" Checking on you.." he said. Nanatili ang mga mata niya sa task ko na kailangan na bukas.

"Obviously I'm okay. Bumalik kana dun." Mataray kong sabi. Bumuntong hininga siya at tumayo ng matuwid.

"Why are you so hard on me? I just miss you baby.." he said and turned his back to enter sir Brent's room.

Tumunganga ako sa tapat ng laptop ko  at sa files ko pagkatapos niya sabihin iyon. Hindi yata maganda ang epekto sa akin ni Raj dahil nawala ako sa lahat ng ginagawa ko. Ugh!

Lumipat ako ng pwesto para mag-focus sa files muna. Sinabi kase ni sir Brent na kailangan niya iyon mamaya so kailangan ko iyon tapusin.

Medyo madilim na sa labas at malapit na ako matapos. Iniaangat ko pa ang dalawang kamay ko at tsaka nag inat.

Tahimik na ang buong silid. Hindi ko din alam kung nadito paba silang dalawa o ako nalang.

Pasado alas otso na ng matapos ako. Inayos ko lahat ng files at tinapos isend sa email ni sir Brent. Nilagay ko ang hand written report ko sa ibabaw ng table niya para makita niya bukas o kailan siya pupunta dito. Sabado kase bukas at wala akong pasok.

Uuwi ako kay Riley ngaun.

Napansin ko ang ilaw sa conference room. Napanganga ako ng makita si Raj na nakadukdok sa table habang nakatapat sa kanya ang laptop ko.

He is peacefully sleeping. Napatitig pa ako sa sobrang amo ng mukha niya. Ayan na naman ang puso ko. Wala pa siyang ginagawa ay patuloy na ang pagwawala.

Tinignan ko ang laptop ko at chineck kung ano ang ginawa niya. Nanlake agad ang mga mata ko ng makita na tapos na ang task ko na kailangan ko ipasa bukas.

I checked everything at hindi ko maiwasan mamangha because it was done properly and amazing. Tama lahat ng sukat.

Lahat pa ng ginamit na formulas ay naka-encode lahat. Masyadong perpekto at malinis ang pag kakasagot at pagkakagawa.

He did this? Napatingin ako kay Raj na payapang nakatulog. Nakaramdam din ako ng guilt dahil sa pagiging malupit ko sa kanya.

He is trying. Ramdam ko iyon at nakikita. Hindi naman ako manhid at tanga. Pero kase.. natatakot ako. Natatakot ulit ako na papasukin siya sa buhay at sistema ko.

Ayokong mawala sa focus. I want to grow and be the ideal girl for him if ever. Kung may standards ako for him to deserve me. Gusto ko din maging maayos ako at maging karapatdapat to deserve him.

Nagligpit ako ng opisina bago umuwi. Hinayaan ko pa si Raj na matulog saglit. Kumalam na din ang tyan ko dala ng gutom.

Pasado alas nyube na ng gabi ng pagpasiyahan kong gisingin si Raj. Hindi ko din naman kaya na iwan nalang siya dito basta basta.

"Raj.." marahan kong tawag sa kanya. Bahagya siyang gumalaw pero hindi dumilat ang mga mata. Inulit ko ulit ang pagtawag hanggang unt unti niyang dinilat ang mga mata niya.

Ganito pala itsura ni Raj kapag bagong gising. He looks so nice and innocent.

"I'm sorry." Una niyang sabi. Nilinis niya ang mga mata niya gamit ang daliri. Ginalaw niya pa ang leeg niya  at pinatunog. Halatang halata ang pagod sa kanya pero ganun pa man, he still looks handsome and attractive.

Ngumuso si Raj at pumangalumbaba sa desk. "I'm hungry." Salita niya. Para siyang bata na nagrereklamo ay kailangan pakainin. Hindi ako nagsalita pero kumulo ang tyan ko tunog gutom na gutom na din. Nagkatinginan kami ni Raj. Hindi ko maiwasan matawa dala na din ng kahihiyan.

"You don't need to say it baby.." malambing niyang sabi sabay tayo at ayos ng sarili .

"Kanina kapa tapos?" He asked ng patayin ko na ang mga ilaw sa office. Tumango lang ako sa kanya. He is watching all of my moves kaya medyo naiilang ako.

"Bakit hindi mo ako ginising?" Tanong niya.

"Kase mukhang pagod na pagod ka." I answered him. Nakita ko ang pagngiti niya.

"And you waited for me." Sagot niya na mukang masayang masaya. Umirap nalang ako habang nangingiti sa kanya.

Sumakay kami sa lift. Medyo gabi na din naman kaya alam kong wala ng masyadong tao sa baba.

Hindi ko na siya sinagot. Yumakap si Raj si beywang ko kaya napasinghap ako. He then leaned his head on my shoulder. Medyo napayuko pa nga siya dahil ang tangkad tangkad niya.

"You smell good. I'm hungry. Lets eat." Malambing niyang sabi. Kinilabutan ako sa boses niya na puno ng paglalambing.

" Okay. Pagluluto ulit kita." Sagot ko nalang. Alam ko naman kase na kapag pumayag ako ay sa labas kami kakain. Kapag hindi naman ako pumayag ay hindi niya ako tatantanan. As if that I have a choice.

"You still have the energy to cook? O kinakahiya mo ako?" Humiwalay siya sa akin habang masama ang tingin. Umirap ako sa kanya.

"Ofcourse I still have. Ano ba mahirap na ginawa ko?" Sagot ko. Binalewala ko na yung kinakahiya ko siya dahil kahit ano sabihin ko ay hindi naman niya maiintindihan.

"Okay then." He said. Naguguilty na naman ako dahil tunog nagtatampo na naman siya.

"Ano... thank pala sa pag sagot sa task ko." I said suddenly. Malaking bagay kase sakin iyon. Hindi lang naman kase iyon ang mga task na gagawin ko for school.

Lumapit sa akin si Raj. He suddenly pulled my nape and kissed my forehead.

"That's nothing. I will do everything to help you. It's all for you, Icai." Natulala ako sa kanya hanggang tuluyan ng bumukas ang lift.

Our Strings (Strings Series 3) Where stories live. Discover now