Muling napasandal si Jericho, at parang walang ganang umiling. Tila pinapakita nito sa dalaga na walang kuwenta ang sinasabi nito na siyang nakapagdadagdag ng inis ng dalaga.

"Hoy---"

"Sorry."

Napataas ang kilay ng dalaga. "Anong sorry?"

"Sorry kung palagi kitang binabara at sinusungitan noon."

Napakurap-kurap ang dalaga, tila hindi makapaniwala sa narinig. Kalaunan ay malakas itong napatawa, napahawak sa tiyan.

"Hindi ko alam na magso-sorry ka sa'kin para lang masolo si Shanny!" Nakatawa parin ang dalaga.

Napaismid ang binata. "Kung 'di lang rin sa kanya, hindi ako magso-sorry sa'yo. Akala mo nakalimutan ko na yung pambabara at pagtataray mo sa'kin ah?"

Kaagad na pinandilatan ng mata ni Rhea si Jericho. Tumayo ang dalaga at nilapitan ang binata para hampasin ito.

"Walang'ya ka talaga Jericho!"

Itinaas ni Jericho ang mga braso para isangga sa mga hampas ni Rhea.

"T-teka, biro lang naman."

"Anong biro lang?! 'Wag kang magbiro kung ako ang kausap mo! Hindi ako natutuwa sa mga ganyan!"

"She's right."

Napalingon ang dalawa sa may pintuan.

Napatayo si Rhea, nakapamaywang. "Anong ginagawa mo rito? 'Di ba dapat nagluluto ka?"

Napalingon ang dalawa kay Jericho nang marinig itong tumawa.

"Pfft, under ka pala brad, e. Masyado bang sadista 'tong girlfriend mo?"

Napangisi si Luhence. "Nagsalita ang hindi under."

*poink*

*bogshhh*

Nakatanggap ng batok at suntok si Jericho.

"Okay lang na sadista, basta hindi basagulera!"

d-.-b

Kakalabas palang ni Angela, ang sagutan na kaagad nina Jericho at Rhea ang nadatnan.

Napaiwas nang tingin si Rhea nang makita ang kaibigan sa may pinto, narinig ang sinabi niya kanina.

"Okay lang na basagulera, mahal ko, e." Nakangiti si Jericho nang sabihin iyon.

Napataas ang kilay ni Rhea. Tiningnan niya saglit si Angela at nakita ang ginawang pag-iwas ng tingin ng kaibigan sa kanya. Napahagikhik ang dalaga.

Napatingin si Jericho sa tinitingnan ni Rhea. Nakita niya roon si Angela kaya tumayo na ang binata.

"Tara na?"

*klak*

Napatigil sa paglalakad si Jericho palapit kay Angela nang bumukas ang pinto. Nakita nila roon ang seryosong mga mukha nina Kaizo, Jero, Franko, Brando, at Renzo.

Intense na napalunok ang binata.

"O bata, nandiyan ka pala."

Ngumiti ng pilit si Jericho. "T-tito."

Babarahin na sana ng mga ito ang sinabi ng binata nang makita ang pagsenyas ng dalaga.

Palihim na napailing ang mga lalaki bago hinarap ang binata.

"Boyfriend mo na ba 'to binibini?" Birong tanong ni Brando.

Hmalukipkip si Angela. "Oo."

"Sabi ko na nga b---Ano?!" Sabay na sumigaw ang mga lalaki, maliban kay Kaizo na napakunot-noo.

Emotionless PRINCESS [Volume 1]Where stories live. Discover now