KABANATA 82

38 5 1
                                    

KABANATA 82

Days passes like seconds. Month of February na, araw ng mga puso.

"Shanny!"

Umaga palang, nambulabog na kaagad si Rhea sa natutulog na si Angela. Napanguso ang dalaga nang makita ang ginawang pagtalikod ni Angela sa kanya.

"Shanny---"

"Bakit?" Tumingin na ito sa kasama.

Ngumiti si Rhea. "Good morning."

"'Yon lang?"

"Oo."

d-.-b

Bumangon na lamang si Angela at naisipan nang maligo. Iniwan niya si Rhea sa loob ng kuwarto.

Lumabas ng kuwarto si Rhea at nagpunta sa kusina. Naisipan ng dalaga na magluto ng ulam nila.

"Good morning." Humihikab na bati ni Luhence sa dalaga bago tumabi at tumingin sa ginagawa nito.

Napalingon si Rhea sa binata, nakangiti. "Good morning."

Matapos maligo at magbihis ni Angela, pumasok siya sa kusina.

"Good morning binibini." Nakangiting bati ni Luhence kay Angela.

Tumango lang si Angela at nagsaing sa rice cooker na binili nina Sebastian para hindi na mahirapan ang dalaga na magsaing sa umaga.

Nakatanggap naman ng masamang tingin si Luhence mula kay Rhea. "O, bakit?" Nakatawang saad ng binata.

Inirapan lang ng dalaga ang kasintahan at padabog na inihalo-halo ang corned beef.

"Galit ka?" Malambing na tanong ni Luhence sa dalaga.

"Hindi." Hindi ang sagot ng dalaga, pero makikita naman sa mukha nito na inis ito sa binata.

"Tch!" Napangisi si Luhence bago inagaw ang sandok. "Ako na."

Mahinang napatawa si Luhence nang makita ang palihim na pag-irap ng dalaga sa kanya.

d-.-b

'Yan ang naging reaksyon ni Angela nang makita ang moment ng dalawa. Tumayo na lamang ang dalaga at kumuha ng mga gamit para makakain na.

Rhea's POV

Habang nag-aantay ng jeep, hindi ko maiwasan ang mapangiti. Hindi sa hindi na ako takot sumakay ng jeep, kundi dahil sa mga taong nakapula.

d^__^b

Valentine's day na bukas! Hindi ko alam kung ano pero excited na ako! First time kong makaranas ng valentine's day na may valentine's date ako! Kadalasan kasi, si Shanny lang ang ka-date ko. Friendly date. Pinipilit ko pa nga, e. Para lang may ka-date ako. Pero ngayong may boyfriend na ako, excited na excited na ako.

"Hoy."

Napatingin ako kay Luhence nang sikuhin niya ako.

d-.-b

'Yan naman ang reaksyon ng mukha ni Shanny.

"Bakit?"

Emotionless PRINCESS [Volume 1]Where stories live. Discover now