KABANATA 72

51 6 13
                                    

KABANATA 72

"Pfft!"

Kunot ang noong napatingin si Jericho kay Rhea na kakarating palang, humahagikhik na.

"Anong nangyari sa inyo?" Tanong ng dalaga, nando'n pa rin ang mahinang pagtawa dahil sa nakita nitong mukha ng dalawa kanina.

"Hoy," Panimula ni Jericho at binaliwala ang tanong ni Rhea. "Anong ibig sabihin ng prego, ha?"

Nawala ang ngising kanina pa nakapaskil sa mukha ng dalaga at napalitan iyon ng pagka-inis dahil sa ginawang pagbaliwala ni Jericho sa tanong niya.

"Sagutin mo muna ang tanong---"

"Unahin mo munang sagutin ang tanong ko!"

Kaagad na pinandilatan ng mata ng dalaga si Jericho dahil sa ginawang pagsigaw sa kanya.

"Aba, aba, aba, Jericho! 'Wag mo 'kong sigaw-sigawan diyan! Ako ang naunang nagtanong kaya ako na muna ang una mong sagutin!"

Sinamaan lang ng tingin ng binata si Rhea. Tila wala itong balak sagutin ang tanong ng dalaga.

Mas lalong nainis si Rhea sa ginawang iyon ni Jericho. Napapikit ang dalaga, tila nakokonsomisyon na ito sa lalaki.

Palihim namang napatawa ang mga kasama sa naging reaksyon ni Rhea.

"O, anong tanong mo!"

"Prego,"

"Anong prego?" May inis sa mukhang tanong ng dalaga.

"Anong ibig sabihin ng prego?!"

Kaagad pinandilatan ng mata ni Rhea si Jericho. "Naninigaw ka ba?!"

"Hindi! Nagtatanong lang!"

Sinamaan ng tingin ni Rhea si Jericho dahil sa pagiging sarkastiko nito.

"You're welcome!" Biglang saad ng dalaga.

Napatingin naman sa kanya ang lahat. Si Jericho naman ay napanganga.

"Anong you're welcome? Hindi pa ako nagte-thank you sa'yo---"

"You're welcome ang ibig sabihin ng prego! Bakit ba ang slow-slow mo!" Sunod-sunod na sigaw ni Rhea. Sunod-sunod din ang paghinga ng dalaga matapos niya 'yong sabihin.

Napanganga at natahimik ang mga kasama. Kalaunan ay nagsi-iwasan ng tingin at doon nagsitawa.

"Anong nakakatawa?!" Sigaw ng dalaga.

"Pfft, e, kasi masyado kang highblood babaing maingay." Saad ni Vanessa, tumatawa pa.

Kaagad sinamaan ng tingin ni Rhea si Vanessa. "Kasi masyado siyang slow!" Sigaw ni Rhea bago tumingin kay Jericho na naglalakad na paalis. "H-hoy---"

"Sa restroom."

Napakunot-noo naman si Rhea. "Anong restroom?"

Napatigil sa paglalakad si Jericho at tiningnan si Rhea. "Nasa restroom si emo girl."

"Hindi 'yan ang tanong ko!"

Emotionless PRINCESS [Volume 1]Where stories live. Discover now