Naka-head set siya at mukhang hindi napapansin ang mga babae na pinagkakaguluhan na siya.
Iritang irita ako sa hindi alam na dahilan. Kinuha ko ang phone ko at nagmessage ulit sa kanya.
To Raj
Busy ka?
I don't know where do I get that audacity to text or asked him that way. Ang alam ko lang ngaun ay naiinis ako sa mga babae nakabuntot sa kanya kahi kita naman na wala naman siyang pakialam.
Iritable ako. Tumunog ang cellphone ko ng nawala na si Raj sa street ng bahay nila Alice.
From Raj
Why? Missed me? Nag jojogging ako. I'm sorry baby..
Reply niya. Hindi pa din nito nawala ang iritasyon sa akin pero nakampante ako na nagsabi siya ng totoo. Really Gotica? What is happening to you? Bakit kailangan niya magsabi sayo? Ugh!
Tumayo nalang ako dahil hindi na naman maganda ang epekto nito sa akin. Wala nga si Raj sa tabi ko pero apektado pa din ako.
Tumulong nalang ako kay manang na magligpit at inayos ang mga gamit ng anak. Inabala ko ang sarili ko sa ibang gawain para hindi ako mag isip ng kung ano ano pa man.
Magtatanghalian na at dumating na din ang anak ko at si Raffy. Si Alice naman ay gising na din at nakagayak.
"Mama! Ikaw nalang kulang." Riley shouted from outside our room. Hindi ko naman kase alam na ngaun tanghalian pala ang lakad namin at masyado akong nadala tumulong sa gawain bahay.
"Yes! Yes! Baby.. mama is coming." Sagot ko ng matapos ko isuot ang kicks ko. Nakasimpleng t-shirt lang kase ako at pantalon.
Paglabas ko ng kwarto ay nakanguso ang anak ko at halatang halata ang inip.
"Eto na ako. Masyado kang mainipin." Salita ko sa anak at saka ginulo ang buhok nito. Mahaba na talaga ang buhok ni Riley at plano ko na din ipaputol ito.
"Come on," matigas na ingles na sagot niya kaya napangiti ako at napailing. Sometimes Riley is sweet pero kapag naiinip talaga siya sa bagay na gustong gusto niya. His sweetness became grumpy.
"San ka mamalengke manang?" Bungad sa akin ni Alice ng makalabas kami ni Riley sa garahe. Napatingin ako sa kanila ni Raffy na todo pormado. Alice is always dress to kill at ganoon din si Raffy kahit nasa bahay lang sila.
"Whut? Ayos lang naman suot ko ah?" I defend my self. Ayos lang naman talaga ang suot ko. Sadyag maporma lang talaga siya kaya feeling niya pangit ang pagiging simple ko.
Umirap si Alice. "Ang dami kong binigay na damit sayo. Sana naman gamitin mo." Sabay sakay niya sa sasakyan. Wala akong nagawa kundi tumawa nalang. Wala akong magagawa. Dito ako kumportable. Bahala ka jan.
"Wag mo pansinin. Maganda ka kahit ano suot mo." Kindat ni Raffy sabay sakay sa sasakyan. Umiling nalang ako at ngumisi kasabay ng pagsakay namin ni Riley sa sasakyan.
"Where are we going?" Masayang masaya ang anak ko habang nasa byahe. Giliw na giliw pa si Alice sa kanya kaya hindi na siya nag rant about sa suot ko.
"We will eat lunch at Marriot hotel then we will go to the mall and I will buy you whatever you want." Sagot ni Alice sa anak.
Nanlake ang mga mata ko. Really? Sa hotel kami kakain para sa tanghalian? Kaya naman pala nagagalit si Alice sa suot ko. Akala ko sa mall lang o reastaurant. Hindi ako na informed.
"Really mama Alice? Yabyu!" Sagot ni Riley na tuwang tuwa. Magkano ang food doon? Hay nako naman!
Binalewala ko nalang ang presyo. Bukod sa minsan lang naman ito ay ayoko masira ang mood ng anak ko.
"Oh bakit ang tahimik mo?" Bati ni Raffy na nakatingin pa sa rearview mirror sa akin. Pati si Alice ay bumaling sa akin.
"Raf's treat. Don't worry." Sagot niya sabay kindat sa akin. Hindi ko nalang pinansin. Ang totoong bumabagabag sa akin ay kung ano ginagawa ni Raj. This is wrong pero kahit ano ang gawin ko ay naiisip ko talaga siya.
Nang makarating kami sa Marriot ay madaming sasakyan ang nakapila sa entrance na kinukuha ng valet. It was our turn. Isa isa kaming bumaba ng sasakyan.
Hinawakan ni Riley ang kamay ko habang ang kabila niyang kamay ay nakahawak kag Raffy.
Dumiresto kami maglakad papasok sana ng hotel ng may tumawag sa akin.
"Icai!" Natigilan ako. Alam na alam ko kung kaninong boses iyon. Sabay sabay kaming napatingin kay Raj. He's wearing a casual attire at humahataw na naman ang puso ko. He's a head turner at gulat ang itsura niya. Napatingin siya kay Riley na nakahawak sa akin sabay baling din kay Raffy.
"Shit!" Bulong ni Alice.
YOU ARE READING
Our Strings (Strings Series 3)
Non-Fiction"Ayokong pakasalan mo ako dahil sa obligasyon mo!" she said. "Then what do you want?" he said confused. "I want you to marry me because you love me.." she wiped her own tears. "Yung ako naman.. yung ako lang..."
OS- Kabanta 25
Start from the beginning
