KABANATA 85

40 3 0
                                    

KABANATA 85

[School Promenade]

Kasalukuyang inaayusan ni LV si Rhea. Nag-uusap-usap ang tatlo habang ginagawa iyon ng bakla.

"Shanny, bakit hindi ka pa nakabihis? Magbihis ka na. Malapit nang mag-6:30 p.m.."


Napatingin si Angela sa babae. Mataman niya itong tiningnan.

Flashback

Nang bumalik si Rhea sa loob ng boutique, tahimik na ang dalaga. Tila malalim rin ang iniisip nito.

Lumapit si Angela at tumabi sa babae. "Okay ka lang?" Tanong ng dalaga, nanatiling nakatingin sa mga damit.

Kita naman sa peripheral vision ni Angela ang pagtingin ni Rhea sa kanya.

Hindi sumagot ang dalaga, nanatili lang itong nakatingin kay Angela. Bumuntong-hininga ito kalaunan.

"Hindi ako okay." Mahina nitong sabi, nanatiling nakatingin kay Angela.

Malinaw na narinig ni Angela ang sinabi ni Rhea. Napalingon siya sa babae at nakitang malungkot ito. Nagpakita ito ng pekeng ngiti.

"Okay lang ako." Rhea gave a weak smile.

*****

*tok*  *tok*

"Rhea?" Tawag ni Angela, nanatiling nakatayo sa may pintuan ng kuwarto ni Rhea. Nagtaka ang dalaga nang mapansin na walang sumagot sa loob. Binuksan niya ang pinto at nakitang walang tao roon.

Napakunot-noo ang dalaga. Isinara nito ang pinto at nagpunta sa labas. Doon, nakita niya si Rhea. Nakaupo sa bench, nakasandal, at nakatingala sa magandang kalangitan na puno ng mga bituin.

Kahit nasa malayo, rinig ni Angela ang malalim na buntong-hininga ni Rhea.

Naglakad ang dalaga palapit kay Rhea at umupo sa tabi nito. Kahit hindi nakatingin, alam niyang umiiyak ito.

Kita sa peripheral vision ni Angela ang pagpahid ni Rhea sa sariling luha.

"Nag-away kayo ni Luhence?"

"Hindi."

Napalingon si Angela kay Rhea. Mataman niyang tiningnan ang dalaga.

"Masama ba akong kaibigan?"

Kaagad na napatingin si Rhea sa kaibigan. Umiiling-iling ito.

"H-hindi."

"Masama akong kaibigan." Sagot ni Angela sa sariling tanong. "Pasensiya---"

"I'm sorry." Singit ni Rhea. Humingi ng tawad ang dalaga, ganoon din ang mga mata nito.

End of flashback

Napatingin si Angela sa mga ngiti ni Rhea. Napabuntong-hininga at palihim na napailing si Angela nang mapansin na peke iyon.

"Mamaya na. "

"Ako nang bahala sa kanya." Singit ni LV, nakangisi.

"Tch!" Tanging nasabi ni Angela.

"O ayan, tapos na." Nakangiti si LV habang nakatingin kay Rhea. Tila confident ito sa kinalabasan ng ginawang pagmake-up sa dalaga. "Sino nga palang ka-date mo Ri?"

Emotionless PRINCESS [Volume 1]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن