Hindi pa ako handa. At kailangan ko din ihanda si Riley sa mga posibilidad na mangyayari. I know my son will understand. Ang hindi ko alam ay kung si Raj at mama niya at mga tao sa paligid ay maiintindihan.

I was his secret! This is a bomb to everyone if ever.

Nang matapos ako mag kape ay nagsimula ako sa buksan ang laptop. May pasok na ako at kailangan ko nang mag handa.

Hindi ko na nireplayan si Raj kaya hindi na din siya nagreply. Mabuti na iyon. Masyado niyang pinapasok ang sistema ko at kinakain ako nito. Ayoko non, ayokong mawala sa focus. Ayokong mawala yung priorities ko na dahilan kung bakit ako nandito at bakit ko ito ginagawa.

May ilan minuto pa bago magsimula ang klase. Nakaramdam ako ng pagkalam ng sikmura. Pupunta sana ako sa kitchen ng may nag doorbell.

Natahimik ako saglit at natigilan. Sino naman ito? Wala akong inaasahan bisita o ano. Kabang kaba ako papalapit sa pinto.

"Goodmorning! Is Gotica Dior Gatchalian is here?" Sagot ng lalake na mukhang food delivery. Napatingin ako sa paper bag na hawak niya. Lalong kumalam ang sikmura ko sa amoy ng pagkain.

Alam na alam ko ang amoy nito. Hot chocolate at bagel.

"Why?" Tanong ko.

Ngumiti ang lalake delivery.

" Delivery for her, maam." Inabot niya sa akin ang paper bag. Wala sa sarili ko itong tinanggap. May pinapirmahan lang sa akin ang lalake at tuluyan ng umalis. I don't need to ask kung kanino ito galing. Kanino paba?

Pinatong ko ito sa tabi ng laptop. Huminga ako ng malalim at tinikman ang bagel na mainit init pa.

Pumikit ako sa sarap at lambot ng tinapay. This is better than before sa school namin. Even the hot chocolate will give you warmth. Nostalgic feeling envelopes me. Somehow, I may say that this is really our thing.

Sampung minuto pa at magsisimula na ang klase. Halos paubos na din ang bagel at hot chocolate. Busog na busog at tyan ko.

My phone rang suddenly. Si Riley. Tinapos ko nguyain ang huling kagat ng bagel at sinagot ang tawag.

"Mama! How are you? You are going home tomorrow.. right?" Bungad ni Riley sa kabilang linya kaya ngumiti ako.

"I'm fine. Yes... ofcourse, baby. I'll be home tomorrow. " sagot ko. Narinig ko na sinigaw pa ng anak kay Raffy na uuwi ako. Raffy said something pero hindi ko na naintindihan.

"How are you? Kumain kana ba?" Tanong ko sa kanya. May kung ano na naman silang pinag aawayan ni Raffy kaya napailing nalang ako. Sila yung tipong laging mag ka-away pero hindi naman kaya na hindi magkasama.

"Yes po. Tito Raffy cooked pancake mama." Masiglang sagot ni Riley. Tumango ako.

"Really? Was it good?" I asked Riley.

Saglit na natihim ang anak na tila ba nag iisip.

"No! Still the same. Plain and burned." Sagot ni Riley. Natawa ako ng malakas. Na-iimagine ko pa kase ang pag nguso ng anak pati ang pagpilit niyang kainin ang pancake para wag lang masaktan ang feelings ni Raffy.

"Hoy ano yan! I did cook better this time!Ikaw talagang bata ka! Inaruga na kita siniraan mo pa ako sa mama mo!" Sigaw ni Raffy na medyo malapit na yata kay Riley. Lalo akong natawa sa kanila.

"That's true. You taught me not to lie tito. Why are you lying to mama?" Seryosong seryoso salita ni Riley kaya mas lalo akong natawa sa pagiging inosente niya.

Dinig na dinig ko ang hinaing ni Raffy sa anak hanggang nag-away na naman sila.

"Bye mama yabyu!" Sagot nalang ng anak hanggang nawala ang tawag.  Ngumuso ako. I loveyou too Riley.

Our Strings (Strings Series 3) Where stories live. Discover now