"Sus, sa Ausi nga may snow pa and okay ang climate pero hindi ka nag-bloom ng ganyan." Ngumisi siya at saka sumubo ng hotdog. Nahuli ko pa na pinapanuod ni Raffy ang reaksyon ko.

"The pancake is not good. I'm tired of your pancake tito Raf. Please let the pancake rest for the rest of their lives." Biglang sabi ni Riley. Hindi ko na nasagot si Alice dahil pati siya ay naagaw ang atensyon ni Riley.

Walang sabi ay sabay kaming humagalpak ng tawa. Halatang halata ang lungkot at dissapointment ni Riley habang tinutusok tusok ang obvious na matigas na pancake.

"Nilalason mo ba ang anak ko?" Kahit natatawa si Alice sy tumayo siya palapit kay Riley.

"We'll eat outside later ha, baby. I will buy you the best pancake." Pang aamo ni Alice sa anak ko.

"Really mama Alice?" Sagot ni Riley. Kitang kita ko ang tuwa sa mata ng anak. Para bang sabik na sabik siya hindi dahil sa pancake kundi  dahil aalis kami.

"I tried my best. Why are you so mean to me?" Biglang sabi ni Raffy. Umirap ako sa kanya. Umaarte siya nasasaktan para i-guilt trip ang anak ko.

Nawala ang ngiti ni Riley. I know na kahit palagi sila nag aaway ni Raffy ay mahal niya rin to'. " I'm not tito Raf. I just want the pancake to rest. They seemed so tired." Sagot ni Riley.

Nabuga ko ang tubig na iniinom ko dahil sa kainosentehan ng anak kaya napatawa ako ng malakas.  Maging si Alice ay hindi napigilan ang pagtawa ng malakas.

Hindi maipinta ang mukha ni Raffy. Hindi niya lang matanggap na nari-realtalk siya ni Riley ngaun.

"Oh, maybe they are tired. Until when they will rest?" Sagot ni Raffy sa anak. Halos hindi na kami makakain dahil bibong bibo si Riley. Hindi niya intensyon ang mga sinasabi niya pero napapasaya kami nito ng sobra.

Madramang bumuntong hininga si Riley na tila ba ang laki ng problema.

"I think.. forever tito." He said. Wala na. Napuno na ng tawanan ang hapag. Kahit si Raffy ay hindi na napigilan ang sarili na humagalpak ng tawa.

Pagkatapos ng almusal ay nagkwentuhan kami about sa nangyare sa amin buong linggo.

Sa amin kasing tatlo si Raffy lang ang naghihintay pa din para sa trabaho niya. Panay pa ang maktol niya at rants about sa pagrereklamo ni Riley sa luto niya.

Natulog ulit si Alice. May kung anong pinuntahan si Raffy at sinama si Riley. Saglit lang naman daw kaya pinayagan ko na ang anak.

Umupo ako sa balcony sa kwarto ko. Hindi naman gaano natitirikan dito ng araw dahil madaming puno na nakapaligid.

Napatingin ako sa cellphone ko ng tumunog ito.

From Raj

Are you still sleeping? Bakit wala kang reply?

Ngumuso ako ng mabasa ang text niya. Wala kase akong nireplayan sa message niya mula kagabi. Bukod sa nagmamadali akong umuwi dito ay nakatulog din ako agad.

Me

Goodmorning

Reply ko. Ayoko pahabain at mag explain sa kanya. Bakit ako mag eexplain. Hindi naman kami. Siya lang naman ang tanong ng tanong ng mga bagay na hindi naman dapat.

Wala nang reply. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam naman ako ngaun ng iritasyon dahil hindi siya nagreply. Binagsak ko cellphone ko sa table at binalewala ang nararamdaman. Tumitig ako sa tahimik na street. Tanging huni ng ibon lang ang maririnig. May ilan ilan pang babae ang nag ja-jogging.

Natigilan ako ng makita ko si Raj. Naka jogger pants at sando na nagpalitaw ng perpektong hulma ng katawan niya. Pawisan at marahan tumatakbo. May ilan pang babae ang sumusunod sa kanya habang naghahagikgikan.

Our Strings (Strings Series 3) Where stories live. Discover now