

Sumugod na din ang dalawa. Serene kicked me and Lia gave me an upper cut, pero pare-parehas kong nasangga ang mga ito. Sabay sabay ulit ang pag-atake ng mga ito at wala akong ibang ginawa kundi ang i-block ang mga atake nila.

May lakas at pwersa ang mga atake nila at mabibilis na din ang mga kilos ng mga ito.

They are also in full defense kaya hindi ako maka-atake.

When I saw an opening, I kick Lia on her stomach. Nagpa-atras atras ito. I punched Serene left shoulder and kicked Ashley on her side. At dahil nakabawi na si Lia sa pagsipa ko, inatake ulit ako nito pero nasangga ko ang atake nito. I gave her a roundhouse kick. Inatake na din ako ng dalawa. Ashley is a bit aggressive kaya nawawala ito sa focus. Tumalon ako at sinipa siya, at the same time I punched Serene's left shoulder.

Now the three of them are lying on the floor and groaning.

"Grabe! Napaka-brutal mo naman, baby girl!" Napatingin ako sa nagsalita.

It was Jace. Nanunuod pala saamin ang apat na lalaki.

Simula nang malaman nilang seventeen years old pa lang ako, madalas na akong tawagin na baby girl ni Jace at Nathan. While Kyler and Serene calls me bunso. Sa aming walo, ako ang pinakabata. Ashley is eighteen, Serene, Lia and Nathan are nineteen years old while Jace, Kyler and Trevor are on their twenties.

"Ikaw din gusto mo?" Seryosong sambit ko dito.

Itinaas naman nito ang dalawa niyang kamay. "Joke lang. Di ka naman mabiro."

"Okay, team. Let's take break. It's lunch time. Let's go to cafeteria." Said Kyler at nauna nang lumabas sa room. Sumunod naman ang tatlo kaya napasunod na din kaming mga babae.

Nakangiwi ang tatlo na para bang ang sakit sakit ng mga katawan nila.

"Grabe ka. May balak ka bang bugbugin ako?!" Reklamo ni Lia na nakahawak sa tiyan.

"Oo nga! Ang sakit ng mga suntok at sipa mo!" Segunda ni Ashley na nakahawak sa tagiliran.

"My attacks are in control. That's not even my strength." I said as a matter-of-fact.

"Really? Pano kung buong lakas mo pa ginamit mo? Edi tigok na kami?" Nakangiwing ani ni Serene.

Honestly speaking, pang malakasan na ang mga atake nila. Dahil kung normal na tao ka lang, titilapon kana sa mga suntok at sipa nila. Kaya hindi ko masasabing mahina ang mga ito. Their strength were beyond others.

Narating na namin ang cafeteria. Umupo kami sa usual table namin.

"Kami na oorder. Ano sa inyo?" Tanong ni Nathan.

Sinabi nina Lia ang sa kanila na agad namang tinandaan ng mga lalaki ang order nila.

"Ikaw baby girl?" Tanong ni Nathan.

I shrugged. "Anything. I'm not picky."

Tumango ito at nag-order na sila.

Di nagtagal ay dumating na din ang order nila. Trevor puts a rice in front of me and then lots of ulam.

Nagtatakang tumingin ako sa kanya. Andami namang ulam?

"Just pick anything you like." Ani nito saka naupo sa tabi ko.

"Napansin kasi namin na malakas kang kumain, bunso." Nakangising saad ni Kyler. "Pang heavy meal ang tiyan mo kaya di ka namin binili ng pang diet meal na kamukha ng sa mga ito." Itinuro nito sina Ashley.

Sinimangutan ko lang ito sa sinabi niya at sinumulan ng kumain.

Tama ang sinabi ni Kyler. Malakas talaga akong kumain.

Napatingin ako sa katabi ko ng lagyan nito ng ulam ang plato ko.

"Just eat." Masungit na sabi nito.

"Sungit." Bulong ko pero alam kong narinig ako nito dahil narinig ko ang pag-'tsk' nito.

***

© GabYuen

Beyond Mortals : Guardians [ON HOLD]Where stories live. Discover now