"Can we have coffee?" Biglang sabi ni sir Anton kalagitnaan ng meeting sabay tingin sa akin. Mabilis akong tumayo dahil alam ko na ang ibig niyang sabihin.
"No need. Oorder nalang ako sa starbucks." Biglang sabi ni Raj.
"Save that for later. Gotica can make coffee. And besides it will take time, Raj."salita ulit ni sir Anton. Balik balik ang tingin ko sa kanila ni Raj. Pinagkrus ni sir Brent ang braso niya.
Damang dama ko ang tensyon sa paligid kaya hindi ako makapagsalita. Hindi ko din alam kung magtitimpla ba ako ng kape o patuloy nalang na tutunganga sa harap nila.
"Nah, They will bring it just in time. Kapeng kape ka naba?" Sagot ni Raj kay sir Anton. Kita ko kung paano kumuyom ang kamay ni Sir Anton at pag igting ng panga ni Raj.
"Relax boys. It's just coffee. Talagang mag dedebate pa kayo?" Singit ni sir Brent. Tumingin siya sa akin at bumuntong hininga.
"Make us coffee please." He said to me. Tumango ako sa kanya ay dumiretso na sa pantry. Kahit nakita ko na masama ang tingin sa akin ni Raj ay binalewala ko nalang.
Bakit siya nagagalit? Trabaho ko ito!
Nang matapos ako magtimpla ay seryoso pa din sila sa meeting nila. Marahan kong binigay ang kape isa isa sa tapat nila. Nang turn ko na ibigay kay Raj ang kape ay napahinto ako ng hawakan niya ang beywang ko.
"Napagod kaba?" He said. Natigilan ako at napapikit ng mariin. Pati si sir Brent na nagsasalita ay biglang natahimik. What is he doing?
Hindi na naman ako makagalaw. Napatingin ako sa kanila na lahat ay nakatingin sa akin. Alam ko na pulang pula ang pisngi ko dahil sa kahihiyan.
"I'm sure she's fine. Wag ka ngang over acting. She just made coffee." Si sir Anton sagot kay Raj.
Narinig ko ang mahinang tawa ni sir Brent. Masamang tumingin si Raj kay sir Anton. Nagtama ang paningin namin ni sir Anton at kumindat lang siya sa akin.
"You may seat now, Gotica." Si sir Brent tawag sa akin. Sobra sobrang kahihiyan ang nangyari sa akin. Tumango ako sa kanya.
Kahit nabato na yata ako sa pwesto ko ay pinilit ko pa din mag karoon ng lakas pabalik sa pwesto ko kanina katabi si sir Brent.
The meeting went well and smooth. Kahit dama ko minsan ang sagutan ni Raj at sir Anton ay makikita mo pa din na propesyunal sila. Basta magkasama si Raj at sir Anton sa isang kwarto. Siguradong mabigat ang atmosphere.
I can't blame the both of them though. Hindi maganda ang nakaraan nila sa iisang babae at na kay sir Anton na ito ngaun.
Hindi pa din umalis si Raj. Gustong gusto ko siya tanungin kung bakit nandito siya ay hindi ko magawa.
Wala ba siyang trabaho sa company nila? Simula yata nalaman niya na nandito ako ay halos nandito na siya naglagi.
May files na pinaayos sa akin si sir Brent kaya doon ako naka-focus ngaun. Nag pop ang project ko sa isang subject na submission na bukas. Hindi ko pa ito natatapos dahil nahihirapan ako.
Ngumuso ako at tinitigan ito. Sinimulan ayusin ulit. Naisantabi ko nga ang utos ni sir Brent dahil dito. Its pressuring and stressing me out.
"You are doing it wrong." Raj husky voice echoed. Halos mapalundag ako sa gulat. Palagi nalang niya ako ginugulat. Sometime.. hindi na ako magugulat kung magkakaroon ako ng biglaang sakit sa puso dahil sa kanya.
"What are you doing here?" Mahinang sabi ko sapat na para marinig niya. Mabuti nalang at sa kwarto sila ni sir Brent nag lagi kanina. Ano ginagawa niya ngaun dito?
YOU ARE READING
Our Strings (Strings Series 3)
Non-Fiction"Ayokong pakasalan mo ako dahil sa obligasyon mo!" she said. "Then what do you want?" he said confused. "I want you to marry me because you love me.." she wiped her own tears. "Yung ako naman.. yung ako lang..."
OS- Kabanata 24
Start from the beginning
